JAPSplosive Performance nga. Pero yung kasama nya ......"Aaaaarrrrrgggghhh!"
*bogsh*
"Ouch dude. Bakit ka ba nambabato dyan? Ganyan mo ba iwelcome ang bestfriend mo?"
"Shut up Abella."
Naibato ko yung couple piggy stuff toys namin ni Julie nang makita ko ang ginawa sa kanya ng lalaking yun. He have no rights to hug her. Ako lang ang may karapatan na yakapin ang girlfriend ko. Nakakainis. Ang kapal ng mukha nya. Kabago-bago nya lang nakasama si Julie pero kung makapagdemand sya ng yakap akala mo naman close sila.
"Anong meron dude? Bakit parang badtrip ka ata?"
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
"Ouch ka talaga brad. Bawal na ba ko dito?"
"Wala ko sa mood makipaglokohan pare. Iwan mo muna ko."
"Ow! Si Julie oh. Ano bang meron? Natauhan na ba sya? Hiniwalayan ka na?"
Turo nya sa tv. Hindi pa pala tapos ang SPS, kasalukuyan syang kinocongratulates ng mga kasamahan nya. That guy nakadikit pa rin sa girlfriend ko. Gusto atang makatikim nito.
"Dude, you're not helping."
"Ano ba kasing nangyari ? Bakit ka badtrip? Para ka namang di bestfriend nyan. Sumbong kita kay Tito."
"Kim Last."
Tinignan nya ko nang may pagtataka.
"Huh ? Sino yun? Kim Last ? Huli ? Di kita magets brad."
"Ayan yung kasama nya sa prod nya kanina. Ewan kung sino yan at kung bakit nakasama yan ni Julie sa prod nya, at isa pa kaeksena rin sya ni Julie kanina sa Kantaserye. Nakakainis, pwede naman ako nalang kunin nila para ipartner sa girlfriend ko. Pero isa lang ang alam ko, dapat ko syang bantayan."
Inakbayan nya ko habang tumatawa sya tsaka nya ginulo ang buhok ko.
"Ano ba Lloyd!"
"Dude kase naman nagseselos ka lang naman pala, dinamay-damay mo pa ko dyan sa pagkabadtrip mo. Tsaka dude, alam naman natin lahat na ikaw lang ang mahal nyan ni Japs kaya wag ka ng praning dyan. Ganito nalang, ako nang bahala dyan sa Kim Last na yan. Last na talaga nya yung kanina."
Napangiti ako. Kaibigan ko talaga to si Lloyd.
"Salamat pare."
"JhaLie fan ako bro. At patay sakin ang kung sino man umeksena sa favorite couple ko."
Medyo nawala-wala na yung inis ko. Salamat sa baliw kong bestfriend. Pero hindi pa rin ako dapat makampante. Magkasama sila ngayon sa iisang backstage, at sigurado akong eepal pa rin yang Kim na yan sa babaeng mahal ko.
Bigla naman tumunog ang phone ko. May nagtext, si Julie. Pero tampo pa rin ako sa kanya. Nagselos kaya ko.From Mahal <3:
Hi mahal! Done na SPS. Pauwi na kami. I miss you :*Hindi ko sya nireplyan. Naiinis pa rin ako, nagseselos. Anong magagawa ko? Mahal ko si Julie at ayaw kong may ibang lalaking humahawak sa kanya bukod syempre sa pamilya nya at sakin. Hindi ko kayang may iba syang nginingitian dahil gusto ko sakin lang nya ibigay yung mga ngiting yun.
Maya-maya nagring ulit ang phone ko. Hindi na sya text, tawag na. Tumatawag si Julie. Ayoko na munang sagutin dahil pag ganitong badtrip ako at selos ang dahilan ayoko munang mag-usap kami dahil baka mas lalo pa kaming mag-away.