"Lakas"

436 9 0
                                    


"Sh*t"

@MyJaps: A thief just entered our house. Crap.

Hindi ko napigilang hindi mapamura ng mabasa ko ang tweets nya. Kahit naman hindi kami nagkikita ngayon binabantayan ko pa rin sya. Nag-Online ako para malaman kung nag-aAdiks pa rin sya sa twitter. Kilala ko yang girlfriend ko, pag hindi makatulog tumatambay sya sa twitter world. At hindi nga ako nagkamali, gising pa rin sya. At this hour, Julie Anne?
Yun nga lang, nag-alala ko sa nabasa kong tweets nya. What if nasaktan sya? What if kaya sa room nya yun pumunta ay dahil may gustong gawing masama yun sa kanya? What if .... Arrrrggh. Positive thoughts lang. Hindi makakatulong kung puro negative ang iisipin ko.

Nagmadali akong pumunta sa kanila. Hindi ko na sya tinawagan or tinext. Kailangan kong masigurado na walang nangyaring hindi maganda sa kanya, makakapatay ako.

Halos paliparin ko ang sasakyan ko para lang makarating ako agad sa kanila. Buti nalang at hindi ako umuwi sa Olongapo, nasa Manila lang ako kaya madali ko syang mapupuntahan. Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko sya nakikita.

"Tito?"

"Oh Jhake, ang aga mo atang bisitahin ang prinsesa natin ah."

Bungad sakin ni Tito Jon nang pagbuksan nya ko ng gate.

"Tito, nabalitaan ko po yung nangyari. Ayos lang po ba kayo? Wala naman pong nasaktan?"

"Ikaw talagang bata ka. Sumugod ka pa talaga dito. Pwede mo naman kaming tawagan nalang."

"Nag-alala po ko sa kanya Tito. Hindi ko po nagustuhan yung ginawa nya, pano po kung...."

"Hep. Yung girlfriend mo nalang ang sermunan mo. Namamaga na din yang mata mo. Puyat ka pa. Akyatin mo na si Julie sa kwarto nya, bukas mo nalang sermunan yun at dito ka na muna magpahinga."

"Salamat po, tito. Pasensya na kung napasugod po ako ng ganitong oras."

"Naiintindihan ko. Salamat din sa concern mo."

Umakyat na ko pagkatapos namin mag-usap ng Dad ni Julie.
Kumatok na ko sa kwarto nya at mabilis naman nya kong pinagbuksan ng pinto.

"Babe."

Sabi nya tsaka ako niyakap. Yumakap din naman ako pabalik sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito? Anong oras na oh?"

"Okay ka lang ba? Wala naman syang ginawa sayo? Hindi ka naman nya nasaktan?"

Naupo kami sa kama nya. Tinitignan ko ang buong kwarto nya, kung may nagalaw ba, o nasira manlang.

"Kalma okay? Kalma lang. Wala naman nakuha dito sa bahay, wala naman nasaktan. Kaya wag ka ng magworry okay? Everythings fine, babe."

"Julie Anne, paano ako kakalma? Yung nabasa ko yung tweets mo nag-alala na ko, tapos malalaman ko pa na sinubukan mo syang habulin? Julie naman. Pano kung may dalang baril yun? O kung ano man. Tapos sinaktan ka nya? Julie..."

"Hey. hey. I said calm down. Okay ako oh. Wala naman nangyari sakin di ba? Tsaka Macho to, hindi...."

"This is a serious matter, Julie Anne. Alam kong Macho ka. Pero alam mo naman yung mga kaya nyang gawin at yung kaya mo di ba?"

Arrrrgh. Bakit ba palagi nalang hindi ko mapigilan ang luha ko? Ayokong umiyak ulit sa harapan nya, kaso hindi ko naman mapigilan. Natatakot ako ii. Natatakot ako na mawalan ulit.

"Hayy. Napaka-iyakin talaga ng boyfriend ko. Babe, walang nangyari sakin. Walang nawala samin. Okay kaming lahat. Kaya tama na."

Niyakap nalang nya ko ulit habang nakaupo kami sa kama nya.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon