"Anak.""Po?"
Nandito ako ngayon sa bahay sa Olongapo. Rest day kaya dito muna ko sa bahay nagtigil.
Kasalukuyan akong nasa kusina para magluto ng hapunan. Nakasanayan ko na rin since madalas kong ipagluto ang girlfriend ko.
Sumigaw si Papa mula sa sala kaya tumigil muna ko."Ano po yun, pa?"
"Si Julie nasa balita."
"Po? Bakit po anong nangyari?"
"Relax lang anak. About sa concert nya, wala pa naman, susunod na siguro yun, tawagin nalang kita pag on air na sya."
"Ayy oo nga po pala, kakainterview lang nya kanina, buti naman may ginawa na ang network para sa kanya."
Bumalik na muna ako sa kusina at pinagpatuloy ang pagluluto ko.
May Presscon nga pala sya kanina about her upcoming concert. Nakaka-excite dahil alam kong another achievements na naman to para sa kanya."Nak, si Julie na."
Tawag ulit sakin ni Papa. Buti nalang natapos ko na ang niluluto ko kaya nagmadali na ko na pumunta sa sala.
Tumutok na ko sa TV, para na naman akong nakakita ng dyosa. Napaka-ganda talaga ng girlfriend ko.
The whole time of her interview ay nakangiti lang ako. Nakakagaan talaga sa pakiramdam ang makita sya.Hindi nga lang pala Concert ang meron sa "May". Ang daming mangyayari pag dating ng "May". Her celebration of her 10th year anniversary in showbiz world, yung pagrereleased ng 3rd Album nya, her graduation, at hindi lang basta graduation because she's running for honors, talino talaga ng Mahal ko, at syempre Her Birthday. That's why "May" is her month. Hindi ko maiwasan maging sobrang proud sa kanya. Kaya sana makagawa din ako ng bagay para maipagmalaki nya rin ako.
Matapos ang balita about sa kanya ay mas lalo akong napangiti. Kahit ganun ang sagot nya mas naging enough na sakin yun. Kaya nagmadali akong umakyat sa kwarto ko para magbihis. I really need to see her, I wanna hug her, I wanna kiss her. Napasaya nya ko ng sobra sa sagot na yun.
Bumaba na ko matapos kong makapagbihis. Napansin ako ni Papa na bihis na bihis at dala ang susi ng kotse ko.
"Where are you going? Bihis na bihis ka? Gabi na ah."
"Julie."
"Anak, may bukas pa. Anong oras na oh. Tsaka di ka pa kumakain."
"Pa, Im good. Gusto ko po talaga makita girlfriend ko."
"Alam kong kinilig ka lang sa sagot nya kanina. Nanibago ka no? Sige na puntahan mo na sya, mag-ingat sa pagdrive."
"Thanks pa."
Sumakay na ko sa kotse ko at nagdrive papunta kung nasaan ang girlfriend ko. Alam kong sobrang gagabihin na ko, pero gusto ko talaga sya makita ngayon.
Naghanap pa ko ng bukas na flower shop dahil nakakahiya naman kung iistorbohin ko sya ng gabing-gabi tapos wala manlang akong dala para sa kanya.
Nasanay na rin ako na bilan sya ng flowers tuwing bibisitahin ko sya, wala lang dagdag pogi points lang.
Nang makabili na ko ay nagmaneho na ulit ako papunta sa kanila.
Medyo maaga pa kaya paniguradong gising pa sila.Nang makarating ako ay inihinto ko na ang sasakyan ko sa harap ng bahay nila, bumaba naman ako para mag door bell.
Maya-maya ay binuksan na ng kasambahay nila ang gate.
