"Her Happiness"

358 7 5
                                    


"Where are you? You said pupunta ka para sumamang magcelebrate ng graduation ko."
*Message sent.

After ng graduation ko dumaretso kami sa isang private restau. para icelebrate ang paggraduate ko.
Tinext ko si Jhake dahil nangako sya na sasama sya samin ngayon. At syempre bilang boyfriend ko sya, dapat lang na nandito sya.

Importante ang araw na to sakin. Ito ang nagpapatunay na lahat ng pinaghirapan ko at pinagpuyatan ay nagbunga na. Another achievements. At alam kong sa araw na to mas lalong naging proud sakin ang pamilya ko. Lahat ng tagumpay na nakamit ko, para sa kanila, para sa walang sawang paggabay, pagmamahal at suportang ibinibigay nila sakin.

Hinihintay ko lang ang reply ni Jhake. Hindi muna kami kumain dahil baka parating na sya.
Tumunog ang phone ko at agad ko naman binasa ang text na natanggap ko.

From Mahal:
I'm sorry mahal. Nandito pa rin ako sa set. Taping pa. I can't make it. Hindi ako makaalis ih. Sorry for dissapointing you. Babawi ako. Congratulations. I Love You :*

Nalungkot ako pagkabasa ko ng text nya. Hindi sya makakarating. Hindi ko sya makakasama ngayon para icelebrate ang araw na to. Wala sya para samahan ako ngayon sa isa sa pinaka-importanteng occassion sa buhay ko. Nangako sya, ang hirap pala talaga pag nag-expect ka ng isang bagay tapos hindi naman matutupad. Ang sakit pala talaga.
Hindi ko nalang sya nireplyan, instead ay inOff ko nalang ang  phone ko. Hindi dapat ako magpaapekto. Atleast kasama ko naman ang buong pamilya ko.

"Anak?"

"Kain na po tayo."

"Akala ko ba hi..."

"Hindi po sya makakarating."

"Bakit daw ?"

"Wag na po natin sya pag-usapan. Enjoy nalang po natin yung food. Let's celebrate."

I tried to sound cheerful. Ayokong pag-isipin pa sila Papa. Alam kong nag-aalala sila. Kilala nila ko at alam din nila na ayaw ko sa lahat na yung mismong mahal ko ididissapoint ako, ayaw kong nag-eexpect ng isang bagay na sa huli hindi naman pala matutupad. Promises are meant to be broken nga naman.

Pinilit kong ipakita na masaya ko kahit sa loob ko malungkot ako dahil wala sya. Kahit pala napapaligiran ka na ng mga taong importante sayo kulang parin yung happiness kasi wala yung isa sa mahal mo.
Nakipagkulitan nalang ako sa mga kapatid ko para makalimutan ko ang boyfriend ko.

------

"Anak bakit naman ganyan ang mukha mo?"

"Galit po ata sya sakin tay. Nabigo ko sya. Hindi ako nakarating. Importante pamandin para sa kanya ang araw na to."

Matapos kong replyan si Julie agad naman akong pinatawag dahil scene ko na yung kukunan. Hindi ko na tuloy nabasa kung ano man yung reply nya o kung nagreply man sya.
Matapos kunan yung scene ko agad kong binuksan ang phone ko. Pero wala syang reply. Sinubukan ko nalang sya tawagan pero wala, nakaOff na ang phone nya. Galit na nga ata talaga sya.

"Bakit may usapan ba kayo ngayon ni Nikki, nak?"

"Tay ngayon po yung gr...."

"Ayy oo nga pala. Ngayon yung graduation nya di ba?"

"Opo. Nangako po ako sa kanya na sasama ako para icelebrate yung another achievements nya, pero hindi po ako nakarating."

Naupo si Tatay bitoy sa lapit ko. Nandito kami ngayon sa pool side dahil parehas kaming walang scene kaya dito rin muna ako tumambay.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon