"Birthday Kiss"

404 7 4
                                    


Kararating lang namin dito sa bahay. Matapos ng event ko sa megamall ay agad kaming umuwi.
Nakita ko ang isang sasakyan na sobrang pamilyar sakin kaya alam kong andito sya.
Pagpasok ko sa bahay agad ko naman syang nakita kasama ang kapatid ko. Busy sila ni Jac sa kung ano man ang ginagawa nila kaya hindi siguro nila napansin na dumating na kami.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanila, nakatalikod sila sakin kaya hindi nila ko napapansin. Nang makalapit ako sa kanila agad ko naman hinalikan sa pisngi ang boyfriend ko. Halatang nagulat sya dahil bigla syang napalingon sakin.
Tumayo naman si Jac at agad akong niyakap, tumakbo na rin sya kila Papa.

"Mahal, andito na pala kayo. Sorry di ko napansin."

"Oo nga eh. Sobrang busy ata kayo ni Jac, ano bang ginagawa nyo?"

"Tinutulungan ko lang sya magcolor, tagal nyo ih."

Naupo kami sa sofa. Sinandal ko naman ang ulo ko sa balikat nya. Medyo napagod ako sa event na pinuntahan ko kanina.

"Tired?"

"Sort of."

"Bihis ka na para makapagpahinga ka muna."

"Ok. Stay here nalang sandali lang ako."

He kissed me on the lips. Tatayo na sana ako nang mapatingin kami parehas sa tv. Teaser ng episode ng Pepito Manaloto. Ngayon nga pala yun. Bday ko pa nung araw na nagshoot para sa episode na yan.
Napatingin ako kay Jhake, ang laki ng ngiti. Nababaliw na naman ata.

"Nginingiti mo dyan?"

"Wala naman. Sige na mahal bihis ka muna. We'll watch Pepito later maganda nga pala yung episode tonight."

"Alright!"

Umakyat na ko sa kwarto ko para magbihis.
Pababa na sana ko nang maalala ko ang phone ko. Hinanap ko sa kwarto pero wala, baka naiwan ko sa baba.

"Mahal nandyan ba yung phone ko?"

Tanong ko kay Jhake nang palapit na ko sa kanya.

"Ha? Ah.. oo nandito naiwan mo kanina."

Lumapit na ulit ako sa kanya. Kami lang dalawa ang nandito sa sala, siguro nasa kwarto sila Mama at yung dalawa ko namang kapatid ay paniguradong naglalaro sa garden.

"Kanina pa?"

"No. Kaka-start lang."

Nakasandal sya sa backrest ng sofa habang nanunuod kaya inihilig ko ang ulo ko sa balikat nya, pinulupot naman nya ang kamay nya sa bewang ko.

Nakatutok lang ang atensyon namin sa tv. Kahit alam na namin ang mangyayari ay gustong-gusto pa rin namin pinapanood ang mga scene namin lalo na pag sabay kaming manunuod.
Kahit na hindi kami nagsasalita komportable pa rin kami. Sapat na yung magkasama kami para maiparamdam namin sa isa't isa ang pagmamahal.

Scene na ni Chito at ni Nikki. Nararamdaman ko na nakangisi ang boyfriend ko. Pustahan kinikilig pa rin to.

Kada scene namin ang pinapakita ramdam ko ang saya nya. Mas hinihigpitan kasi nya ang yakap nya sakin at ang paghalik sa tuktok ng ulo ko.

"Mahal?"

"Oh?"

"Buti nalang meron Chito at Nikki no?"

Biglang sabi ni Jhake. Commercial kaya malaya kaming mag-usap muna. Napahiwalay ako sa kanya tsaka ko sya hinarap.

"What do you mean?"

"Na kahit hindi maipakita ni Jhake at Julie yung totoong sila, meron naman Chito at Nikki na nagpapakita nun. Yung mga bagay na hindi natin kayang ipakita at maiparamdam sa ibang tao si Chito at Nikki ang gumagawa nun. Yung kahit si Chito at Nikki nalang ang magpakita nun sa kanila ang importante kahit papano nagagawa pa rin natin pakiligin yung mga taong naniniwala satin."

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon