"Possessive (Julie's Part)"

505 11 10
                                    


Saturday. Since morning palang nagstay muna ko dito sa bahay. Mamaya pa naman ang rehearsals ko with SPS fam.
Nandito lang ako sa kwarto ko nag online lang ako sa lahat ng Social Media Account ko. Pero  hindi nalang sana ko nagbukas dahil ngayon nga pala yung Maynila Episode nya with other girl. Nakita ko yung mga pictures nya, at pictures nila na masayang nagtatawanan. Nakakainis, parang nawalan tuloy ako ng gana.
Nagulat naman ako ng may biglang kumatok. Bukas yun kaya di ko na kailangan tumayo.

"Nak."

"Ma, bukas po yan."

Pumasok si Mama kaya naupo nalang ako sa kama.

"Nak, aalis kami ni papa mo kasama yung dalawa mong kapatid. Ayaw mo ba muna sumama? Mamaya pa naman punta mo sa GMA."

"Hindi na po ma. Pahinga po muna ko. Hintayin ko nalang po kayo."

"Sigurado ka? Mukhang matamlay ka anak, may sakit ka ba?"

Tanong sakin ni Mama. Humawak sya sa noo ko para siguraduhin kung okay lang ako.

"Wala po kong sakit ma. Wag po kayo mag-alala. Ayos lang po ako. Sige na po."

"Sure kang okay ka lang ha. Kung masama pakiramdam mo di nalang kami aalis para mabantayan ka."

"Ma, ...."

Bigla naman dumaan si Joanna, galing sya sa kwarto nya at pinutol ang dapat na sasabihin ko.

"Mama, selos lang yan kaya nag-iinarte na naman yan si Ate. Tara na po."

Nilakihan ko naman ng mata si Joanna, nginisian nya lang ako at agad na hinila si Mama palabas ng kwarto ko.

"Anong selos ? Kanino ?"

"Basta ma, kwento ko nalang sayo sa kotse. Bye ate. Wag ka mag-alala mahal ka ni kuya."

Sigaw ni Joanna habang hinihila pa rin si mama pababa.

"Joannaaaaa. Humanda ka sakin mamaya pag-uwi mo."

Di na sya sumagot. Tumingin nalang sya sakin at nginitian ako.

Nahiga nalang muna ulit ako. Ayoko magbukas ng TV baka abutin ko pa yung commercial ng Maynila nya. Ayoko na rin mag-online dahil makikita ko lang yung mga hindi ko na dapat makita pa.
Kung pumayag lang siguro ako at hindi hectic ang schedule ko, kami sanang dalawa ang magkasama sa Maynila Episode na yan.

Naisipan ko munang bumaba dahil gusto ko nalang kumain. Pampawala ng stress.
Habang busy akong kumakain ay narinig kong may nagdoorbell.

"Manang paki-tignan naman po kung sino yun."

Umalis na si manang para tignan kung sino yung nasa labas.
Bumalik din namn sya kaagad.

"Ms. Julie."

"Manang sino po y...."

Napatigil ako ng makita ko kung sino yung nakasunod sa kanya.
Ang gwapo, at kahit nasa malayo palang sya ay naaamoy ko na ang gamit nyang pabango. May dala rin  syang flowers. Malawak ang ngiti nya habang palapit sa direksyon ko.

"Good Morning mahal."

Bati nya at hinalikan ako sa labi. Inabot nya rin sakin ang bulaklak na dala nya.

"Fresh flower for my beautiful girlfriend."

"Aga mo ah. Anong meron ?"

Kumunot ang noo nya kaya nagtaka ako.

"Wala manlang Good Morning din? Pang-aasar agad?"

"Tampo ka na nyan? Osige na Good Morning din po mahal ko."

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon