Walk Of Fame

597 10 0
                                    


December 01, 2015. Walk of Fame. Dalawa kami ni Julie ang nakasama sa mabibigyan ng award ngayong araw na to. Masaya ko para saming dalawa. Lalo na sabay pa namin matatanggap ang isa na naman karangalan bilang isang artista.

Andito na ko sa location, Eastwood Mall. Hindi ko na sya sinundo sa kanila, dahil panigurado issue to pag nakita kaming sabay dumating at bumaba sa iisang sasakyan. Hihintayin ko nalang sya dito.

Maya-maya nag ring ang phone ko. May tumatawag.

*Tita Ivic calling*

"Hello po Tita." sagot ko. Mommy ni Julie, siguro andito na din sila.

"Hello din hijo. Nasan ka? Nandito na kami sa parking. Pwede bang humingi ng favor sayo?"

"Oo naman po Tita. Ano po ba yun?"

"Pwede mo bang sunduin si Julie dito sa parking? Mas makakampante kasi kami ng Tito mo kung makakasabay ka nya. Alam kong kaya mo syang protektahan. Ayoko na maulit pa yung nangyari noon, na masasaktan sya ng mga taong galit sa kanya."

"Sure po Tita. Papunta na ko dyan. Ako na po bahala sa Prinsesa natin."

"Salamat. Napaka-bait mo talaga."

Pagkatapos namin mag-usap ni Tita pinuntahan ko na kung nasan sila.
Sakto, dahil katabi lang ng sasakyan ko kung saan sila nagpark. Lumabas si Tito Jon, Tita Ivic at si Julie pagkakita sakin.

"Jhake ikaw na muna bahala sa prinsesa ko, pakibantayan. Alam kong boyfriend ka nya at hindi bodyguard. Pero kahit ngayong gabi lang, kailangan talaga nya ng bodyguard."- Tito Jon.

"Papa naman. Mahirap maging bodyguard yan. Nambubugbog yan. At ayoko magkaron ng boyfriend na killer."- Julie.

Grabe talaga ang bully ng babaeng to.

"Killer agad? Gwapo kong to? Pero Tito, Tita wag po kayo mag-alala kung kinakailangan bakuran ko to magdamag gagawin ko po, wag lang sya mahawakan ng mga taong gustong manakit sa kanya."

"Sige na. Punta na kayo dun. Salamat ulit hijo. Ingat kayo. Hintayin nalang namin kayo dito."

Bumalik na ulit kami ni Julie sa pinagdarausan ng event. Sabay kaming naglakad sa Red Carpet. Di ko magawang bitawan sya dahil ayokong may bigla nalang manakit sa kanya. Di ko rin maalis ang tingin ko sa kanya dahil natatakot ako na mawala sya bigla sa paningin ko. Nasa iisang table lang kami.
Nauna syang tawagin sa stage, kaya naiwan ako sa table.

Habang nasa stage sya dumating ang isang taong dahilan kung bakit may mga taong galit na galit sa kanya. Isang tao na pinagseselosan nya dahil may isang tweet ang taong yun na nakalagay ang pangalan ko. Sabi pa ng ibang fans ko, Crush ko daw. Pero sa totoo lang si Julie lang naman ang crush ko noon pa man.
Nabigla ako ng sa table pa namin nya naisipan magStay at makiupo. Kaya napatingin ako kay Julie. At isa lang ang masasabi ko. Kung nakakamatay ang tingin nya, baka pinaglalamayan na ko ngayon.

Tinawag na lahat sa stage. Lumapit ako kaagad kay Julie.
Mukhang badtrip sya. Lagot na.

"Galit ka ba?"- tanong ko sa kanya.

"Hindi. Bakit naman ako magagalit?"
Hindi daw galit pero nakasimangot.

Magsasalita na sana ko ng biglang lumapit si Enrique, at nakipagbeso kay Julie. Di ko maiwasan magselos dahil alam kong may gusto ang mokong na to sa Mahal Ko.
Nagkukwentuhan sila habang nakatayo lang ako sa lapit ni Julie.
Mukhang nakalimutan nya na may boyfriend syang kasama.
Ito namang si Enrique may pagkapit pa sa likod ng Girlfriend ko.

Hindi ko nalang din sya kinausap. Dahil ayoko na dito pa kami mag-away. Pero lihim ko pa rin syang sinusulyapan at binabantayan. Nagseselos lang naman ako pero hindi yun rason para pabayaan ko sya.
Patuloy lang ang event. At hindi namin pinahahalata na may tampuhan kami. Oo. Alam kong tampo yan sakin. Pareho kaming seloso at selosa kaya bagay talaga kami.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon