"Hon. Ok ka lang?""....."
"Julieee. Babe. Talk to me naman oh."
"....."
"Julie Anne San Jose."
"Jhake Vargas, pwede ba. May take ako later kaya please manahimik ka muna dyan."
Matapos kong sabihin yun ay tumayo na ko at lumipat ng pwesto.
Nandito kami ngayon sa taping for Buena Familia. Actually family scene, walang scene dito yung isang taong nangungulit sakin.
Wala naman talaga kong balak na dedmahin sya o sungitan. Naiinis lang ako sa kanya. Hindi ko mapigilan. Kayo kaya sa sitwasyon ko? Although napag-usapan na namin to at syempre kahit masakit para sakin pumayag na din ako. Para din naman to sa ikatatahimik ng relasyon namin.
Mas mabuti na to atleast walang intriga, walang issue, walang manggugulo, at walang magsasabi na ang relasyon namin ay pang promo lang.Nakita kong tumayo si Jhake at lumabas. Hindi ko nalang muna sya pinansin at nagpatuloy nalang sa pagbabasa ng script.
Nasasaktan ako, naiinggit, nagseselos kahit alam ko naman kung ano ang totoo sa hindi."Sis."
"Oh bro. Take na ba natin ?"
Nasa kalaliman ako ng pag-iisip nang bigla kong lapitan ni Julian.
"Muntik na ko malunod sa lalim ng iniisip mo. Si brader yan no?"
"Che. Manahimik ka nga. Porket tapos ka ng magreview ng line mo ginugulo mo na ko."
"Nakita ko syang palabas kanina dude, mukhang badtrip. LQ kayo?"
"Hindi."
"Dude, sakin pa talaga magtatago? Magkapatid tayo dito, kaya share mo na. Baka makatulong ako."
Ayoko man kausapin si Julian at baka mahuli kami ng magaling kong boyfriend na nakikipag-usap ako sa iba pero sya dinedma ko lang. Pero tama si Julian, baka makatulong sya, lalaki sya, at alam kong maiintindihan nya.
"Nakita mo naman siguro yung post nya last night di ba?"
"Oww. Yun ba? Akala ko nag-usap na kayo about that."
"Yun na nga. Nag-usap na kami, umagree ako. Pero masakit pa rin. Naiinggit ako, nagseselos. Sobrang sakit dito oh, akala ko ok lang sakin, pero bakit ganun kasakit? Bakit hinihiling ko na sana ako yung nandun? Na sana ako yung tinutukoy nya na dahilan kung bakit ngayon masaya na sya ulit. Ang sakit ih. Ang sakit-sakit pala talaga."
Hindi ko na napigilan kaya nasabi ko kay Julian kung ano man yung nararamdaman ko. Umiiyak na ko. Naramdaman ko nalang na niyakap na ko ni Julian. Buti nalang medyo matagal ang break ngayon kaya may kanya-kanyang mundo ang staff. Medyo nasa tago din kami nag-uusap kaya hindi nila makikitang umiiyak ako, at nasasaktan.
"Shhh. Tama na. Isipin pa nila pinapaiyak kita."
Kumalas na ko sa pagkakayakap sa kanya. Pinunasan naman nya ang luha ko. Nakakahiya. Dahil sa isang picture nasasaktan ako at nakikita pa ng iba kung gaano ako kahina.
"Sorry. Di ko lang napigilan. Letche kasi tong puso ko ih, sabi ng wag paapekto pero wala, nasasaktan pa rin."
"Ganun talaga. Mahal mo ih. At kapag puso na ang nagpasya hindi ka talaga mananalo kahit anong pilit mo pa. Pagsubok lang yan sa relasyon nyo. Malalagpasan nyo rin yan. Ang importante alam mo na ikaw talaga. At yung kanila? Yun ang palabas lang, yun ang on cam."
"Ang dami ko nang nakikitang pictures ng mga babae kasama sya, lahat yun nginingitian ko nalang kasi alam kong tanda yun na maraming nagmamahal sa kanya, maraming sumusuporta, maraming humahanga, pero yung picture nya with that girl? Hindi ko kayang ngitian, ni hindi ko nga kayang makita ih. Ang sakit pala, parang ngayon mas gugustuhin ko pang batuhin kami nang sangkaterbang issue basta ang mahalaga maipakita lang namin kung paano namin ipaglalaban ang isa't isa."