"Naririnig Mo Ba"

413 7 6
                                    


"Anak, are you okay? Gusto mo pa bang tumuloy tayo?"

Tanong sakin ni Papa. Papunta kami ngayon sa taping ng Pepito Manaloto.
Nakatitig lang ako sa cellphone ko. Tinitignan ko yung mga pictures namin together. Namimiss ko na kasi sya. Galit sya sakin. Nasaktan ko na naman sya. Nasaktan ko na naman sila.

"Papa, what if galit pa rin sya sakin? What if di nya pa rin ako pansinin mamaya?"

"Hindi naman maiiwasan yun anak."

"Papa...."

Napaiyak na ko sa sinabi ni Papa.

"Alam mong nasaktan sya anak. Nasaktan mo din sila. Sinabi ko sayong susuportahan kita sa lahat ng gusto mo kasi mahal kita, malaki ka na at alam mo na kung anong dapat sa hindi."

"Papa hindi ko naman po sinasadya ih."

Hinawakan ni Papa ang kamay ko, habang ang isa nyang kamay ay nasa manibela at patuloy na nagmamaneho.

"Alam ko anak. Pero sa desisyon mo ngayon? Hindi ko yun nagustuhan. Sinabi kong okay sya sakin, pero hindi para maging boyfriend mo, kagaya ng mga fanboy mo hanggang dun lang, kasi natutuwa ako sa kanya dahil kahit artista sya gaya mo, nagagawa ka pa rin nyang suportahan. Yung boyfriend mo ngayon anak, sya lang yung gusto ko para sayo."

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak. Nabigla lang naman ako ih. Hindi ko na mababawi yung mga nabitawan kong salita sa interview, and yes I regret everything that I've said dahil marami akong nasaktan, lalo na ang lalaking mahal na mahal ko.

"Just talk to him. Wala naman syang ibang ginawa kundi intindihin ka anak. If it's about the issue about him and that girl, alam mong bumawi sya, matagal man nya bago ginawa yun, atleast alam mong ginawa nya yun para sayo. He loves you so much Julie anak."

"And I Love him too much Papa."

"Good. Ipakita mo yan sa kanya, iparamdam mo."

Nginitian ako ni Papa at nagtuon nalang ulit sa pagdadrive.
Papalapit na kami sa location. At sobra na rin akong kinakabahan. Hindi ko ata kakayanin na iwasan nya ko.

Nang makarating kami ay agad kong nakita sila Mikoy, nagkukulitan sila, pero wala dun si Jhake.

"Hi Nikki."

"Hello Juls."

Bati nila sakin. Nginitian ko nalang sila bilang sagot.

"Ahm .. si Jhake? Alam nyo ba kung nasan sya?"

Hindi sila sumagot, inakay ako ni Mikoy sa kung saan. At yun na nga nakita ko na sya, seryoso lang sya na nakaupo, may nakasalpak din na headset sa kanya. Tinawag na sya ni Mikoy ng makalapit kami, hindi nya ata kami napansin dahil nakatingin lang sya sa phone nya.

"Babyyyy, hinahanap ka na ng hon .... oooppps anyare?"

Nang mapatingin sya ay bigla nalang sya umalis.
Hahabulin ko na sana sya pero hinigit ni Mikoy ang braso ko.

"Wait, anyare dun? LQ kayo?"

Unti-unti na naman tumulo ang luha ko.

"I need to talk to him, excuse me."

Tinalikuran ko na sya at pumunta kung nasaan si Jhake.

Sa kotse nya, nakita ko syang nakaupo sa backseat, nakasandal sya habang nakapikit.
Kinatok ko ang bintana ng sasakyan nya. Nagmulat sya at tinanggal ang headset sa tenga nya, binuksan din nya ang pinto ng kotse nya. Pumasok ako at naupo sa tabi nya.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon