"My Girl"

427 8 7
                                    


"Hello."

Agad kong sinagot ang cellphone ko ng makita ko kung sino ang tumatawag sakin.

"Congrats."

"Ha? Para sa--- Hello? Mahal?"

Tinignan ko ang phone ko at nakita kong binaba na nya ang tawag. Problema nun?
Tinawagan ko sya pero hindi naman nya sinasagot.

Nandito ako ngayon sa bahay, walang trabaho kaya nagkulong na muna ko sa kwarto ko.
Napapitlag ako ng may biglang kumatok at si Papa ang bumungad sakin.

"Bakit po, pa?"

"Anak, nasabi mo na ba sa kanya?"

"Ang alin po?"

"Yung tungkol sa bago mong makakatrabaho. Ibinalita kanina."

"Oh sh*t!!! Nakalimutan ko. Pupuntahan ko po sya ngayon."

Kinuha ko yung hoodie ko at nagmadaling sumakay sa sasakyan ko. Yun siguro ang dahilan kung bakit sya tumawag kanina. Nawala sa isip ko na sabihin yun sa kanya, kaya paniguradong galit sakin ngayon ang girlfriend ko.

Nagmadali ako sa pagmamaneho. Kailangan ko syang puntahan at makapagpaliwanag sa kanya.
Masyado nang maraming nangyari sa mga nakaraang araw kaya nakalimutan kong sabihin agad sa kanya ang tungkol dun. Ayoko ng makadagdag pa sa sama ng loob na dinadala nya ngayon. Sobra na syang nasasaktan at ayoko ng dumagdag pa sa sakit na yun.
She doesn't deserved this. Lahat ng blame sa kanya napupunta, hindi nya ginusto yun pero sya ang nagsusuffer. Lahat ng pang-iinsulto sa kanya ibinabato, at wala akong magawa para maipagtanggol sya. Kasi hindi pwede, kasi hindi ko PA pwede gawin yun ngayon.

Nang makarating ako sa kanila ay agad akong pinagbuksan ng gate ng kasambahay nila.

"Nasa kwarto po sya Sir kasama yung mga kapatid nya."

Tinanguan ko nalang sya bilang sagot.
Nakita ko sa sala si Tito at Tita.

"Chong, nadalaw ka? Gabi na ah."

"Kailangan magpaliwanag sa prinsesa nyo, tito."

"Kaya pala. Nasa kwarto yung tatlo. Kaya pala nakikipagkulitan sa mga kapatid nya para malibang at may tampuhan kayo. Akyatin mo na. Galingan mo sa panlalambing sa anak ko para hindi ka mapauwi ngayong gabi."

Tinapik ni tito ang balikat ko, natawa ko sa sinabi nya.
Nagpaalam na ko sa kanila para puntahan si Julie sa kwarto nya.

Nang nasa tapat na ko ng kwarto nya naririnig ko ang tawa nilang tatlo.
I'm glad, dahil kahit nasasaktan sya ngayon napapangiti pa rin sya ng mga kapatid nya. Talaga ngang "She really love her family. And her family is her strenght."
Kumatok ako at binuksan ang pinto nya. Tumigil sila sa pagtawa, palundag na bumaba si Jac sa kama ganun din si Joanna para salubungin ako. Yumakap sila pareho sakin.

"Kuyaaa. I miss you."

"I miss you too, baby."

"Namiss kita, kuya."

"Namiss din kita, Jm."

Kumalas na si Jm at Jac sa pagyakap sakin. Napatingin ako kay Julie at napansin kong nakakunot ang noo nya habang nakatingin sakin.

"Mahal."

"Anong ginagawa mo dito?"

Mukhang galit nga. Napatingin kay Julie ang mga kapatid nya ng tinanong nya ko. Agad naman hinila ni Jm si Jac palabas dahil alam nyang kailangan namin mag-usap ng ate nila.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon