"Make You Feel Better"

544 8 0
                                    


He's been my father, inside and outside showbiz world. Yung taong palaging nandyan para sakin at sa pamilya ko. Yung taong walang sawang sinuportahan at inalagaan ako. Yung isa sa mga taong nagtiwala at naniwala sa kakayanang meron ako. Yung taong kasama ko hanggang sa umangat yung career na meron ako ngayon. His always been the reason kung ano at kung anong meron ako ngayon. Sya yung isa sa mga dahilan kung paano ko narating ang kinalalagyan ko ngayon.
His one of the most important person in my life, noon at pasahanggang ngayon.
Isa sya sa mga taong binigyan ko ng malaking parte sa buhay ko. Pero ngayon, wala na sya. Tuluyan na nga syang kinuha ng diyos sa buhay ko, sa buhay ng mga taong nagmamahal sa kanya.
Kinuha man sya ng diyos, hindi yun dahilan para malimutan ko sya. Dahil kahit kailan, ang mga pangaral at pagmamahal na ibinigay nya sa akin at sa lahat ng taong nakasalamuha nya ay mananatiling nakatatak sa isip lalong-lalo na sa puso ko.
Hindi lang sya naging isang kaibigan sa amin. Nagsilbi syang ama sa aming lahat. Ama na matatakbuhan sa bawat oras na kailangan mo ng masasandalan.

Nang mabalitaan ko ang nangyari kay Tatay. Ng sinabi nilang wala na sya, hindi ko napigilan ang luha ko. Lahat ng masasayang alaala ko kasama sya bigla nalang nagflash. Masakit ang mawalan ng isang kagaya nya. Isa sya sa mga nagsilbing inspirasyon ko sa mundong pinasukan ko. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Mas pinili ko nalang muna ang manatili dito sa bahay sa loob ng kwarto ko. Parang hindi ko ata kakayaning makita sya na nakahiga at wala ng buhay. Ang gusto ko ay yung sa bawat oras na maaalala ko sya ay yung masayang mukha nya ang makikita ko.

Paalam Tatay. Hanggang sa muli :(

-----

"Hello po Tito. Nasan po sya?"

"Nasa kwarto nya anak. Ayaw lumabas. Hindi nya matanggap ang nangyari."

"Naiintindihan ko po sya. Masakit po talaga mawalan ng isang taong may malaking parte sa buhay natin. Don't worry Tito. Ako po bahala sa boyfriend ko."

"Sige na. Akyatin mo nalang sa kwarto nya. Salamat at nandyan ka palagi para sa anak ko Julie Anne."

"Mahal ko po si Jhake, tito. Panahon naman para ako yung magpagaan sa nararamdaman nya."

His Tweets and IG post. Alam kong sobrang affected sya sa nangyari. Alam kong nasasaktan sya at ayoko naman na sarilihin lang din nya ang nararamdaman nya. Palagi syang nandyan para sakin, para pasayahin ako, para iparamdam sakin na magiging okay ang lahat. Ngayon naman gusto kong gantihan ang lahat ng bagay na nagawa nya para sakin, hindi dahil kailangan, kundi dahil yun ang dapat kasi girlfriend nya ko. I want him to feel better. I want to make him feel better.

Nandito na ko sa harap ng kwarto nya. Kumatok na ko at binuksan ko agad ang pinto.
I saw him sitting on the edge of his bed, nakayuko sya at may hawak na Picture Frame, his crying kaya alam ko kung sino ang nakalagay sa frame na yun.

"Jhake?"

"Ju..lie? Thanks god your here."

Tumingin sya sakin at mabilis naman syang tumayo at niyakap ako. His head on my shoulder, kahit hindi ko nakikita ramdam kong sobrang pag-iyak nya. I don't know how to comfort him. Nasasaktan din akong nakikita syang umiiyak ng ganito.

"Babe sshhh. Tama na please. Nasasaktan akong nakikita kang ganyan. Hindi ako sanay."

Humiwalay na sya sa yakap namin at hinila ako para maupo sa kama nya.

"Hindi ko kaya. Parang ang hirap isipin na wala na sya. Na sa bawat pagperform na gagawin ko wala sya para sabihing sobra syang proud sakin. Julie, babe ang sakit palang tanggapin pag yung nawalan ka ng isang importanteng tao sa buhay mo."

Sabi nya habang patuloy na umiiyak. Hindi ko maiwasang hindi rin mapaluha sa nakikita ko. His crying so hard.
I can say that His the most iyakin guy that I've met, my Boyfriend. Pero dahil sa mga luhang nakikita ko sa mga mata nya, dun ko napatutunayan kung gaano sya katotoo sa nararamdaman nya. Hindi sya nahihiyang ipakita sakin na minsan kailangan din nya maging mahina, dahil palagi naman akong nandyan para palakasin sya. His my strenght, and I'm proud to say that I know, I'm also his strenght. Sa bawat isa kami kumukuha ng lakas.

"Malaking parte din naman sya sa buhay ko. Lahat ng achievements na natanggap ko, lahat ng award na ibinigay nya sakin. But, we really need to accept this. Mas mabuti na to kaysa mahirapan pa sya dahil sa sakit na nararamdaman nya. Babe, god has always a plan on everything. Kailangan lang natin yun tanggapin, dahil lahat ng ibinigay nya satin babawiin nya din yun. There's no permanent in this world, tandaan mo yan."

After I said those word ay yumakap sya sakin. Medyo tumigil na yung pag-iyak nya.

"Maninibago lang siguro ako. Nasanay na ko na palagi syang nandyan para sa aming lahat na anak-anakan nya. Kahit sobrang hirap na ng kalagayan nya, nandyan pa rin sya para panuorin kami. He never failed to make us feel na sobrang proud sya sa amin. Ang sakit, ang hirap."

"Kahit naman wala na sya hindi nya pa rin kayo iiwan ii. Yung mga memories nyo with him, lahat ng masasaya at malulungkot na alaala nyo kasama sya, kung hindi yun mawawala dyan sa puso mo hindi mo maiisip na wala na sya. Maybe his gone physically, but the memories that he shared with you, with us will always be remained. Wala man sya para sabihin yung mga palagi nyang sinasabi sayo, his just there looking and taking care of you. Palagi mong tatandaan na hindi dahil wala na sya ay hindi na sya magiging proud sayo. Dahil kung nasan man sya ngayon dala rin nya ang masasayang alaala kasama ka, tayong lahat. Continue making him proud."

Pinaayos nya ko ng upo, nahiga sya at umunan sya sa lap ko. And I just played with his hair. Tuluyan na syang tumigil sa pag-iyak, but I can see in his eyes na malungkot pa rin sya.

"I don't want to go on his vigil. Parang di ko kayang makita sya sa ganung ayos."

"Ano ka ba? Ano nalang sasabihin sayo ng mga tao pag nalaman nilang you didn't visit him. Tsaka papayag ka bang sa lahat ng mga naging anak nya sa showbiz ikaw lang ang wala? Babe, alam kong mahirap at nasasaktan ka. Pero ito na yung huli, after that pag naihatid na sya, wala na, you haven't seen him forever."

"Samahan mo ko. Mas makakaya ko pag kasama kita, pag nasa tabi kita. Wala naman akong hindi magagawa basta nandyan ka ii."

"Baliw. Gusto mo bang maissue tayo? Kahit maraming artista dun mahirap na pag nakitang magkasama o sabay tayong makikita dun."

"Hayyy isa pa tong mahirap, yung bawal kita makasama when your the one I needed the most."

Piningot ko naman ang ilong nya. Nagdadrama nanaman ii.

"Ang cute mo. Mas okay na to, kaysa naman pag naissue tayo mas mahihirapan tayo makasama ang isa't isa."

"I Love You."

He said while smiling at me. Buti naman ngumiti na ulit sya.

"Thanks God nakita ko rin yung smile mo. Mas gwapo ka talaga pag nakangiti ii. I Love You too."

And I kiss him on his forehead.

"Get up na. You take a bath, ikaw na maghatid sakin sa bahay then you can go there na."

"Okay po boss. Pero ayoko ng kiss sa forehead lang. Gusto ko dito."

Sabi nya sabay pout. Hayy, bakit ba sobrang gwapo ng boyfriend ko? Ang hirap tuloy tanggihan.
Yumuko na ko dahil nga nakaunan parin sya sa lap ko while I'm sitting, and I kiss him fully on the lips.

After our almost a minute kissed tumayo na sya.

"Thank You Babe. Ghaad, what would I do without you?"

"At hinding-hindi ako mawawala sayo. You'll always making me feel better, and I'll do the same."

The End...

-----

AN: [ RIP to the Master Showman. Sorry If I used that to this one shot story. ]

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon