My Most Handsome

319 7 6
                                    


"Anak, malungkot ka na naman."

"Nay! Pagod lang po."

Napatingin ako kay Nanay Manilyn ng naupo sya sa lapit ko.

"Miss mo na sya?"

Hindi ako sumagot sa tanong nya. Bumuntong hininga lang ako. Kaya alam kong alam nya na agad kung ano ang problema ko.

"Anak, sa akin mo pa talaga itatago? Kami na nga lang ang nakakaalam ng totoong relasyon nyo, hindi ka pa ba magsasabi sakin?"

Humarap ako sa kanya, nginitian ko sya ng malungkot.

"Hindi ko na naman po alam kung anong nangyayari samin. Sometimes we're okay, then dadating yung isang araw nagkakasakitan na naman po kami."

"Kasama yan sa relasyon, anak. Walang pagmamahal, kung hindi ka masasaktan."

Yumuko ako at inilapat ang mga kamay ko sa lamesa. Tinapik nya ang balikat ko.

"Sige na, umuwi ka na muna. Pag-usapan nyo yan. Mukhang kailangan ni Chito ang Nikki nya."

Tumayo na ko para makauwi na. Wala na rin naman akong masyadong eksena ngayon kaya hinayaan nila kong umuwi ng maaga.

Wala rin naman ako sa sarili kaya mas pinili ko nalang na umuwi ng bahay.

----

"Ate, si kuyang pogi oh, mukhang malungkot."

Inirapan ko si Joanna nang banggitin nya ang boyfriend ko. Bahala sya sa buhay nya, sya naman ang nauna tapos ngayon aarte sya ng ganyan.

"Tawagan ko sya, ate. Tamang-tama I miss him already."

"Stop it, Jm. Hayaan mo sya."

"Hay nako, ate. Kung magtitiisan kayo pareho baka mauwi sa hiwalayan yang relasyon nyo. Bahala ka, ikaw din, alam mo na ngang may sobra kung bumakod sa kanya tapos grabe mo pa syang pagselosin."

Tinamaan ako sa sinabi ng kapatid ko. Napaisip ako sa narinig kong sinabi nya. Mali na nga ba talaga ako?

"Jm, sobra na ba talaga yung ginawa ko? Ginagawa ko lang naman yun kasi nasasaktan ako sa mga nakikita ko."

Tumigil sya sa ginagawa nya, binitawan nya ang hawak nyang gadget tsaka ako hinarap.

"Ate, parehas lang naman kayo nasasaktan at nahihirapan ni Kuya dahil sa sitwasyon nyo. Akala ko ba sanay na kayo sa takbo ng trabaho nyo? Bakit kailangan mo pang gumanti dahil lang sa mga nakikita mo?"

"You can't blame me. Babae lang ako, at marunong din naman ako masaktan at magselos."

"And you know Kuya Jhake, ate. Sa sobrang bait at tahimik nyang tao sasarilihin nalang nya yung sakit na nararamdaman nya. Ikaw din, baka dahil sa pagtitiis mo sa kanya ngayon may ibang taong magcomfort sa kanya."

I rolled my eyes the moment na marinig ko na naman ang sinabi nya. She's right again. Kung wala akong gagawin at patuloy syang titiisin baka tuluyan pa syang mawala sakin. Hindi ako papayag. His mine. Sakin lang sya.

Nagbihis ako at nagmadaling lumabas ng bahay.
Dala ko ang susi ng sasakyan kaya nagtaka si Papa.

"Where are you going, lady?"

Nginitian ko si papa tsaka ko sya sinagot.

"To my most handsome boyfriend, pa."

"Pasayahin mo yang si pogi, anak. Baka kakasimangot nya pumangit sya, kaya tell him na hindi nagboboyfriend ng pangit ang anak ko."

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon