"Sino nga ba ang kadate ng Asia's Pop Sweetheart?"- Barbie."Wala." Sagot ko naman. Mukhang wala naman talaga ih. Ano pa bang bago?
Nandito kami ngayon sa GMA. Rehearsals for SPS. At syempre kasama ko ang sobrang kulit at bibo na si Barbara Forteza.
Tumigil na sya sa kakaSnapChat, humila sya ng isang bangko at naupo sa tabi ko."Ay talaga? Wala talagang date? Wag ako Hulyeta."
"Hay Naku Barbara, nagtanong ka pa di ka naman maniniwala."
"Echos ka. Kung wala tayo sa snapchat alam ko naman isasagot mo. Ayieeee gaano kaya karomantic ang ihahanda ng boyfriend mo nuh?"
Sabi nya habang kinikiliti ako. As if nman kinikilig ako, kung di lang sana. Ay basta.
"Wala ngang date. Walang romantic ek-ek na yan."
"Ay bakit? Anyare?"
"Eh kasi naman. Ayun nag-iinarte nanaman yung pachicks na yun. Ewan ba dun."
"LQ naman pala. Bakit daw?"
"Selos."
"Saan? Hoy Julie Anne San Jose wag mo nga ko bitinin. Kwento na bilis, yung tuloy-tuloy."
"Demanding ka Barbara...Eh kasi yun nga, nagseselos sya. Basta alam mo naman kung bakit. Kaya yan, di na sya nagpaparamdam. Tinext nya lang ako saying His Jealous."
"Yaan mo friend. Kilala ko yan si Vargas. Ikaw pa ba? Sayo pa ba? Di ka matitiis nun."
"Sana nga. Sya nga ang naghatid sakin dito. Ang tahimik nya, kung tahimik na sya noon, mas sumobra pa na halos bayaran ko sya para lang makakuha ako ng mahabang sagot sa kanya. Tapos yun, pagkababa ko sa car nya, akala ko sasama pa sya dito, pero biglang nagdrive na paalis. Pakaarte nya, edi sana andito sya nanunuod nang rehearsals."
"Chill lang. Tama na emo. Magkakabati din kayo nun, Valentines na bawal bitter."
"Di ako bitter. Tara na nga."
Tinigilan ko na muna ang kakatext sa kanya. Ang arte kasi minsan ng lalaking yun. Kung di lang sya gwapo.
Medyo nagkatampuhan dahil lang sa pagkaseloso nya. Naiintindihan ko naman sya at kung sino ang pinagseselosan nya. Pero wala naman talaga syang dapat na ikaselos, dahil sya lang wala ng iba pa.******
"Pare, pwede ba kita makausap?"
Hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon. Kailangan namin mag-usap. Kailangan ko masigurado na sa ginagawa nila hindi mawawala sakin ang babaeng pinaka-mamahal ko. OA na kung OA, pero mahal ko lang talaga ang girlfriend ko.
"Tungkol san?"
"My girlfriend."
"Julie? Don't worry pare, may respeto ako sa relasyon nyo. Tsaka mahal ka nya kaya wala kang dapat na ipag-alala. Yung samin trabaho lang, sa harap lang ng camera. At kahit kailan hindi yun magiging katulad ng sa inyo. Kaya Jhake, trust me, trust her wala lang yun."
"May tiwala ako sa kanya. Alam ko naman na trabaho natin tong lahat. Di ko lang maiwasan."
"I understand. Magkaibigan parin tayo wag ka mag-alala. She's yours. "
"Salamat."
"Nga pala napansin kong bad mood sya sa rehearsals last time, mukhang alam ko na ang rason."
"What?"
"Magbati na kayo wag na maarte dude. Di sya magkakaganun kung di ka nya Mahal."
