Dream Date

452 10 0
                                    


"Eeeeehh Girlfriend, may dalaw ka."

"Ha? Ano?"

Tili ni Barbara. Tech reh. kami ngayon para sa SPS bukas. Bigla naman sumulpot ang napaka-ingay na si Barbara Forteza dahil may dalaw daw ako. Ano ko preso? Baliw talaga.

"Girlfriend bukas pa ang Valentines, yung boyfriend mo mukhang magpapasabog na agad ng kasweetan ngayon."

"Ano bang sinasabi mo? Ang baliw mo lang."

Ngumiti naman ng nakakaloko si Barbie, sinundan ko ang tinitignan nya at napatulala ako. Boyfriend ko ba talaga yan? Manunuod lang ng rehearsals namin akala mo aattend ng Premiere Night. Malayo pa man sya kitang-kita ko na ang kagwapuhan nya. Sobrang gwapo, all smile habang nakatingin sakin. He's wearing a blue collar polo, pair with pants and his favorite shoes. May dala din syang flowers. Ano namang pakulo ng taong to?
Naglalakad na sya palapit sakin, feeling ko nag slowmo. ang paligid.

"Hi."

Bati nya ng makalapit na sya sakin. Iniabot nya sakin ang bulaklak tsaka nya ako hinalikan sa pisngi. Narinig ko ang tilian ni Barbie at ng isang pang sobrang kulit na si Valeen. Sinamaan ko sila ng tingin kaya naman tumigil na sila at nagsimula na ulit sa rehearsals, ako naman ay pinagpahinga muna ni direk.

"Thanks for the flowers. Gwapo natin chong ah. San ang lakad?"

"Sobrang ganda kasi ng girlfriend ko kaya dapat lagi akong gwapo."

Inakbayan nya ko at naupo kami sa isang audience seat sa loob ng studio.

"Bolero ka."

"Totoo po yon."

"Bukas pa ang Valentines, advanced ka na naman."

"Bakit? Tuwing valentines day lang ba required na magbigay ng bulaklak sa taong mahal nya? Hindi ba pwedeng valentines man o hindi gusto kong iparamdam sayo na kung gaano kita kamahal."

"Sweet mo talaga. Wala na kong masabi."

Napalingon ako sa screen at nakita kong nagsisimula na ang Pepito Manaloto. Sakto, may ChiNikki Date nga pala ngayon gaya ng laging sinasabi ng mga fans namin.

"Hon, ngayon nga pala ipapalabas yung Date ni Chito at Nikki."

Nakangiti sya habang nanunuod. Scene kasi namin with the barkada. Pustahan kinikilig yan. Nakita ko rin ang ibang staff na nanunuod, paniguradong aasarin kami ng mga to pagnagkataon.

"Alam ko, makakalimutan ko ba naman yang mga ganyang scene natin. Gusto ko nga magtweet tulad nung ginawa ko nung sinurprise ni Chito si Nikki sa pamamagitan ng flash mob. Kaya lang baka makahalata ang fans na nagtwetweet lang ako everytime na super sweet yung episode natin."

"Ikaw talaga. Ayaw mo nun siguradong kilig overload yun sila."

"So, ok lang sayo na magtweet ako?"

"Joke lang. Baka mawalan tayo ng fans pag nagtweet ka, kakailanganin nila ng sangkaterbang supply ng oxygen."

Kinurot naman nya ko sa ilong.

"Adik ka talaga. Manang-mana sayo mga fans mo."

Patuloy lang kami sa panunuod. Hawak nya ang kamay ko at pinaglalaruan ang mga daliri ko, habang ang isang kamay naman nya ay nakaakbay sa balikat ko. Ang sweet nya lang. Kahit ganito lang kami, sobrang komportable ng pakiramdam ko. Kontento na kami na ramdam namin yung presence ng bawat isa kahit wala kaming ginagawa.

Paminsan ay tinatawag ako para magrehearse. Pag napapatingin naman ako sa pwesto nya ay gusto kong matawa dahil sa itsura nya. Humahaba ang nguso at kunot ang noo. Ang sarap nyang kurutin dahil ang cute nyang tignan.
Nirerehearse kasi namin yung prod. ko kung saan bubuhatin ako ng pahiga.

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon