Tiwala

424 12 4
                                    


Napangiti ako pagdating ko sa location ng taping para sa Pepito. Makita ko lang sya automatic ng lumalabas ang ngiti sa mga labi ko. Napaka-simple lang ng suot nya pero nangingibabaw pa rin ang kagandahan nya.
Binati ko ang mga staff na madaanan ko habang papunta ko sa kinaroroonan ng babaeng mahal ko.

Napatingin na sya sa gawi ko. Hahalikan ko na sana sya sa pisngi ng iiwas nya ang sarili nya sakin.

"Mahal?"

Hindi sya sumagot. Tumingin lang sya ng masama sakin.
Ano na naman bang nagawa ko?

"Julie?"

"Jhake nandito tayo para magtrabaho kaya please lang, reviewhin mo muna yung mga line mo para hindi na tayo mahirapan mamaya."

"Pero.."

Hindi pa man ako natatapos sa pagsasalita ay tinalikuran na nya ko. Lumipat sya ng pwesto at pinagpatuloy nalang ang pagbabasa ng script.

I guess Moody Girlfriend On na naman.

Minsan na nga lang kami magkasama ganito pa. Simula ng matapos ang BuenaFamilia once a week nalang kami magkasama pag may trabaho. Magkaiba din kasi kami ng sched. Minsan may shoot sya, ako naman may out of town mall tour. Sobrang busy na rin nya kaya bihira nalang talaga kami magkita, tapos ang moody pa nya.

"Anak."

"Tay."

Nabigla ako ng tapikin ni Tatay Bitoy ang balikat ko. Naupo sya sa tabi ko.

"Mukhang malungkot ka chito? Ayun lang yung Nikki mo. Di mo lapitan?"

"Parang galit na naman po sya sakin. Sana'y naman po kaming magbasa ng script ng magkasama pero po ngayon bigla nalang nya ko nilayuan."

"Bakit? Ano na naman ginawa mo?"

Napatawa ko sa sinabi nya. Parang line lang ni Tatay Pitoy sa Pepito nung Monthsary Episode. Naalala ko tuloy yung panghaharana ni Chito kay Nikki. Nakakakilig yun.
Pero hindi ako dapat kiligin ngayon, galit sakin ang mahal ko.

"Yun nga po tay. Di ko alam. Lagi nalang sya ganyan. Bigla nalang sya magagalit sakin ng hindi ko alam ang dahilan. Kilala ko naman yang si Julie. Yung pagiging moody nya. Pero minsan hindi ko lang po talaga sya maintindihan."

"Anak, malaki ka na. I know you can handle your relationship with her. Kilala rin kita. At alam ko yung pinagdaanan mo sa relasyon mo noon bago sya. Hindi mo naman sya sinukuan agad di ba? Mas malala pa yun kaysa sa relasyon mo ngayon with Julie. Kaya alam kong alam mo kung anong dapat mong gawin ngayon."

"Ano pong ibig nyong sabihin?"

Naguluhan ako sa sinabi nya.
He patted my back again.

"Yang mga babae, mahilig yan sila magpalambing. Gustong-gusto nilang nilalambing sila."

"Paano po kung mas mainis sya sakin?"

"Wag ka pa rin susuko. Bibigay din yun. Tsaka di ka naman matitiis nyan ni Julie. O baka naman gusto mo ulit ng flashmob para sa girlfriend mo?"

"Tay naman. Hindi na po."

"Hala sige. Kung ganon, lapitan mo na yun. Yung sabi ko sayo, konting lambing lang bibigay din yun."

"Sige po. Mamaya nalang after ng shoot. Baka mas lalong mabadtrip ih. Salamat po tay."

Umalis na si Tatay Bitoy. Nagbasa nalang din ako ng script. Pinagmamasdan ko nalang sya mula dito.

Habang binabasa ko ang script napansin ko na may iba pa pala kaming makakasama. May guest na naman siguro. Mukhang may pagseselosan ulit ako.

Nagsimula na ang taping. Nakilala ko na din ang guest para sa episode na gagawin namin ngayon. Si Jay Arcilla. Kilala ko sya. At alam ko na may crush sya sa girlfriend ko.
Hindi ako papayag na maka-damoves sya sa mahal ko. Baka masaktan sya sakin.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon