Chapter 57

149K 3.8K 887
                                    

Mia's POV

Natutuwa ako sa tuwing nakikita ko si Mark na malungkot. Bakit? Kasi, tyansa ko na iyon para malapitan ko siya at ma-comfort pero deep inside, tumatalon ang puso ko sa tuwa sa tuwing nayayakap ko siya.

Ako na yata ang baliw sa lahat ng baliw. Grabe! Ganito pala ang naidudulot kapag ikaw ay nabaliw sa ngalan ng pag-ibig. Gagawin mo ang lahat, hahamakin ang kahit na sino, maangkin lang yung taong mahal mo.

One time, nagkaroon ako ng pagkakataon para sunggaban na ang pinakamimithi kong labi ni Mark. Ang lambot, ang tamis at ang masamyong amoy ng kaniyang hininga na nagdulot para mas lalo akong mahumaling sa kaniya. Hindi ko talaga akalain na sasabayan niya ang paghalik ko sa kaniya.

Alam ko naman na, kaya niya nagawang halikan din ako para pagselosin si Roxette. Puno ng hinanakit at panibugho ang kaniyang mata at ramdam ko rin ito kung paano niya ako halikan. Masaya na ako na makasama ko ang taong mahal ko kahit na hindi niya ako mahal.

Sanay naman na akong magmahal ng taong hindi ako mahal. Masakip man, pero iniisip ko na lang na, balang araw ay mamahalin niya rin ako. Ako kasi yung tipo ng taong madaling ma-fall.

Masaya ako ngayon dahil kahit na anong landi ang gawin ko kay Mark ay ayos lang sa kaniya. Benefited naman kaming dalawa eh. Ako, nag-eenjoy. Siya naman, napagseselos niya si Roxette. Ang tanong, effective ba naman kaya?

Nung gabing matagpuan namin ang bangkay ni Tin na nasa loob ng kabaong, kinabahan na ako dahil pakonti na kami nang pakonti. I need to prepare myself kung sakali mang ako ang isunod ng killer.

Nagising ako ng madaling araw, bale ika-labing isang araw na namin dito at tatlong araw na lang ay matatapos na ang kalbaryong kinakaharap namin. Hindi ako makapaniwala sa nasaksihan ko sa may hagdan. Si Rox at Mark, naghahalikan.

Gumuho ang aking mundo at halos sumabok sa sobrang sakit ang aking puso. Para akong kakapusin ng hininga at naninikip din ang aking dibdib. Gusto kong manakit ngayon! Gusto ko siyang saktan at sabunutan! Maya-maya pa, tumigil din sila sa kanilang ginagawa at pumasok na si Mark sa kwarto nila habang si Roxette ay nakatayo lang sa may hagdan na parang natulala pa.

Hindi ako nagdalawang-isip na sugurin siya. Sa sobrang galit ko, nais ko na siyang mawala sa mundong ito. At kapag nagkataon, baka makapatay pa ako ng tao.

Humahangos akong lumapit kay Roxette ng hindi niya napapansin. Nanggigigil ako sa galit! Nais ko siyang saktan ang parusahan. Pagkarating ko sa harapan niya at bigla ko siyang sinampal sa kanang pisngi niya.

"Malandi kang babae ka! Hindi ka na nakuntento! Tinuhog mo na nga si Ethan pati ba naman si Mark? Aba! Napaka kati mo talaga!" Sigaw ko sa kaniya habang dinuduro-duro ko siya. Napatigagal lang siya at halos hindi maka-imik sa ginawa ko sa kaniya. Nakahawak lang siya sa kanang pisngi niya na sinampal ko.

"Tandaan mo, akin lang si Mark! Pag-aari ko na siya! Ako lang ang may karapatang halikan siya! Akin lang ang labi niya! Huwag kang mang-angkin ng hindi sayo! Kung hindi ka pa kuntento sa labi ng Ethan mo, pwes, huwag mong lapain ang sa mahal ko! Ang landi-landi mo!" Pagduduldulan ko sa kaniya sa sobrang panggagalaiti. Ni hindi siya maka-imik.

"Ano na Rox? Bakit hindi ka makapagsalita diyan? Hindi ka naman pipi ah! Lumaban ka!" Sigaw ko sabay sampal naman sa kaliwa niyang pisngi.

"Mia please! Ayoko ng gulo! Tigilan na natin ito!" Pagpipigil niya sa buwelo ko sa sunod na sampal na gagawin ko. Hinawi ko kaagad ang kaniyang braso upang mabawi ang aking kamay na hawak niya.

"Kung ayaw mo ng gulo, ako, gusto ko! Masunog ka sana sa impiyerno dahil diyan sa kalandian mo!" Sigaw ko habang nandidilat ang aking mata sa galit kaagad ko siyang sinugod at pinagsasabunutan.

"Ah! Mia! Masakit! Hindi kita lalabanan! Bitawan mo na ang buhok ko!" Sigaw niya habang namamalipit sa sakit. Halos humiwalay ang kaniyang buhok sa kaniyang anit sa sobrang panggigigil ko sa kaniya. Nilapastangan niya ako! Hindi ko siya papatawarin!

"Kakalbuhin kitang hindot ka! Mas makati ka pa sa higad!" Sambit ko at tinulak ko siya. Bumanda siya sa railings ng hagdan. Nilapitan ko siya at pinagsasabunutan. Hindi ko napansin na malalaglag kami sa hagdan sa isang maling hakbang lang namin. Nauyot ako sa pagpipigil niya sa pag-atake ko sa kaniya kaya dumiretso kami sa hagdan at nahulog. Nagpagulong-gulong kami hanggang sa mabagok ang aming ulo sa may kanto at nawalan ng malay.

Nagising na lamang ako sa isang madilim na silid. Pawang ako'y nakatali sa isang upuan. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit hindi ko makita si Roxette. Bigla akong nabagabag, oras ko na kaya?

Sa paglangitngit ng pinto, senyales na mayroong taong papasok dito. Bungad sa harapan ko ang killer. Nakasuot siya ng maskara sa mukha na pangjabbawockeez. Gayun pa man, kilala ko ang tindig niya kaya hindi ako nagkakamali sa pagkakakilanlan niya.

"Kamusta na? Masakit pa rin ba? Umaasa ka pa rin? Haha! Kawawa ka naman. Para kang asong ulol na naglalaway sa harapan ng taong kinahuhumalingan mo! Haha!" Sambit niya na mapang-uyam. Lahat ng galit ko kanina kay Roxette ay sa kaniya napunta. Nangagalaiti ako sa kaniya!

"Walang hiya ka! Makawala lang ako rito, malilintikan ka sa akin! Mata mo lang ang walang latay!" Sigaw ko dulot ng poot. Siya ang dapat na mamatay! Ipaglalaban ko ang buhay ko kahit na anong mangyari.

"Huh, ang lakas talaga ng loob ng isang bruhildang katulad mo! Iyan ba ang naidudulot ng pagkabaliw sa pag-ibig? Haha!" Sambit niya na mapangbuska.

"Oo! Ito nga! Ano naman sayo kung baliw ako sa pag-ibig? Inggit ka? Gumaya ka! Haha! At isa pa, baliw man ako sa pag-ibig, atleast kinikilig! Hindi gaya mo, baliw ka rin! Baliw na baliw! Lalo na nung iniwan ka ni Kian! Haha! Kawawa ka naman, hindi minamahal. Haha!" Pagsegunda ko sa kaniya. Lahat na katarayan ko ay ipinakita ko na sa kaniya. Hindi siya makapagsalita sa aking tinuran lahat ng iyon ay totoo naman. Affected much? Haha!

"Pagbabayaran mo ang paglalapastangan sa aking pagkatao! Pagsisisihan mo ang ginawa mong pang-uuyam sa akin!" Sigaw niya dulot ng galit. Naiba ang aura niya. Para bang may masamang elemento na nakapaligid sa kaniya.

Mayroon siyang kinuha sa hindi kalayuan. Paglapit niya sa akin, isang garapon ng honey jam ang kaniyang dala. Ibinuhos niya iyon sa aking mukha at tsaka naglakad muli palayo. Hindi ko maintindihan kung bakit niya iyon ginawa sa akin. Nanlalagkit na ako pati na rin ang katawan ko.

Sa kaniyang pagbabalik, may dala siyang paint brush. Nagulat ako ng bigla niya itong ikalat sa buo kong katawan. Nakaramdam ako ng hapdi at kirot ng mahagip niya ang aking sugat sa noo dulot ng pagkakabagok ko. Nanlilimahid na ako sa lagkit. Gusto kong magsisigaw ngunit hindi ko magawa. Nilagyan niya kasi ng busal ang aking bibig. Nagkakawag lang ako para mainis siya pero kinukurot niya lang ako. Ang sakit! Ang pino niyang mangurot.

Ilang saglit lang, naglabas siya ng isang kulambo, malaki ito. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya rito. Nakangiti lang siya ng nakakaloko habang naglalakad papalapit sa akin. Tinaasan ko lang siya ng kilay para mas lalo siyang mainis sa akin.

"Patawad Mia, oras mo na eh. Haha!" Panunuya niya sa akin at biglang isinaklob sa akin ang kulambong hawak niya. Hindi ko pa rin lubos maisip kung ano ang gagawin niya sa akin. Natataranta man ako dulot ng takot, nilalakasan ko pa rin ang loob ko.

Nagulat ako ng ilabas niya ang isang garapon na puro bubuyog. Ngayon ko lang napagtanto kung ano ang nais niyang gawin sa akin.

"Say hello to my friend Mia! Haha!" Wika niya at humalakhak na para bang nakamit na niya ang tagumpay.

Itinaas niya ang uwang na butas sa may kulambo at tsaka ibinuhos doon ang isang lupon na bubuyog. Nagsisuguran ito papalapit sa akin. Pakiramdam ko, ako'y pulu-pukyutan nila na sa bawat kagat at tusok na ginagawa nila sa aking katawan at mukha, sila'y nasisiyahan. Habang ako, hirap na hirap na at tangis nang tangis lang. Wala akong ibang magawa kundi ang sumigaw ng paimpit. Ang sakit at kirot na aking nararamdaman ay napakatindi.

"Hahaha! Kawawa ka naman. Kung hindi mo lang ako ginalit ng sobra ay hindi mo sana daranasin iyan." Wika niya na nasa isang sulok na tuwang-tuwa sa pagpapahirap na ginagawa niya sa akin.

"Hayaan nating mabawasan ang sakit Mia." Sambit niya at lumapit sa akin. May itinurok siya sa aking braso at ako'y nawalan ng malay.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon