"Magkabilang Mundo"

342 6 3
                                    


@myjaps Instagram post:
"Distance can be traversed, Time can be reversed"
*insert photo*

"Ate bakit malungkot ka?"

Nakatanaw lang ako sa dagat. Napaka-ganda nyang tignan. Nakaka-relax. Napalingon ako kay Joanna ng bigla syang magsalita.

"Huh? Di naman ah."

"Sus ate sakin ka pa talaga magsisinungaling? Bestfriend tayo di ba?"

"Eh kasi Jm....."

"Si Kuya?"

Napabuntong hininga ko. Namimiss ko tuloy sya lalo. Kahit ayokong pag-usapan alam kong hindi ako makakaligtas sa kapatid ko na to. Knowing Joanna hindi yan titigil hangga't hindi ko sinasabi sa kanya kung ano yung nasa isip ko.

"Di ka pa rin nya tinetext ?"

Umiling ako. Tama sya, hindi pa rin ako tinetext ng boyfriend ko, even call wala din. Hindi rin sya nasagot sa mga tawag and text ko sa kanya.

"Galit pa rin sya sakin. Since day 1 natin dito sa London hindi pa rin nya ko kino-contact."

"Ate .... "

"Am' I being unfair to him ?"

"No. And alam ko na maiintindihan ka nya ate."

Naramdaman ko nalang na hinawakan ni Joanna ang magkabila kong pisngi at pinunasan ang luha ko. Umiiyak na pala ko.

"May choice naman ako di ba ? Pwede naman na after his birthday nalang, pero nagpumilit pa rin ako na umalis tayo agad. Kaya ngayon galit sya sakin. I can't even imagine na yung ibang tao makakasama sya sa bday nya, samantalang ako na girlfriend nya wala sa tabi nya."

"Stop crying na ate please. Alam mong ayaw ni kuya na umiiyak ka, isusumbong kita sa kanya."

"Sira ka. Eh sya nga yung dahilan kung bakit nagkakaganito ako."

Humarap ulit ako sa dagat.
Tomorrow is his birthday.  At wala ako sa tabi nya para icelebrate ang mahalagang occassion na yon para sa kanya.

"Galit si kuya ngayon. Pero I'm sure na pag-uwi natin at makita ka nya mawawala na yung galit nya sayo. Di ka matitiis ni Kuya, ate. Kaya tama na emo. We're here to enjoy kaya smile ka na."

Nginitian ko nalang si Joanna. Ayoko naman magpakita ng lungkot sa kanya dahil baka pati sya hindi mag-enjoy sa vacation namin.

Pinilit kong mag-enjoy. Kinalimutan ko muna ang boyfriend ko na nasa Pilipinas na hanggang ngayon ay tinitiis pa rin ako dahil hindi sya nagpaparamdam sakin.

Kailangan kong bumawi sa kanya. I know nagiging unfair na ko sa kanya. Nung birthday ko nasa tabi ko sya at hindi nya ko iniwan hangga't hindi natatapos ang birthday ko. Now, ako naman. And I promise na after this kakausapin na nya ko ulit. Ang hirap ng ganito dahil magkalayo kami. We're on the different world kaya mahirap para sakin na alam kong galit sya.

------

"Hello po Tita?"

"Where are you ijo?"

"Nasa bahay po. Bakit po may problema po ba?"

"Wala naman anak. Gusto sana namin ng tito mo na iinvite ka dito sa bahay. Dito ka na magdinner."

"Sure po tita. After ng guesting ko diretso na po ko dyan. Thank You po."

"Thank You din ijo. See you later, ingat ka."

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon