Where's Julie ?

628 12 0
                                    


Pauwi na kami sa bahay from Pangasinan. Nagchill lang. Sa daming nangyari, kailangan magchill.
Hindi muna ko pumasok ngayong araw na to sa SPS. Sa kadahilanang. Basta ✌

Alam kong may tampo sakin ngayon ang gwapong-gwapo kong boyfriend dahil hindi nya alam na hindi ako papasok at hindi manlang ako nagsabi sa kanya. Di rin ako nagparamdam sa kanya, paMiss muna. At makulit kase yun, pag nalaman nya, paniguradong hindi rin yun papasok.

Nakita ko ang tweets ng adiks at JhaLies. They're all looking for me. May mga nababasa din ako na hinahanap nila ko kay Jhake. Eh hindi nya rin alam kung nasan ako kaya mas lagot na. Kaya nagpost nalang ako ng pictures at nilagyan ko ng location. Paniguradong nakita yun ni Jhake kaya di manlang nya ko tinawagan or tinext.

Pagdating namin sa bahay agad naman akong nagpaalam kina Mama para magpahinga.

"Ma, Pa, akyat na po ako. Good Night." At hinalikan ko sila sa pisngi. Even JM and Jac.

"Sige na anak. Alam kong pagod ka. Good Night."

"Ate may boyfriend ka baka nakakalimutan mo. Tawagan mo na kung ayaw mong agawin ko pa sayo. Perfect Package na si Kuya." Pang-aasar sakin ni JM. Alam nya kasing di ako nagsabi kay Jhake. At may crush din ang kapatid ko sa kanya. Dahil bukod sa gwapo na nga daw ang boyfriend ko, eh sobrang gentleman pa daw. Every girls dream of.

"Magtigil ka nga. Mahal ako ng KUYA mo kaya ikaw mag-aral ka na muna. Good Night sissy."

At umakyat na ko sa taas. Kailangan ko na nga sya tawagan dahil paniguradong galit na galit na sakin ang maarteng yun.

Dial *MyJhakeVargas*

°The number you have dial is either unattendend or out of coverage area. Please try your call later.

Paulit-ulit ko pa syang tinawagan pero paulit-ulit din na operator ang sumasagot sakin. Sh*t nasan na kaya yun. Sana okay lang sya. And I think nagalit ko nga sya ng sobra. Sorry Baby. Open your phone na pls.

------

Nandito ako ngayon sa bahay ng bestfriend ko. Niyaya ko sya uminom dahil gusto ko makalimot.
Naiinis ako sa girlfriend ko dahil wala manlang syang pasabi sakin na aalis sya at hindi sya makakapasok ngayon. Feeling ko tuloy hindi nya ko kinoconsidered as her boyfriend dahil hindi manlang nya ko naalala tawagan o itext.
Pinatay ko nalang ang phone ko kanina nung nakita ko yung post nya sa iG, dahil wala rin namang silbi. Still no text or calls from her.
Ganyanan tayo ngayon Julie Anne.

"Bro. hinay-hinay lang may trabaho ka pa bukas."
Pigil sakin ni Lloyd.

"Bakit ganun bro. di manlang ba nya naisip na nag-aalala din ako sa kanya? Na bilang boyfriend nya hinahanap ko rin sya? Buti nga yung mga fans nya na nagtatanong kung nasan sya sinagot nya. Samantalang ako na boyfriend nya di nya sinabihan? Bakit naman ganun sya pre ? Wala lang ba ko sa kanya?"
PagdaDrama ko kay Lloyd. Di ko kasi talaga magets kung bakit ganun sya ii.

"Wag ka magsalita ng ganyan tol. Alam mong Mahal na Mahal ka nya. Siguro kaya lang di ka nya sinabihan kasi...."

"Kasi ano? At mahal? Kung mahal nya talaga ko nagtext sya. Isa pa, di ba last ko na nga sa SPS kanina? Bakit kung kailan yun na yung huli na makakasama ko sya na magperform ng live sa stage tsaka pa sya di dumating."

Oo. Isa sa dahilan kung bakit ako nagagalit sa kanya. Dahil last day ko na sa SPS kanina. Hindi na ko sure kung kailan pa ko ulit babalik, at kung makakasama ko pa sya ulit magperform ng live.

"Bro. madami pang chances na makasama mo sya magperform ng live tulad ng kinakagalit mo. Pakinggan mo muna yung sides nya kung bakit mas pinili nyang di magsabi sayo at di pumasok kanina. Kase alam mo tol, kung pagpapatuloy mo yang galit mo sa kanya at di kayo mag-uusap mas lalo lang kayo magkakaaway nyan. Lalo na ngayon, clueless sya sa isa mo pang reason kung bakit di ka rin nagtext or tumatawag sa kanya ngayon. Alam nyang galit ka, matalino naman girlfriend mo, alam nya ang mangyayari kung sakaling di ka nya sabihan. Kaya bro. sige na. Tawagan mo na, mas lalo ka lang mawawalan ng chances na makasama pa sya kung hahahayaan mong mangibabaw yang galit mo."

JhaLie One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon