"Rooftop Girl"

389 9 2
                                    


"Hello po Tita."

Bati ko kay Tita Ivic pagpasok ko ng dressing nila Julie. Nakipagbeso din ako sa kanya.

"Oh hijo, dinadalaw mo na naman ang prinsesa namin."

"Ah..eh opo. Namimiss ko na ih."

"Sus para namang di mo to ginagawa every sunday."

Nginitian ko nalang si tita.

Andito ako ngayon sa SPS studio para dalawin ang mahal ko. Oo, tama si tita, every sunday talaga ko dito dahil gusto kong bantayan ang girlfriend ko. Bantayan sa mga taong alam ko na hindi pa rin sya tinitigilan sa mga masasamang pinagsasabi sa kanya.

Ginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng dressing room pero hindi ko nakita ang hinahanap ko.

"Rooftop."

"Po?"

Tanong ko sa sinabi ni Tita.

"Ang sabi ko rooftop. Alam mo naman na tambayan ng batang yun ang rooftop ih."

"Haha oo nga po tita pansin ko din. Sige po puntahan ko muna sya."

Inilapag ko nalang ang dala kong bulaklak sa lapit ng mga gamit ni Julie. Lumabas na ko ng dressing. Nakasalubong ko naman si Ate Aicelle na lumabas ng Elevator.

"Ui kapatid namiss kita ah."

Sabi nya habang nakikipagbeso sakin.

"Weekly visitors ka talaga dito. Napaka-sweet na boyfriend mo talaga sa Darling mo."

"Ate naman. Ganun talaga Mahal ko ih."

"Sabi ko nga. Sige na, mukhang nagmamadali ka na. Di ka na makapaghintay na makita ang MAHAL mo. At alam kong babakuran mo din yun dahil sa mga poses nya."

"Di naman po. Wala naman akong magagawa ih, sexy ang girlfriend ko at may maipagmamalaki talaga sya, kaya may karapatan syang magpose ng mga ganun."

"Kevin is that you ? Napaka-understanding mo talaga kahit kailan. Kaya idol kita ih. Haha Sige na nga. Go ka na dun."

"Sige po ate. See you later."

"See you."

Nang matapos namin mag-usap ay nagmadali na ulit ako para mapuntahan ang girfriend ko.
Paniguradong mamaya lang ay babaha na naman ng mga sexy pictures nya sa Instagram, Twitter at Facebook.
Hindi ko tuloy maiwasan na lalong mahulog sa kanya dahil alam kong ginagawa nya ang lahat ng yun para mapasaya ang mga tagahanga nya.

Nang makarating ako sa rooftop ay hindi muna ko nagpakita sa kanya. Sinilip ko muna sila, nakita ko syang kinukuhanan ng iba't ibang pose ng photographer nya. Ang sexy na naman ng suot nya. Para nga talaga syang dyosa tulad ng palaging sinasabi ng mga fans nya.
Kahit ano pang suotin nya ay palaging bumabagay sa kanya, palagi syang maganda sa kahit anong suot nya kaya ang swerte ko dahil akin sya, dahil ako ang napili nya, ako ang mahal nya, at ako ang boyfriend nya.

Lumabas na ko para lapitan sya, ng makita nya ko. Bigla naman syang tumakbo palapit sakin.

"Mahaaaal."

Niyakap nya ko at humalik pa sa pisngi ko.

"Namiss kita mahal."

"Mas namiss kita. Sige na tapusin nyo na muna yung pictorial mo. Panunuorin nalang kita."

"Eeeehh nakakahiya."

Sabi nya at lalo pang sumiksik sa leeg ko.
Napangiti naman ako sa sinabi nya at sa ginawa nya.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon