Epilogue

369K 6.6K 2.2K
                                    

Xiara's POV

Nilapitan ko si Kian habang tangan-tangan ko ang chainsaw na magwawakas sa kaniyang buhay. Walang atrasan, kailangan ko talagang tapusin itong sinimulan ko.

"Maawa ka kay Kian, Xiara!" Sigaw ni Agatha habang nakalugmok sa sahig.

"Sorry, but it's a no." Sambit ko at pinaandar kong muli ang makina ng chainsaw. Bakas sa kanilang mukha ang kaba at takot kaya mas lalo akong nasisiyahang kitilin ang buhay nila.

"Ahhh!" Sigaw ni Kian matapos kong putulin ang kabila niyang braso. Ngayon, pantay na ito kaya tiyak na wala na siyang laban. Hinang-hina na siya at sumusuka na rin ng dugo.

"Tapusin na natin ang kalbaryong pinagdaraanan mo." Wika ko sabay ngiti na para bang nanalo ako sa lotto.

"Goodbye my ex." Pahayag ko at niratsada ko ang hawak kong chainsaw sa kaniyang ulo. Nang matanggal ito, nagpagulong-gulong ito sa sahig at napunta sa kinaroroonan ni Agatha.

"Ahh!" Sigaw niya dulot ng takot.

"Hahaha! Paano ba iyan? Apat na lang kayo? Sino kaya ang isusunod ko?" Panunuya ko at kunwaring nag-iisip pa.

"Kung CHAINSAW ang death word ni Kian, ikaw kaya Agatha?" Pambubuska ko habang nakaupo sa harapan niya. Pinulot ko ang ulo ni Kian na nakakalat sa sahig at inihagis sa may sulok.

"Wala na akong kawala pa. tiyak na mamamatay ako rito. Kaya patayin mo na ako!" Sigaw niya habang humahagulgol sa kakaiyak.

Ang dating matapang na Agatha ay pinanghihinaan ngayon ng loob. Tumayo ako sa harapan niya at tinungo ang lamesa at kinuha ko ang isang envelope na naglalaman ng kaniyang lihim.

Inilabas ko ang laman nito na ipinagtaka ng lahat. "Naaalala mo pa ba ang X-ray na ito? Ito lang naman ang patunay na wala ka na talagang paa. Naputol iyan noong nalaglag ka sa hagdanan nung magpakita sayo si Ate Helga. Halos mabaliw ka pa nga noon hindi ba?" Pambubuska ko sa kaniya.

Nagulat siya at wari mo'y natuod sa kaniyang kinalulugdan. Batid kong nagtataka rin sina Mark, Ethan at Roxette sa kung ano ang nais kong ipahiwatig kaya hindi ko na hinayaang magsalita pa sila.

"Yup, tama ang inyong iniisip. Si Agatha ang may pakana kung bakit binaboy ng mga kaklase nila si Ate Helga. Mas matanda sa atin si Agatha ng dalawang taon. Sa librong isinulat ni Ate Helga, nakalakip doon ang hinanakit niya kay Agatha kaya naman nag-research ako patungkol kay Agatha. Noong naputulan siya ng paa, nilisan niya ang ating bansa para maka-recover siya sa traumang naidulot sa kaniya ni Ate Helga. Sa ibang bansa, doon siya nagpagawa ng artificial na paa at isang taon siyang namalagi roon. Nang bumalik siya sa ating bansa, nag-aral siyang muli at naging kaklase nga natin siya." Paliwanag ko. Hindi makapaniwala sina Mark, Ethan at Roxette sa ibinulgar kong lihim ni Agatha.

"It's all my fault, sorry guys. Kung hindi ako na-inggit noon kay Helga, hindi siguro siya magpapakamatay. Ngayon, nadamay pa kayo sa kasalanan ko. Xiara, buhayin mo sila. Ako na lang ang patayin mo please!" Pagsusumamo niya.

Nilapitan ko siya at tinanggal ang artificial niyang paa kaya naman nagulat ang lahat dahil totoo ang lahat ng tinuran ko.

"Sorry Agatha, I can't grant your wish. Alam kong nagkaroon ka ng phobia, at ito ang gagamitin ko sayo para patayin ka. Haha!" Ani ko.

Biglang sumulpot si Ate Helga sa kaniyang harapan at mistulang nanlilisik ang kaniyang mga mata. Sinugod niya si Agatha dahil poot na poot siya rito. Hindi pa siya nakakalapit dito, ay tuluyan nang namaalam si Agatha.

"Paalam. XENOPHOBIA ang deathword niya." Sambit ko.

"Agatha! Anong nangyari sa kaniya? Hindi naman siya inatake ni Helga ah?" Nagugulumihanang tanong ni Ethan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon