"Come Back"

465 7 0
                                    


"Cut."

Sigaw ni Direk. Balik trabaho na ulit ako, after ng ilang linggong pahinga. Nakakailang takes na din kami sa araw na to, ilang takes sa iisang scene.

"Jhake, nakaka-5 takes na tayo sa scene na to, hanggang ngayon hindi mo pa rin maperfect. Madami pa tayong ibang kukunan. Okay ka na ba talaga?"

"Sorry po direk. Ayusin ko na po, take na ulit tayo."

"No. You can go now. Magpahinga ka na muna ulit, naiintindihan ko. Umuwi ka na muna, next shoot nalang natin kunan yung mga scene mo. But make sure na sa next shoot ikaw na ulit yung Jhake Vargas na nakilala namin."

"Pero po direk..."

Pinutol na nya ang sasabihin ko.

"I know how professional you are. Magaling ang nag-alaga sayo. At wag na wag mong kakalimutan yung mga turo nya sayo. Hihintayin ka namin, pero sa ngayon you have to rest. Hanggang sa maging ok ka na ulit."

"Salamat po direk. And Sorry kung nadissapoint ko po kayo. Babawi po ako. Una na po muna ko."

"Mag-ingat ka hijo."

Nag-aayos ako ng gamit ko ng bigla ko lapitan ng bestfriend ko.

"Tol, ayos ka lang? Ok lang yan, bawi ka nalang sa susunod. Ano ? Tara na?"

"Sorry tol, but I want to be alone. Ngayon lang to."

"Sigurado ka?"

"Oo nga. Don't worry kaya ko namn sarili ko."

Matapos ko mag-ayos ng gamit ay dumaretso na ko sa sasakyan ko. Hindi ako nagsama ng driver o kahit na sino. Dahil gusto ko rin mapag-isa after ng taping, ang kaso ito napauwi agad.

Alam ko masyadong unprofessional ang ginawa ko kanina, hindi ko dapat hinayaan madamay ang trabaho ko. Hanggang ngayon affected pa rin ako sa nangyari. Mali to, dapat mas pagbutihin ko, dapat ipakita ko kay tatay na karapat-dapat ako para sa mga biyayang natanggap ko dahil sa kanya.

- - - -

*Lloyd calling*

Sinagot ko naman ito agad pagkakita ko kung sino ang caller. Bakit kaya sya tumatawag? Sana naman walang nangyaring masama sa kanya. Bihira lang kasi ako tawagan ng bestfriend ng boyfriend ko, pag may importante lang about kay Jhake.

"Hello?"

"Japs, he needs you."

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nya.

"Why? What happened to him? Nasaan sya?"

"Wala pa rin sya sa sarili nya, kaya ayun napauwi sya ni direk. Next shoot nalang daw kukunan yung mga scene nya."

"Pinagalitan ba sya? San sya nagpunta? Myghaaad, that guy."

"Hindi ko na sya sinundan, gusto daw nya mapag-isa. Kaya ikaw ang tinawagan ko dahil alam kong sayo makikinig sya."

Nag-alala naman ako sa sinabi nya. Akala ko ok na sya. Akala ko unti-unti na nyang natatanggap. Hindi ko na alam, hindi ko na alam kung paano ko pa mapapagaan ang nararamdaman nya.

"Sige, thank you lloyd. Ako ng bahala, susubukan ko syang tawagan."

Tinapos ko na ang tawag. Kailangan ko syang tawagan, kailangan ko syang makausap, kailangan kong malaman kung ok lang ba sya.

"Julie Anne, be ready in 5."

"Sige po."

Sinusubukan kong tawagan si Jhake pero hindi nya sinasagot.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon