You're My Last

395 8 2
                                    


"Damn. Sh*t sh*t sh*t."

Hindi ko mapigilang hindi mapamura ng makita ko ang post ng Sunday PinaSaya.
Na naman ? Pang tatlong beses na yan ah. Ano bang meron sa Last na yan at pilit syang isinasama sa girlfriend ko?
Kaya naman mag-isa ni Julie, kaya bakit pilit nilang pinagsasama sa isang prod ang girlfriend ko at ang bwiset na Last na yan.

Napalingon ako sa may pinto ng pumasok si Julie.
Nandito kami ngayon sa kwarto nya sa bahay nila. Rest day namin pareho kaya mas pinili namin na mag stay nalang kaysa lumabas pa.
Nakangiti sya habang papalapit sakin. Ako naman ay nakakunot lang ang noo.

"Oh? Bakit parang nalugi ka ata mahal? Mapupunit na noo mo sa sobrang kunot."

Sabi nya habang minamasahe ang noo ko.
Lumayo ako sa kanya tsaka ko inabot sa kanya ang cellphone ko.

"Ano yan?"

Hindi ako sumagot. Tinignan nya yung phone ko. Napakunot din ang noo nya.

"Julie Anne ano na naman yan?"

"Jhake...."

"Ano na naman yan? Bakit may prod na naman kayo together? At bakit hindi mo sinabi sakin? Ano, kung hindi ko pa makikita yang post na yan wala ka pang balak sabihin sakin na magkasama na naman pala kayo?"

"Hindi naman sa ga...."

Pilit nyang hinahawakan ang kamay ko pero hindi ko hinahayaan na magawa nya yun. Galit ako. Nagseselos na naman ako.

"Hayan na. Magsisimula na silang ilayo ka sakin. Ipinapareha ka na sa iba. Ilalayo ka na nila sakin."

"Mahal."

Umiiyak na ko. Hindi ko mapigilan. Nasasaktan ako dahil baka sa pagpareha ng pagpareha nya sa iba, ilayo nalang sya sakin. Ayoko nun. Ayokong may ibang pangalan na idikit na naman sa kanya.
Kinuha ko ang cellphone ko sa kanya tsaka ko naglakad palabas ng kwarto nya.

"Wait mahal san ka pupunta?"

Hinabol nya ko. Hawak na nya ngayon ang kamay ko.

"Jhake, mag-usap muna tayo."

"Uuwi muna ko. Gusto ko muna makapag-isip."

"Mahal, wag naman ganito. Mag-usap tayo. Gusto ko malaman kung anong iniisip mo. Ayaw ko umalis ka ng ganito tayo."

Umiiyak na din sya. Gusto ko syang yakapin pero pinigilan ko.

"Tsaka nalang tayo mag-usap."

Tinalikuran ko na sya tsaka ako mabilis na naglakad.

"Jhakeeee."

Tinatawag nya ko pero hindi ko na sya nilingon. Mabilis akong lumabas at sumakay sa sasakyan ko. Ayoko munang mag-usap kami. Nasasaktan ako. Bibihira na nga lang kami magkasama sa isang tv show tapos ipapareha pa sya sa iba. Ang sakit lang. Kailangan ko mag-isip. Hindi muna ko umuwi.
Hindi na pwede to. Ayoko ng masundan pa ng ilang beses. Baka mapatay ko na talaga sya. Buti nalang madali nalang kung san ko sya pwede makita. This is your last young man.

Nagmaneho ako papuntang Eat Bulaga studio. Paniguradong andun sya.
Hinintay ko nalang sya sa parking dahil malapit na rin matapos ang EB.
Maya-maya nakita ko si Alden. Lumapit sya sakin.

"Brader anong ginagawa mo dito?"

"Last."

Nagtataka syang nakatingin sakin.

"What?"

"I need  to talk to him. Ngayon palang gusto ko na syang balaan. Bro. alam mo naman na hanggang ngayon hindi pa rin tinitigilan ng mga fans nyo si Julie di ba? At ayokong madikit na naman sya sa ibang tao tapos sa huli sya na naman yung magiging dehado. Ayoko ng nababash yung girlfriend ko. At mas lalong ayokong mahulog ang loob ng Last na yun sa babaeng mahal ko. Dahil baka mapatay ko sya."

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon