"Normal Couples"

322 9 9
                                    

"Ay ateee, bakit hindi ka pinapansin ng jowabels mo?"

Sabi ni Mikoy paglapit nya sakin. Mikay na dapat ang pangalan nya ih, lagi nalang in character of  Roxy.

Sinamaan ko lang sya ng tingin at hindi sinagot.

"Ano na? Titignan mo nalang ako? Make kwento na bilis. Siguro dahil kay an --- "

Pinutol ko na ang sasabihin nya.

"Don't mention any name please? Baka marinig ka nya."

Sabi ko tsaka ko ulit pinagmasdan ang boyfriend ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako pinapansin.

We're here sa set ng Pepito Manaloto, at  habang nag-Instagram Story ako kanina ay parang wala lang ako sa kanya. Sana hindi nakahalata ang fans.

"Dahil nga sa kanya ano?"

"Let's not talk about him please. Ngayon na nga lang ako nakawala dun sa boyfriend kuno ko ih."

"Alam mo girl, sakin nalang kaya yang jowabels mong yan para naman hindi na yan nag-eemote ng ganyan, kasi ako, sigurado akong lagi ko syang pasasayahin."

Inirapan ko sya. Medyo napatawa din ako sa sinabi nya.

"Mikaay, kung si Roxy nga hindi pinatulan ng Chito ko, ikaw pa kaya. Yung feeling boyfriend ko, yun nalang ang jowain mo."

"Ay ang sama mo girl, maggigirlfriend nalang ako kaysa patulan yang feeling boyfriend mo. Baby Jhake, yung jowa mo oh inaaway ako."

Sumbong nya kay Jhake. Lumingon lang samin ang suplado kong boyfriend tsaka sya nagpatuloy sa pagbabasa ng script.

"Ay wala na Julie girl, break na sunod nyan."

"Tumigil ka nga. Hindi yun mangyayari."

Matapos namin mag-usap ni Mikoy ay nagsimula na kami magshoot.
Hinayaan ko na muna si Jhake dahil alam kong hindi naman nya ko matitiis.

Alam ko pati na maganda yung place na gagamitin namin mamaya para sa isang scene ni Chito at ni Nikki sa PM. At alam ko na maeenjoy namin yun pareho.

---

Napansin ko na nakangiti sya habang nakatingin sa phone nya. Nilapitan ko sya at niyakap mula sa likuran nya.

"Ano yang tinitignan mo?"

"Nang-iistalk."

Tinignan ko ang tinitignan nya at nakita ko na nag-iinstagram sya.

Nandito na kami sa bahay. Sa loob ng kwarto ko. After ng taping namin ng Pepito ay umuwi na kami, at ito nga, dito muna sya magpapalipas ng gabi.

Oo, okay na kami. Hindi nga kasi ako matitiis ng gwapo kong boyfriend.

"First time mo tong gawin, mahal."

"Ang alin?"

Inalis nya ang kamay ko na nakayakap sa kanya at humarap sya sakin.

"Ang mag-post sa iG ng pictures mo kasama ako, I mean yung  sunod-sunod na post. Although, kasama natin si Mikoy dun sa dalawa mong post."

Nginitian ko sya at iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg nya, sya naman ay nakahawak sa bewang ko.

"Mahal, matagal ko ng gustong gawin yan noon pa man, yun nga lang ayoko maissue tayong pareho. Kaya nga kinuha ko yung chance na kasama natin si Mikoy dun sa mga photos, tsaka yung tayong dalawa na pinost nya. Para hindi mahalata."

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon