No Return

276 7 2
                                    


"Oh friend, bakit lungkot-lungkutan ka dyan? Aga-aga. Ayun lang yung jowa mo oh!"

Sabi ni Mikoy, sabay turo sa boyfriend ko na kausap ngayon ni Prince.

Nasa taping kami ngayon ng Pepito Manaloto, at isa si Prince sa makakasama namin ngayon.
Hindi pa nagsisimula magtake kaya malaya pa kaming gawin ang mga gusto namin.

Naupo si Mikoy sa kaharap ko matapos nya kong ibeso.

"Nabasa mo na ba yung script natin today, Mikoy?"

"Aba oo naman. At sa pagkakatanda ko, makaka-eksena ko mamaya yung ex ng jowa mo. Exciting di ba?"

Iniripan ko sya tsaka ko sinipa ang paa nya na nasa ilalim ng lamesa.

"Aray naman. Inaano ka ba? Affected ka ba girl? Ikaw ang ex?"

"Alam mo uupakan na talaga kita dyan pag di ka pa tumigil."

Tinawanan nya lang ako.
Tumayo sya at napansin ko na papunta sya sa direksyon kung saan nakapwesto sila Jhake.

"Baby oh! Yung jowa mo inaaway ako."

Napatingin silang tatlo sakin. Sabay-sabay sila naglakad papunta sa direksyon ko.

Naupo si Jhake sa tabi ko at inakbayan ako.

"Bakit mahal? Anong ginawa sayo ni Mikoy?"

Hindi pa ko nakakasalita ng sumingit si Mikoy.

"Ay ako pa talaga ang may kasalanan? Yan kayang jowa mo, umeemote kasi mukhang may magbabalik sa buhay mo."

Mas lalo akong napasimangot sa sinabi nya. Siniko naman sya ni Prince.

"Ay este ni Chito pala."

"Mikoooy!"
Suway sa kanya ni Jhake.

"Charing lang yun girl. Team ChiNikki pa rin ako."

"Ewan ko sayo."

Binalingan ako ni Jhake. Nakaakbay pa rin sya sakin habang nakahawak ang isang kamay nya sa kamay ko.

"Mahal, napag-usapan na natin to diba? Tsaka  ..."

"Guys, take na tayo. Ayos na."

Naputol ang sasabihin nya ng biglang magsalita si Direk.

"Prince, dun ka muna. Yung tatlo muna ang kukunan natin."

Nagsimula na kami magshoot para sa Pepito.
Medyo umayon sa eksena ang mood ko ngayon.

Literal na badtrip ako. Dahil una makaka-eksena ng boyfriend ko ang ex nya. At pangalawa, dahil sa pang-aasar ni Mikoy.

Alam kong hindi na ko dapat magpaapekto pa sa nakaraan. Pero kasi. Si Bea yun ih. Sya yung babaeng sobrang minahal ni Jhake. At saksi ako sa pagmamahal na yun.

"Ok guys. Good take. Next location na tayo."

Sigaw ni Direk. Natapos na kami sa first location namin. Kailangan na namin lumipat para sa iba namang eksena.

"Julie."

Napalingon ako sa tumawag sakin.
Si Jhake. At napansin ko ang lungkot sa mga mata nya. Lumapit sya sakin. Niyakap nya lang ako.

"Tama yung nakalagay sa script kanina na sinabi ni Chito. May Nikki na sya kaya hindi na nya kailangan magpaapekto pa."

Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin. Hinawakan nya ang magkabilang kamay ko. Nakatitig lang sya sa mga mata ko. Bakas pa rin ang lungkot sa mga mata nya. Nagpatuloy ulit sya sa pagsasalita.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon