"Birthday Surprise"

325 10 1
                                    


"Good Morning po Papa and Mama. At sa magaganda kong sissy."

"Happy Birthday ateeeeee."

"Thank You Jm, and baby Jac."

Sabay na bati sakin ni Joanna at ni Jac. Hinalikan ko naman sila parehas sa pisngi.

"Happy Birthday anak."

"Salamat po Ma, Pa."

"Good Mood ka ata anak ah."

Asar sakin ni Papa matapos ko silang ibeso lahat. Nasa table na silang lahat ng dumating ako ready to eat breakfast.

"Syempre naman po Papa. Dapat lagi tayong masaya."

"Parang iba naman yung saya mo ngayon nak."

"Mama naman."

"Ang sabihin mo lang ate kaya ka masaya kasi hindi na kayo mahihirapan ni Kuya na magkita ngayon kasi may taping kayo ng Pepito."

"Joannaaaaa."

Singit ni Joanna. Pinanlakihan ko naman sya ng mata kaya tumawa lang sya at nag peace sign sakin.

"Oo nga po ate. Tamang-tama yung taping nyo. Pwede na kayo magdate sa set."

"Jac isa ka pa, pinagtutulungan nyo na naman ako. Ma, Pa yung dalawa oh."

Sumbong ko kila Papa.
Tinawanan lang naman kami nila Mama. Itong dalawa talaga palagi nalang ako ang trip.

"Kayong dalawa tigilan nyo na nga yang ate nyo. Tignan nyo namumula na sa kilig."

"Paaaaa."

"Totoo naman anak. Sige na bilisan mo na dyan para maihatid na kita sa set alam ko naman gustong-gusto mo na makasama boyfriend mo."

"Eeeeeh. Papa naman."

Tinawanan lang nila ko.
Masaya kaming kumakain ng breakfast. Today is different dahil mahalaga ang araw na to para sakin. One of my special day. At tama nman ang mga kapatid ko dahil hindi na kami mahihirapan magkita ng boyfriend ko ngayon. Buti nalang sumakto na may taping kami sa Pepito. Kaya ngayong araw makakasama ko ang boyfriend ko sa Birthday ko. Hindi namin kailangan magtago.

Papunta na kami ni Papa sa set. Hindi na ko nagpasundo kay Jhake tulad ng madalas nyang ginagawa. Di pa rin nya ko binabati. Isang GoodMorning palang ang convo. namin ngayong araw. Pero ayos lang atleast magkikita naman kami.

Nang makarating kami sa set agad naman akong binati ng mga staff at ng ibang cast.

"Happy Birthday Julie."

"Happy Birthday Nikki."

"Happy Bday Ate Julie."

Sunod-sunod na bati nila sakin. Isa-isa ko naman sila pinasalamatan.
Lumilingon-lingon din ako dahil hindi ko makita ang isang taong kanina ko pa gusto makita.

"Wala pa ang Chito mo Nikki kung sya ang hinahanap mo."

"Ah hindi naman po."

"Sus ikaw talaga mamaya lang andyan na yun. Oh ayan na pala eh."

Lumingon ako sa sinasabi ni Tito Bitoy. Nakita ko ng pumasok ang boyfriend ko at papalapit samin.

"Good Morning mahal."

Hinalikan nya ko ng mabilis sa pisngi tsaka ako niyakap.

"Good Morning too."

Humiwalay na sya sa yakap namin. Binati na rin nya ang mga co-artist na kasama namin dito sa set.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon