"My Special Girl"

374 7 12
                                    


"Ma, tara na po."

Tinignan ako ni Mama. Nakita ko na nakakunot ang noo nya.

"Maaga pa naman anak. 3PM pa naman yun, magpahinga ka muna."

"Pero ma!"

Lumapit sakin si Mama at hinawakan ang magkabila kong kamay.

"Galit ka pa rin ba sa kanya, anak?"

"Hindi naman po ako nagalit sa kanya, ma."

"Kung hindi ka galit bakit mo sya iiwasan?"

Hindi ako sumagot sa tanong ni mama kaya patuloy lang syang nagsalita.

"Anak, palalagpasin mo ba yung pagkakataon na to? Na makasama mo sya ng hindi nyo kailangan magtago? Na makasama sila. Yung mga taong naniniwala sa inyo."

Napayuko ako dahil sa sinabi ni Mama. Tama sya, sayang ang pagkakataon na to. Pero palagi naman silang tama. Ako lang naman ang gumagawa ng maling desisyon. Na sa bandang huli pinagsisisihan ko.

Magsasalita na sana ako nang biglang pumasok si Joanna at yumakap sa bewang ko.

"Ate, may event kang pupuntahan di ba? Ako nalang mag-stay dun sa party nyo para may representative ka, para din makasama ko si Kuya."

"Joanna!"

Pinanlakihan sya ng mata ni Mama, tsaka sya kinurot sa bewang.
Mas napasimangot naman ako sa sinabi nya.

"Ikaw talagang bata ka tigilan mo nga yang ate mo."

Hindi ko na sila pinansin. Nag-ayos nalang ako ng sarili ko para naman hindi ako mag mukhang malungkot pag humarap sa mga fan naming dalawa.
Matapos kong mag-ayos ay inaya ko na sila mama umalis.

"Tara na po, baka naghihintay na sila."

Hindi na umangal sila mama, sumunod nalang sila sakin sa sasakyan.

Hindi ko maiwasang hindi kabahan ng makarating kami sa venue kung saan gaganapin ang party na inihanda ng fan naming dalawa ni Jhake.

Mabuti nalang at wala pa sya. Sinadya ko talaga na agahan para alam kong wala pa sya. Dahil madalas din syang malate. Hindi dahil sa ayaw ko syang makita at makasama, kundi dahil alam ko na sa oras na makita ko sya baka mawala nalang agad ang inis ko sa kanya. Baka hindi ko na rin magawang umalis at magstay nalang para makasama sya.
Pero hindi pwede, dahil may kailangan din akong puntahan.

Nang makasama ko ang mga taong naniniwala saming dalawa, parang gumaan ang loob ko. Gustuhin ko man na magstay kasama sila pero totoo rin na may event akong pupuntahan kaya ako nagmamadali.

Sa ilang minuto na kasama ko sila ay naging komportable na ko. Masaya ko dahil may mga taong sumusuporta saming dalawa ni Jhake. Masaya rin ako na napapasaya namin sila. Pero alam ko na mas magiging masaya sila kung malalaman lang nila ang totoo. At kung makakasama nila kaming dalawa.

Mali lang ang timing ngayon. Marami pang darating na pagkakataon.

----

"Jhake, umalis na si Julie hindi kayo nagpang-abot. May event daw syang pupuntahan."

"Ah umalis na si Julie. Sayang!"

Hindi ko alam kung napansin nila ang paglungkot ng mukha ko nang sabihin ng isa naming fan na umalis na si Julie.

Excited pa naman ako sa araw na to dahil makakasama ko sya, at syempre ang mga fan namin. Kaso may tampo pa rin sya sakin. Grabe talaga yun magselos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon