Secret Boyfriend

467 5 7
                                    


"Boy, may problema ba?"

Nagulat ako ng biglang magsalita si Tito Jon.
Lumingon ako sa kanya, pero agad din akong yumuko.

"Buti pa po sya invited."

"Anak."

"Pasensya na po. Alam ko naman trabaho lang to, pero hindi ko pa rin po maiwasang hindi masaktan, magselos. Mahal na mahal ko lang po talaga sya, tito."

Lumapit si Tito Jon sa sofa na inuupuan ko, niyakap nya ko tsaka naupo sa tabi ko.
This night is her concert, together with Christian Bautista. At heto ako, taong dressing room, again.

"You know her, hijo. Kung may karapatan man syang tumanggi gagawin nya. Pero alam mo naman yung trabaho nyo di ba? And she want this. Gusto nyang patunayan sa ibang tao na hindi lang sya pangkantahan, but also she has the ability na makipagsabayan sa mga kapwa nyo artista. And her so called boyfriend? Makakatulong yun sa kanya. Hindi ka nya gustong saktan, anak. Dahil kahit sya nasasaktan. Pero kailangan. You both need this, para mas mapatunayan nyo na kaya nyo. Na matatag kayo."

Hindi ko mapigilang hindi mapaiyak sa sinabi ng dad ni Julie. Kaya mas lalo pa nya kong niyakap. Ang hirap lang. Buti pa sya pwedeng mapanuod ng live ang performance ni Julie, samantalang ako, lagi nalang patago kung panuorin sya.

"Tito, wala na po bang ibang paraan? Gusto ko sya makasama, gusto ko rin ipagdamot sya sa ibang lalaki, gusto kong ipagsigawan sa buong mundo, how proud I'am dahil sakin sya, dahil mahal ko sya."

Humarap sakin si Tito. Umiling din sya dahil sa sinabi ko.

"Anak, natatandaan mo ba yung interview nya noon? She want it to be in private. Personal life nya yun, kaya gusto nya na sya, kami, ang mga kaibigan nya, at ang taong mamahalin nya lang ang makakaalam ng totoo. Kilala mo si Julie, kapag mahal nya ayaw nyang nasasaktan. Mas gugustuhin nyang sya nalang ang masaktan kaysa ang mga taong mahal nya."

"But Im wiling to get hurt, tito. Willing po akong masaktan para sa kanya."

"Jhake, aware ka naman sa nangyayari ngayon kay Julie and Ben diba?"

Napayuko ako dahil sa sinabi ni Tito. Marinig ko lang ang pangalan nya ay parang gusto ko ng manapak. Kumukulo talaga ang dugo ko pag naririnig ko ang pangalan ng lalaking yun.
Tinanguan ko nalang si Tito.

"At yun ang ayaw nyang mangyari sayo. Ayaw nyang isipin ng ibang tao na pang promo lang ang relasyon nyo, na dahil magkasama kayo sa isang palabas kaya naging kayo. Ayaw nyang pagpyestahan ng ibang tao ang relasyon nyo. At mas lalong ayaw nya na ikasira ng career mo kung sakali man na hindi sya magugustuhan ng fans mo. Jhake anak, ayaw nyang saktan ka, pero ito lang yung naiisip nyang paraan para hindi ka masira sa ibang tao. Don't worry hijo. Darating din ang tamang panahon, magagawa mo rin ipagsigawan sa buong mundo ang nararamdaman mo para sa anak ko, para kay Julie."

Nginitian ko si tito, at tsaka ko nalang sya niyakap.
Mabuti nalang at nandyan ang pamilya nya para pagaanin ang loob ko, at para ipaalam sakin na kung gaano ako kamahal ng prinsesa nila.

"Sorry tito. We're supposed to enjoy tonight dahil concert nya pero nadramahan ko pa po kayo."

"It's ok Jake. You know how much I like you for my Julie. Kaya boy, wag mong susukuan ang prinsesa ko. Baka hindi ko na ulit sya ipagkatiwala sayo."

"I won't tito. Never."

Nginitian ko nalang si tito Jon, at ganun din sya sakin. He even pathed my shoulder bago sya tumayo at bumalik sa pwesto nya kanina.

- - - - - -

Pabalik na ko sa dressing room. Malapit ng matapos ang concert. Nang malapit na ko sa dressing ay narinig ko ang boses ni papa. Sumilip ako sa loob at napansin kong seryosong nag-uusap si Papa at ang boyfriend ko.
Hindi muna ko pumasok at pinakinggan ang pinag-uusapan nila.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon