Chapter 1

1M 17.4K 6.5K
                                    

"Sabi nila, ang mga inhinyero daw mga matatalino..." Sabi ng kanilang kaklaseng babae habang nakatayo sa harapan ng kanilang silid-aralan.

"Tama!" Sagot naman ng mga estudyanteng Inhinyero na biglaang napatingin sa kanya.

"Pero boring?!" Sabi ng tagapagsalaysay at humalukipkip naman ito ngayon.

"Hindi kaya!" Pagsalungat naman ng mga estudyante.

"Mahilig mag-joke..." sabi nito.

"Knock-knock!" Sabi ng isang nerd na si Henry.

"Who's there?" Tanong naman niya.

"Tocino!" Wika ni Henry na tila nanunuya pa.

"Tocino who!" Sabi ng tagapagsalaysay.

"Tocino-cino pang tinatawagan mo nandito lang naman ako!" Kanta niya at nagtawanan ang lahat.

"Waley! Haha!" Sabi ng kaniyang mga kaklase na si Dion ang guitarista ng classroom.

"Corny nga lang!" Sabi ng tagapagsalaysay at nakapameywang naman siya ngayon at tila nagmamaganda.

"Yun lang!" Pagsang-ayon naman ng mga estudyanteng Inhinyero.

"Ngayon ay kikilalanin natin ang iba't ibang klase ng grupo ng mga estudyante sa klase ng Engineering 2D." Wika nito.

"Unahin na natin diyan ang mga Komedyante sa grupo na mas kilala sa tawag na D' Kengkoy." Sabi ng tagapagsalaysay sabay punta sa puwesto ng mga Kengkoy.

"Miss miss.." Tawag ng isang lalaki na si Adrian na nagsign pa para palapitin ang tagapagsalaysay sa harapan niya.

"Oh bakit?" Tanong naman nito na todo pa kung makangiti.

"Naniniwala ka ba na mayroong mga gwapo at magaganda na naninirahan dito sa mundo?" Tanong nito na wari mong may gustong ipahiwatig.

"Hindi bakit?" Wika ng tagapagsalaysay sabay kunot ng kaniyang noo.

"Huh, gusto mo bang patunayan namin sayo?" Wika ni Jerome na gusto talagang may patunayan.

"Oh sige!" Wika niya na tila ba excited.

"Imaginin mo na ito ang mundo." Wika ni Kian at idinemonstrate niya na may hawak siyang bilog gamit ang kaniyang kanang kamay.

"Oh tapos?" Sumuko naman ng bahagya ang tagapagsalaysay.

"Ituro mo kung saan dito ang mapa ng Pilipinas." Wika naman ni Mae na medyo may pagkaboyish.

"Oh ito!" Turo niya gamit ang kanang hintuturo.

"Oh sige hawakan mo tapos ay alugin mo!" Wika naman ni Grace ang babaeng kalog.

Kinuha nga ni tagapagsalaysay ang bilog at tsaka inalog.

"Woah!!!" Sigawan ang lahat ng Inhinyero.

Naguguluhan ang tagapagsalaysay sa kung anong nangyayari. Hindi niya na gets, medyo slow! Haha!

Maya-maya pa'y napag-alaman niya na kaya pala sila umakto na parang lumilindol ay sila yung mga magaganda at gwapo na naninirahan sa mundo. Kapag hindi ka pala gumalaw, isa lang ang ibig sabihin nito, hindi ka maganda o gwapo! Haha! Natawa na lang siya dahil naging slow siya.

"Sila yung mga estudyante na tinatawanan lang yung mga problema lalo na pagdating sa Calculus at Physics." Wika niya na medyo hindi pa nakakaget-over.

"Dumako naman tayo sa may kanan ko ang mga nagbibigay buhay sa klase lalo na sa tuwing wala ang aming guro ang D' Mp5!" Wika niya at masayang nilapitan ang grupo.

"You shoot me down but I wont fall.. I am the Titanium." Kanta ni Abby na may ala-Regine Velasquez na boses or let's say na mayroon siyang sopranong boses.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon