Chapter 7

307K 7.3K 2.1K
                                    

Roxette's POV

Mga loko-loko talaga yung mga kaklase ko. Biruin mo, pagtabihin daw ba kami ni Ethan! Tapos, sa tabi ni Ethan ay si Agatha at sa tabi ko naman ay si Mark.

Naloloka na ako sa mga kaklase ko. Todo push sila sa akin kay Ethan gayung alam naman ng lahat na may malanding ugnayan sila ni Agatha haha! Kidding, basta para bang attachment na hindi mo maunawaan.

Noon nga eh sweet na sweet ang dalawang iyan at halos PDA pa sila sa sobrang paglalambingan. Ewan ko ba kung bakit parang nagkakalabuan ang dalawang iyan.

Huwag na nga nating ungkatin ang nakaraan nila, back to present! Sa kanan ko naman, si Mark na nakadungaw lamang sa labas, ang awkward sa feeling! Gusto kong kiligin habang katabi siya kaso pinipigilan ng utak ko yung nararamdaman ko.

Napatingin ako sa gawing kaliwa ko at napansin kong malamig nga talaga ang pakikitungo ng dalawa sa isa't isa. Napansin ko nga na parang inis o masama ang loob sa akin ni Agatha eh marahil lagi akong nilalapitan ni Ethan.

"Oh guys, tingnan niyo si Roxette oh! Wari mong natigang sa pagitan nina Mark at Ethan." Wika ni Aaron sa nakadungaw patalikod sa kaniyang kinauupuan.

"Oo nga eh, ang haba ng kaniyang hair!" Dagdag ni Abi.

"Oi oi oi! Kayo ah, pinagkakaisahan niyo ako! Joan, palit nga tayong upuan." Wika ko habang kinakalabit si Jo.

"So kayo magiging magkatabi ng boyfriend ko? Ayoko nga! Haha! Enjoy mo na lang ang pwesto mo, dalawang nagkikisigan at naggagwapuhang lalaki ang katabi mo. Ikaw na lang mamili kung sino mas type mo sa dalawa hehe!" Wika ni Joan na may halong panunuya sa akin.

Sila na may lovelife! Nakakainis lang! No choice ako. Kaya habang nasa biyage kami ay isinaksak ko na lang ang headset ko sa aking tainga upang ako'y maengganyo kahit na papaano.

"Ayaw mo ba akong katabi baby?" Wika ni Ethan na may halong pang-aakit sa kaniyang pagsasalita.

Kahit nakaheadset ako ay narinig ko ang pinakawalang salita ni Ethan kaya agad akong nagreact.

"Anong baby ka riyan? Sapak gusto mo?" Wika ko sabay pakita ng kamao ko sa kaniya.

"Oh sige ba, basta gagamutin mo ako para naman magkaroon tayo ng sweet moments hindi puro ganito na lang." Wika nito habang suot ang kaniyang nakakalokong ngiti.

Hindi ko maintindihan yung lalaking ito kung ano ba talaga gusto niyang mangyari sa kaniyang buhay. Isa siyang pasaway na sweet na parang laging nang-aakit.

"Ako na lang gagamot sayo, tutal namiss ko na rin lang ang lambingan at tamis ng samahan natin eh." Wika ni Agatha sabay yapos kay Ethan at idinantay nito ang kaniyang ulo sa balikat ni Ethan.

Naiinis ako na para bang sasabog kapag mayroon akong nakikitang naglalampungan sa harapan ko. Gusto kong pag-untugin yung dalawang ito, ano kaya ang gagawin ni Ethan.

Nagulat ako ng biglang kalasin ni Ethan sa pagkakayapos ang kamay ni Agatha.

"Agatha, tigilan na natin ang paglolokohang ito! May boyfriend ka pero mahal mo ako? Pero hindi mo pala kayang iwanin ito para maging masaya na tayo. Ngayon, marami akong napagtantong bagay." Wika ni Ethan dito.

Natameme si Agatha at hindi nakapagsalita matapos marinig ang pinakawalang salita ni Ethan na tila sumaksak sa kaniyang dibdib.

Namayani ang katahimikan sa loob ng aming sinasakyan matapos ang napipintong pangyayari. Maski ako ay tumahimik na lang din.

Makalipas ang tatlong oras ay nakarating na rin kami sa aming destinasyon. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako at napansin kong nakahilig pala ang ulo ko sa balikat ni Mark.

Hala, kaming dalawa na lang pala ang nasa loob ng sasakyan. Nagsibabaan na silang lahat. Anong gagawin ko? Ang awkward kaya!

"A-ah E-eh, sorry Mark at nakatulog ako sa balikat mo." Wika ko habang nakayuko.

Hinawakan niya ako sa baba at itinaas niya ang ulo ko kaya eye to eye contact kami ngayon.

"Don't worry." Wika ni Mark at pinakawalan ang kaniyang pamatay na ngiti.

Halos himatayin ako ng makita kong ngitian niya ako. Dream come true ito! Kasi,matagal ko ng pinapangarap na makita ang mahiwang ngiting iyon.

"Tara baba na tayo, tayo na lang ang hinihintay nila roon." Wika ni Mark at inayos na ang kaniyang gamit.

"Ah ok, hehe!" Ang tanging nasambit ko dahil hindi ko alam kung ano ang aking dapat sabihin.

Bumaba na kami ng sasakyan at tinungo ang kinaroroonan ng aming mga kaklase.

Nabighani ako sa ganda nung lugar. Sadyang napakayaman nga nila Ginny. Halos mapanganga ako lalo na sa sarap ng hangin. Napakafresh at marerelax kang talaga.

"Oh, ayan na pala yung dalawang nagkakamabutihan kanina ah." Wika ni Dion na parang may gustong ipahiwatig.

"Oo nga, tingnan mo oh! Holding hands pa talaga!" Dagdag naman ni Joan.

Hindi ko namalayang magkaholding hands pa rin pala kami ngayon. Dali-dali kong kinalas ang aking kamay sa kaniyang kamay. Noong inalalayan nga pala niya akong bumaba eh hinawakan niya kamay ko at nakalimutan ko ng bitawan kaya ayun, buking ako!

"Ayiee! Namumula si Roxette sa sobrang hiya! Alam na!" Singit ni Xiara.

"Tama na iyan mga classmates! Ngayong nandito na tayong lahat, maaari na tayong dumiretso sa ating pupuntahan." Wika ni Ginny.

"What? You mean, hindi pa ito yung lugar na tinutukoy mo?" Tanong ni Tin habang nakataas ang kanang kilay.

"Yup, kailangan pa nating sumakay ng bangga patungo sa sinasabi kong lugar. Liblib doon kaya mag-eenjoy talaga tayo! Tayo lang ang tao roon." Wika ni Ginny.

"Oh, it's kinda exciting!" Wika ni Mia.

"Super excited na ako with my babe!" Wika ni Dion.

"So, ano pa ba ang hinihintay natin? Tara na!" Wika ni Agatha na tila nagmamadali.

"Wait, Manong! Balikan niyo po kami rito makalipas ang dalawang linggo. Ayaw po naming may makaabala sa amin eh." Wika ni Ginny sa dalawang driver at tumango naman ang mga ito.

"Well, let's go!" Wika ni Ginny at sumakay na nga kami sa bangka.

Mayroong tatlong bangka kaya kami na ang bahala kung saan kami sasakay.

Sa totoo lang, ngayon pa lang ako makakasakay ng bangka. Kinakabahan nga ako kasi feeling ko ay tutuwad ito sa anong oras.

Binaybay na namin ang dagat patungo sa aming destinasyon. Katabi ko pa rin si Mark na todo makaalalay sa akin. Baka daw kasi mahulog ako! Hihi! Ang sweet, bakt kaya siya nagkakaganito? Hindi naman siya ganito sa akin noon eh.

Napatingin ako sa kasabay naming bangka at lulan noon si Ethan na kita mo sa kaniyang mata ang poot at pighati. Para bang mabigat ang kaniyang dinadala. Naninibago tuloy ako kasi, kalog iyan kapag kasama ko eh.

Dumating kami sa aming patutunguhan at isa pala itong maliit na isla. Hindi ako makapaniwala na mayroong napakagandang bahay na nakatayo sa ganitong lugar. Nakakatakot lang kasi napapalibutan ito ng mga puno at malay mo, may mga wild animals palang naninirahan dito kaya kailangan naming mag-ingat.

---

"Ang ganda pala rito? Akala ko naman magiging masalimuot ang magiging kahihinatnan ng inyong mga katawan kapag binawian ko na kayo ng buhay haha!" Wika ng isang tinig na naguumapaw sa galit.

"Pero syempre, dapat muna naming enjoyin ang pagstay namin dito para naman masulit nila ang kanilang pamamalagi rito bago ko kitilin ang kanilang mga buhay." Dagdag pa nito.

"Hindi na ako makapaghintay na makakita ng dugong nagsusumigaw sa paligid. Yung tila ba bumabaha? Haha!" Halakhak nito.

"Exciting ito! Maglaro muna tayo." Wika nito na mayroong binabalak na masamang plano.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon