Jealous

588 10 0
                                    


"When it starts in the pit of my stomach
to the top of my head, down my spine,
till every single cell of my body dwindles
Then
I fake a smile and say 'Im Fine'"

@MyJaps: What a way to start a day.

New Year. Pero feeling ko wala pa rin naman pinagbago.

First. Bashers all the way. Di na sila nawala. But I'm forever greatful dahil may mga taong nandyan para ipagtanggol ako sa kanila. Although ayoko naman talaga na pumatol pa sila dahil ayoko madamay ang ibang tao.

Second. Today is Saturday, it only means na ngayon ipapalabas yung Maynila Episode nya with his ex. Hindi ko mapigilan hindi masaktan, pwede naman kasi gumawa ng panibagong episode pero bakit kailangan ireplay pa. Masakit kasi alam kong that time, sya lang, sya lang ang mahal nya.

Nandito lang ako sa bahay. Sa room ko to be exact. No works. Ilang araw na din kami hindi nagkikita ni Jhake. Baka nasa vacation pa. I miss him kaya siguro di ko mapigilan hindi mag-inarte.

"Hi ate! Pwedeng panuod? Gamit nila Papa yung tv sa baba ii."

Natigil ang pag-iisip ko ng biglang pumasok si Joanna sa kwarto ko.

"Alright. Pakihinaan nalang ng volume JM."

"Thank You ate."

Hinayaan ko nalang sya manuod. Matutulog nalang ulit ako baka sakaling malimutan ko ang episode nila today.

"Ate si Kuya oh! May Maynila pala sya today."

Hindi pa man ako nakakatulog ng magsalita si Joanna. MyGhaaad! Iniiwasan ko nga na hindi manuod para iwas selos din ito namang kapatid ko. Arggggh.

"Joanna, ilipat mo yan please?"

"Pero ate, si Kuya oh. Support-support din."

"I said ilipat mo yan, or else just turn it off ?"

"Teka ate, nagseselos ka ba?"

That questions. Paniguradong aasarin lang ako nito pag sinagot ko yung tanong nya.

"Joanna?"

"Joke lang ate. Sige na baba na ko, nakakaistorbo ata ako sa pagEemo mo ii."

She turn off the television at lumabas na ng kwarto ko.

Thanks God makakatulog na din ako.

----

"Hi Joanna. Nasan si ate mo?"

"Sa room nya kuya, nag-iinarte."

"Haha. Inaway mo ii. Ako na bahala sa kanya, akyat na muna ko."

"Sige kuya. Baby boy hah?"

"Soon! Hindi pa pwede."

Nandito ako ngayon kina Julie. Tinawagan ako ni Joanna kanina at sinabing matamlay daw si Julie ngayon. Nag-alala naman ako kaya sumugod na ko sa bahay nila.

"Jhake. Buti nandito ka na. Alam kong ikaw ang kailangan ng anak ko ngayon."

Sabi sakin ni Tito Jon. pagkakita nya sakin.

"Bakit po Tito? May problema po ba sya?"

"Kilala mo ang batang yun. Hangga't kaya nyang sarilihin ang problema gagawin nya. Pinakikita nyang masaya sya, na okay lang sya. Pero bilang magulang nya, nararamdaman namin na hindi sya okay. Hindi namin sya pipilitin na magsabi samin, ikaw na bahala sa kanya. Alam kong ikaw lang ang napagsasabihan nya ng problema nya."

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon