I Love You's Enough

471 7 0
                                        


"Hi!"

"Jhake? Anong ginagawa mo dito?"

Bungad sakin ng girlfriend ko pagkapasok ko ng dressing nila.

"Bakit? Bawal na ba ko dito?"

"Jhake Vargas seryoso ako."

"Masama na bang dalawin ang girlfriend ko? Ayaw mo ba ko dito?"

"Pano pag may nakakita sayo? Ikaw talaga."

"Alam naman nila yung tungkol satin di ba? Tsaka gusto lang naman kita makita."

"Alam nila. Pero yung mga fan? Tsaka gusto mo makita? O para bantayan ako?"

"Hindi naman sa ganun. Gus..."

"Hindi mo naman ako kailangan bantayan. Napag-usapan na natin to di ba? Wala ka bang tiwala sakin? Trabaho to hin...."

"Julie Anne, on stage na next ka na."

"Ok po, susunod na ko."

"Mamaya na tayo mag-usap."

Lumabas na sya ng dressing ng tawagin sya ng isang staff dahil kailangan na sya sa stage. Hindi manlang nya ko hinintay magpaliwanag bago nya ko pagalitan.
Lumabas nalang din ako at pumunta sa dressing room na ginagamit ko sa tuwing naggeguest ako dito sa SPS.

"Chito pare, andito ka rin? Ayy alam ko na. Possessive Boyfriend alert?"

"Jak, pati ba naman ikaw? Ganun na ba ko kahigpit sa kanya? Nandito ko para sa trabaho, pero parang ayaw naman ng girlfriend ko na nandito ako."

"Bakit dude anyare?"

Tanong sakin ni Jak. Nandito rin sya ngayon sa GMA dahil isa sya sa magguest sa isang segment nila.

"Pinuntahan ko sya sa dressing nila para sana isurprise sya dahil hindi nya alam na kasama ako sa guest na cast ng Pepito Manaloto, pero ayun di pa man ako nakakapagpaliwanag kung ano-ano ng sinabi nya sakin. Oo, aaminin ko nagseselos parin ako sa pagiging magkapareha nila ni Rick sa Kantaserye, pero pinipigilan ko naman. Nagseselos naman ako sa lahat ng ipinapareha sa kanya, hindi lang kay Rick. Mahal ko sya ih, kaya ganun nalang yung nararamdaman ko, pero hindi naman nya kailangan isipin na wala kong tiwala sa kanya."

Paliwanag ko kay Jak. Hindi ko lang napigilan, nasaktan din ako sa mga pinagsasabi nya sakin kanina.

"Pare, intindihin mo nalang yang girlfriend mo. Nag-iingat lang yun. Sabi mo nga di ba? Hindi nya alam na guest ka. Mahirap na, pag may nakaalam ng tungkol dyan sa relasyon nyo, yung mga taong hindi makakatanggap sisirain at sisirain kayo. Kaya kung ako sayo intindihin mo nalang sya dude, pagod yun kaya wag mo nalang sabayan yung galit nya."

Napatingin ako sa screen na andito sa loob ng dressing. Kantaserye ang palabas. Nakita ko na ang girlfriend ko at ang lalaking pinagseselosan ko, ang lalaking dahilan kung bakit linggo-linggo may tampuhan kami ni Julie.

"Palagi ko naman sya iniintindi. Nakakainis lang yung ganito, sana naman respetuhin nila yung Loveteam namin ni Julie, kahit yun nalang. Yung ibang artist naman hindi nila ipinipilit na ipartner sa iba meron o wala mang show, pero kami ni Julie, pilit nila kaming isinasama sa iba kahit na magkasama naman kami sa Buena at Pepito."

"Wala naman tayong magagawa dun. Utos yun ng management, yun ang gusto nila. Just accept na sa mundong pinili natin, walang permanente, wala tayong magagawa kundi sumunod nalang para manatili tayo dito. Jhake bro, ang mahalaga lang naman dito is yung alam nyong mahal nyo ang isa't isa. Kaya ikaw, tama na selos. Mahal ni Nikki si Chito, parang si Julie kay Jhake."

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon