King and Queen of Mall Show

726 15 0
                                    

Papunta ako ngayon ng Laguna. Mall Show. Album Mall Tour. Nandito ako ngayon sa sasakyan, si Papa ang sumama sakin. May isang tao kasi na nangako na sya daw ang sasama sakin today, pero ayun may biglaang scheduled din daw sya.

"Oh nak, ano namang muka yan? Malapit na tayo smile ka na. Gusto mo ba na makita ka ng mga fans mo na ganyan ang itsura?"

Sabi sakin ni Papa. Nakakainis naman kasi. Hindi na nga nya ko sinamahan. Tapos ngayon parang hindi naman uso sa kanya magCellphone. Lagot ka talaga sakin Jhake Angelo Vargas.

"Eh kasi naman Pa, hindi sya nagtetext. Kanina pa yung text nya sakin telling Sorry because hindi nya ko nasamahan sa Mall Show ko. Tapos ngayon, hindi nagrereply. He didn't even answering my calls."

Sagot ni Julie sa kanyang ama. Natawa naman si Jonathan, dahil hindi maipinta ang mukha ng kanyang anak. Humahaba pa ang nguso sa sobrang simangot.

"Sabi mo nga di ba may sarili syang Mall Show. So malamang anak busy yung tao. Masyado ka naman. Namiss mo agad, magkasama lang kayo kanina sa studio ng Sunday PinaSaya."

"Magkasama nga po kami kanina pero parang ang layo ng isip nya. Parang di mapakali tapos hindi manlang nya sinabi sakin kung san yung Mall Show na sinasabi nya. Pag ako talaga nalaman kong nagsisinungaling sya sakin. Wala na syang Girlfriend."

"Talaga lang anak hah!"

"Papa naman eeeehh!"

At nakarating na nga sila sa Mall na pagdarausan ng kanyang Album Tour. Kasalukuyan syang nasa Dressing Room upang ihanda ang sarili para sa paglabas nya mamaya. Madami ng fans ang naghihintay sa kanya. Nakakarinig rin sya ng mga sigawan. Meron pang mga sumisigaw ng "JhaLie" . Mas lalo tuloy nyang naalala ang binata.
Bago sya lumabas ay itinext na muna ulit nya ang binata.

- - -

To: JhakeKo<3
"Bahala ka kung wala ka talagang balak sabihin sakin kung nasaan ka. Wag mo na kong tatawagan kahit kailan. Wala ka na rin Girlfriend. Break na tayo.Bye" sent.

Nabasa ko ang text ng Mahal ko. Lagot na. Galit na nga sya talaga.
Sorry Babe. Babawi ako, hintayin mo lang. Siguradong babawiin mo yang pakikipagbreak mo.

Nasaan ako ngayon? At bakit hindi ko sinabi sa kanya? Wala lang. Gusto ko kasi maSurprise sya. Kaya titiisin ko muna yung pagtatampo nya.

Nakarating na din ako sa Mall kung saan ako kakanta, magpapasaya at syempre magpapakilig ng fans. Naririnig ko ng kumakanta ang babaeng Mahal ko. Ang ganda talaga ng boses nya, hindi ko maiwasan mainLove lalo sa kanya.
Nakita ko na si Tito Jon, ang ama ng babaeng pakakasalan ko. Nakipag Man Hug ako sa kanya.

"Tito. Salamat po pinagbigyan nyo yung plano ko."

"Para sa ikasasaya ng prinsesa ko."

"Your Princess. And my Queen :)"

"Ikaw talaga. Alam mo bang kanina pa inis na inis yun sayo? Kilala mo yung batang yun. Naku humanda ka daw sa kanya."

"Haha. Oo nga po Tito. Kasama yun sa plano ko. Wag po kayo mag-alala. Being Her King, ako pong bahala sa Queen ko."

"Sige na. Ituloy-tuloy mo na yang plano mo. Mukang madami kayong mapapakilig ngayon, andyan din ata mga fans nyo. Kanina pa ko nakakarinig ng sigawan na "JhaLie For The Win" daw. Lakas nyo talaga ng anak ko."

- - - -

Matatapos na ko kumanta. Last Song nalang. "Fix You" yan ang napili kong huling kantahin para sa Show na to. Yan daw kase yung theme song namin ni Jhake sabi ng mga fans namin. Yan kasi yung kinanta namin sa SAS since maging official yung Loveteam namin sa Buena Familia. Akala ko kasi si Jhake talaga yung maghahatid sakin dito, pero yun nga wala namn pala sya. Naiinis na naman tuloy ako. Pero hindi ko dapat ipahalata.

"This is my last song for this day. Sana magustuhan nyo. Alam kong alam nyo ang kantang to. Sabayan nyo ko."

Nag-start na kong kumanta.
Maya-maya lang naging sobrang lakas ng hiyaw ng mga tao. Kung kanina sigaw lang talaga, ngayon parang halos himatayin na sila sa sobrang kilig. They're also shouting "We Love You Jhake" nagtaka na ko ng tuluyan, tapos may tinuturo sila sa likod ko.

"Jhake?"

Nabigla ako. Akala ko ba may Mall Show tong mokong na to? Sinabayan na nya ko kumanta, inabot nya sakin yung hawak nyang bulaklak. Hindi ko maiwasang kiligin. Kanina lang inis na inis ako sa kanya. Pero ngayon halos hindi na mawala yung mga ngiti ko.

- - -

Lumabas na ko. Halatang gulat na gulat si Julie pagkakita sakin.
Sumabay na ko kumanta sa kanya, ang ganda talaga ng boses nya. Hindi ko maiwasang hapitin ang bewang nya kaya lalong nagtilian ang mga fans.
After namin kumanta.

"Hi Baby. Surprise:)"

Sabay halik sa pisngi ng dalaga.
Halos maghampasan na ang mga fans sa sobrang kilig. Kayo ba naman mapanood nyo ng live ang sweetness ng favorite couple nyo.

"Surprise-surprise ka dyan. Akala ko ba may Mall Show ka?"

"Oo nga. Kaya nga nandito ako ih. May Mall Show ako dito."

"Loko ka. Bakit hindi ko alam na kasama pala kita dito? Bakit hindi nalang tayo nagsabay? Ayusin mo chong."

"Eh kasi pag sinabi ko, edi hindi na surprise. Di ba guys? Nasurprise din ba kayo?"

"Oo naman. JhaLie. JhaLie. JhaLie. Wooooaahh"

Sigawan ng mga fans.

"Alam nyo ba guys kung bakit ako nandito? Kung bakit hindi alam ng babaeng katabi ko ngayon na mahal na mahal ko na magkasama kami sa isang Mall Show?"

Tanong ng binata sa mga manonood habang nakaakbay sa dalaga. At ang dalaga naman nakahawak sa bewang ng binata.

"Syempre walang King kung wala ang Queen nya. (sabay harap kay Julie) Kaya bilang King of Mall Show dapat samahan ko yung Queen ko. Dapat sa lahat ng Mall Show magkasama tayo. Because I'm your King, and your my Queen."

"Andami mong alam. Pasalamat ka mahal kita."

"Thank You." sabay ninakawan na naman ng halik ang dalaga.

"Ikaw sobra ka na. hahaha. Tapos ka na ba? Magpaalam na tayo sa kanila."

"Gusto mo lang ako solohin ih. Sige na nga."

Kinurot naman sya ng dalaga sa bewang.

"Sige na guys. Bago pa ko bugbugin nito ng live magpapaalam na kami. See You on our another Mall Show."

"Bye guys. Thank You for coming. I Love You all :*"

Matapos magpaalam ng dalawa ay dumeretso na sila ng backstage.
Hindi mapaghiwalay ang dalawa. Halatang sobrang saya nila dahil madami na naman silang napasaya at napakilig para sa araw na yun.

"Starting today. Sa lahat ng Mall Show mo dapat kasama mo na ko. At ganun din ako, dapat palaging ikaw yung kasama ko." - Jhake.

"You're the King and I'm your Queen. Promise tayong dalawa lang lagi dapat ang magkasama."- Julie.

"I Love You forever My Queen :*"

"I Love You too and forever My King :*"

The End...

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon