"Oh Julie Anne, mukhang malungkot ka yata? Sunday PinaSaya nga ih, bakit mukhang Sunday Pinalungkot ka?""Hayy naku Gab, hayaan mo yan si Julieta umeemote lang yan kasi mamaya dadating yung karibal nya."
Siniko ko si Val after nya magsalita. Daldal talaga ng babae na to.
"Vaaaaal."
"Totoo naman eh. Guest yung ano mo tsaka yung ano nya di ba?"
"Barbaraaaa!"
Tumawa sila ng malakas. Ako na naman ang napagtripan nila.
Nagkukulitan pa kami ng biglang bumukas ang pinto. Nakita ko ang isang napaka-gwapong nilalang. His smiling. Yung ngiting nakakapagpawala ng inis ko, yung ngiting sakin nya lang ibinibigay.
Ngingitian ko na sana sya pabalik, pero napakunot ang noo ko ng makita ko kung sino ang kasama nyang pumasok."Hi."
Sabi nya pagkalapit nya sakin. Hahalikan nya sana ako sa labi ng umiwas ako, kaya sa pisngi ko naglanding ang labi nya.
"Ahh.. Girls may ipapakilala lang sana ako sa inyo. Inah, si Valeen, Barbie and Gabbi, mga SPS girls and si Julie girlfriend ko. And guys, si Inah de Belen bago kong katrabaho."
"And your new love team."
Dugtong ko sa sinasabi nya.
Napakunot ang noo nya dahil sa sinabi ko. At nakita ko rin na nagsikuhan sina Gabbi. Nakipagkamay at beso sila kay Inah, samantalang ako, hindi ko alam kung anong irereact ko.
Akala ko okay na ko, pero yung makita ko silang magkasama, masakit pala. And to the fact na madalas na silang magkakasama dahil magkatrabaho sila.Nilapitan ko si Inah at nakipagkamay na rin sa kanya.
I don't want to be rude infront of my boyfriend."Welcome to GMA. And congrats sa teleserye nyo ni Jhake."
Nginitian ko lang sya ng pilit tsaka umalis. Bumalik ako sa inuupuan ko kanina at nag-ayos na ulit ng sarili.
"Mahal?"
Tumingin ako sa salamin at nakita ko ang repleksyon ni Jhake na nasa likod ko. Napansin ko na kami nalang dalawa ang tao dito sa loob ng dressing. Nasan na yung Inah nya?
Tinaasan ko sya ng kilay. Bago ako nagsalita."What are you still doing here? Samahan mo yung Inah mo, ipakilala mo pa sya sa lahat ng tao dito."
"Mahal. Ano ba yang sinasabi mo? Hindi ko Inah yun, pero may Julie ako."
Ngumiti sya kaya lalo ko lang sya inirapan. Hindi ako nakikipaglokohan sa kanya ngayon.
"Hindi ako nakikipaglokohan sayo Jhake Angelo. Umalis ka na nga dito, baka hanapin ka ng new love team mo."
Lumuhod sya habang nakaharap sakin. Nakaupo parin ako. Kinuha nya ang dalawa kong kamay at hinalikan yun pareho.
"Mahal, you dont have to be jealous. Ika----"
"Hindi ako nagseselos."
"Osige hindi ka na nagseselos. Pero bakit parang galit ka ata sakin? May nagawa ba kong mali? May nasabi ba kong hindi mo nagustuhan?"
Bumitaw ako sa pagkakahawak nya sa kamay ko. Itinulak ko rin sya, dahilan para mapaupo sya sa lapag. Tumayo ako at humarap sa kanya.
"Bakit kayo magkasama? Bakit sabay kayo pumunta dito? Utos pa rin ba ng management na ihatid sundo mo sya? Inutos din ba nila na bantayan mo sya at ipakilala sa lahat ng GMAartist? Ako yung girlfriend mo di ba? Pero bakit sya yung kasama mo?"