"Possessive"

474 6 7
                                        


Thursday. At anong meron every thursday ? Pepito Manaloto taping. So ibig sabihin makakasama ko na rin sa wakas ang Mahal ko. Buti nalang talaga nagiging regular na sya sa PM kaya may pagkakataon na makasama ko sya kahit busy sya sa ibang bagay.

Dito lang kami ngayon sa bahay ng Manaloto Family magtataping.
Wala pa ang girlfriend ko kaya nagbasa nalang muna ko ng script.

"Mahaaaaal."

Narinig kong tili ng girlfriend ko habang patakbo syang lumalapit sa direksyon ko.
Agad naman nya kong hinalikan sa labi pagkalapit nya sakin.

"Yiiieee."

"Ayyy ang sweet naman. Sayang di ko nakunan, ipopost ko sana, siguradong kagulo ang fans nyo nayan."

Asar samin nila Ate Janna at ng iba pang cast.
Nginitian nalang namin sila dahil baka mas lalo pa nila kaming asarin.
Humarap ako kay Julie para magkausap kami.

"Kailangan talaga tumakbo Mahal? Ikaw talaga, sobra mo kong namiss?"

"Oo naman. Lagi naman kita namimiss. Buti na nga lang may Pepito tayo, may pagkakataon pa rin para makasama natin ang isa't isa kahit na nasa trabaho tayo. Bakit ako ba, hindi mo ba ko namiss?"

"Syempre namiss. Kiss mo nga ko ulit."

Hahalikan ko na sana sya ng biglang tumikhim si Direk at tinapik ang likod ko.

"*Ehem* Kayo Lovebirds tama na yan. Andito pa kame. Magbihis na kayo pool area tayo. Ikaw Chito tama na landi kay Nikki mamaya na ulit yan."

"Direk talaga. Yun na yun ee makaka-score na sana."

"Hoy magtigil ka nga."

Sabi naman ni Julie tsaka nya ko sinuntok sa braso hobby na talaga nya yan ang suntukin ako. Samantalang si direk naman ay tinawanan lang kami.
Umalis na si direk at pumunta na sa ibang staff kaya naiwan ulit kami ni Julie.

"Sige na mahal magbibihis lang ako una ka na sa pool side."

Akmang aalis na sya ng pigilan ko sya.

"Ano munang isusuot mo?"

"Ahh..Ehhh.."

"Mahal, no more bikinis or even two piece please?"

"What ? Ano naman gusto mong suotin ko? Pantalon? Jogging Pants?"

"Basta you can wear sando and shorts pwede na yun."

"No way."

Pagkasabi nya nun ay tinalikuran na nya ko at nagmabilis sa paglakad.

"Julieeeee Annnnnneeeee."

Hindi na nya ko pinansin. Napaka-kulit talaga ng babaeng yun.
Ayoko lang naman may ibang makakita ng katawan nya ih. Lalo na ngayon puro lalaki pa ang mga kasama naming makakaeksena ngayon. Kahit na may tiwala ako sa kanila ay hindi ko pa rin maiwasan na ipagdamot ang kung ano mang meron sa babaeng mahal ko. She's mine after all. Mine alone.

Nagpunta na ko sa pool area. Wala pa si Julie. Si Jac, Jeric, Mikoy, Angel at ang mga babaeng barkada namin sa Pepito ang naabutan ko. Nagsuswimming na sila maliban na lamang kay Jeric kaya sinamahan ko nalang muna sya at nakipagkwentuhan.

Maya-maya pa ay napatigil ako dahil napansin kong tulala lang ang kausap ko, napatingin ako sa tinitignan nya at nakita kong sa girlfriend ko sya nakatingin. Yan na nga ba ang sinasabi ko. May gusto pamandin ang lalaking to sa mahal ko.
Medyo malapit sakin ang pinag-iwanan nya ng robe na suot nya kanina. Bakit hindi ko napansin na dumaan sya sa lapit ko?

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon