"Pain"

632 9 0
                                    


"Masakit ba?"

Out of nowhere na tanong sakin ni Jhake. Andito kasi kami ngayon sa bahay. Watching Buena Familia together. Buti nalang wala kaming trabaho pareho ngayon, kaya nagkaron kami ng time na manuod ng magkasama.

"Huh? Ang alin?" Balik tanong ko sa kanya.

"Yung sampal ni Ate Aicelle."

"Medyo. Pero ayos lang. Hindi naman masyado masakit. Macho kaya to."

"Yan ka na naman. Alam mo ba kulang nalang saluhin ko yung scene na yun? Ayoko ng mga ganung scene. Yung sinabuyan ka nya ng tubig, tapos ayan kanina tinutulak-tulak ka pa. Ayokong sinasaktan ka, ayokong pinahihirapan ka, ayokong palagi kang nakikita na umiiyak. Kasi mas nasasaktan ako."

I didn't expect that Jhake would say those. Napakatahimik nyang tao. Hindi rin sya masyadong expressive sa nararamdaman nya. Nakakagulat tuloy na sobrang seryoso sya ngayon. Di ako sanay, usually kasi playful lang sya. Sinasakyan nya mga trip ko. But this, His telling me what he feels ang sarap sa pakiramdam.

"Oo nasasaktan ako. Pero andyan ka naman palagi di ba? Si Kevin na palaging nasa tabi ni Darling everytime that she needs someone that she can lean on."

"Si Kevin?"

"Oo. Pero tuwing may scene na sobrang mabibigat tapos dumarating si Kevin, parang feeling ko hindi sya si Kevin. Para syang si Jhake. Si Jhake kasi palagi din nandyan para damayan ako, pasayahin pag may problema. Kaya balewala para sakin ang mga ganung scene, dahil ang importante may Jhake naman na palaging nandyan para yakapin ang Darling nya, his Julie. Right MahalKo?"

"Kung yung mga yakap na yun ang magpapawala ng sakit na nararamdaman mo. Kahit yakapin nalang kita buong magdamag ayos lang."

"Medyo chansing ka banda dun chong. Cuddled forever? Ganun?"

"Ikaw may sabi nyan MahalKo."
sabay yakap at halik sa akin.

Lumalabas na naman yung kakulitan nya. Nabawasan na ang pag-Eemo nya.

"But seriously. Kahit alam kong it's all about work, ayokong nasasaktan ka. Physically or Emotionally man. Hindi ko kaya. Mas gugustuhin kong ako nalang yung nasasaktan kaysa ikaw."

"Ang sweet naman ng MahalKo. Ako din naman ih. Ayoko rin na nasasaktan ka. Masaya nga ko kasi ngayon alam ko totoo na yung mga ngiti mo. Wala ng halong pagpapanggap. At masaya rin ako kasi ako yung dahilan ng mga ngiti mo."

Nung pumasok kami sa relasyon na to. Pareho muna kami dumaan sa sakit ng pag-ibig. Pareho kaming naiwan ng mga taong mahal namin, pareho kaming sinaktan ng taong pinagkatiwalaan namin ng sobra. Ngayon, sa bagong pag-ibig na dumating sa buhay naming dalawa. We'll make sure, na gagawin namin ang best namin para maging masaya sa isa't isa. Mahal ko si Jhake, at alam ko na Mahal nya rin ako.

"Thanks God because he gave me like you. Mahal na Mahal kita Julie Anne San Jose."

"At mas Mahal Kita Jhake Angelo Vargas. Tandaan mo, na mas gugustuhin kong masaktan sa taping dahil scripted lang ang lahat ng yun. Pero yung masaktan mo ko ng hindi sinasadya? Baka hindi ko kayanin."

"I can't promise na hindi kita masasaktan, because pain is also a part of love. But I'll try. Just Trust me. Believe in me, dahil hindi ko magagawang lokohin ka. Ang Gago ko nalang pag-iniwan pa kita."

"I always believe in you because I Love You."

He can be sweet sometimes. Alam ko naman na hindi yun maiiwasan. Ang hindi nya ko masaktan, ang hindi ko sya masaktan. TRUST and LOVE, yan lang naman yung isa sa pinakamatibay na foundation ng isang relationship. As long na may tiwala at mahal nyo ang isa't isa. Hindi kayo masasaktan.

Pain. Minsan na kaming nasaktan na dalawa. Sa maling tao, sa maling pagkakataon. Nagmahal ng lubos, kaya sa huli kami pa yung naiwan. Hindi ko pinagsisisihan na sinaktan ako at iniwan ng taong una kong minahal, dahil kung hindi dahil sa ginawa nya, baka wala sakin si Jhake. Baka hindi ko nakilala si Jhake. Baka hindi ako nagkaron ng pagkakataon na maging masaya kasama ang taong Mahal ko si Jhake Angelo Vargas.

The End.

- - - -

( Another sabaw na Update. Sorry mga chong. Wala ng mapiga sa utak ko. Tapos wala pang Inspiration. Ang tahimik nung dalawa )

PS: Talk to me on Twitter. Just use the hashtag #JhaLieOneShot . Thanks

Follow: @JhaLiesHeart on Twitter and InstaGram :)

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon