Chapter 41

193K 4.4K 1K
                                    

Jake's POV

Ang hirap pala kapag yung taong mahal mo ay may iba ng mahal. Ang mas matindi pa roon, sa bestfriend ko pa ako na-inlove.

Gusto kong suklian niya ang pagmamahal ko para sa kaniya kaso, kahit kailan ay hindi ko matatanggap iyon. Ang love, parang pagbabayad lang iyan sa jeep, madalas kang hindi nasusuklian.

Ang sakit kaya noon, hashtag friendzone.

Tama nga sila, ang hirap-hirap mag move-on lalo pa't lagi mo siyang nakikitang kasama ang taong mahal niya. Kahit anong iwas naman ang gawin ko ay hindi epektado kasi nga, magkaklase kami.

Sa ngayon, mas masarap kumuha ng inspirasyon sa pamilya. Nagkataon pa nga na nagkandaleche-leche ang grado ko at nagkabagsak pa ako. Thanks sa pamilya ko for motivating me kahit na sawi ang puso ko.

Napakacomplicated talaga ng love. Natutuwa nga ako kapag nakakakita ako ng mga Single na masaya sa buhay kahit zero ang kanilang lovelife.

Sabagay, maraming paraan para ika'y sumaya. Nandiyan ang kaibigan natin na maaari nating sandalan at makasama sa kasiyahan upang makalimutan ang problema. At pamilya na manghihikayat sayo na i-enjoy ang life habang bata ka pa.

Sa ngayon, masasabi kong medyo nakakamove-on na ako at namumuhay ako ng positibo.

"Uy Jake, ano gagawin mo kapag ikaw na ang kaharap ng killer ngayon? Paano kung time mo na?" Tanong ni Karlo habang kami ay nasa sala.

"Ang gagawin ko kapag kaharap ko na yung killer ay kokomprontahin ko siya. Hindi naman natin maiisip pa kung ano ang gagawin natin kapag nasa ganoong sitwasyon na tayo. Ewan ko ba, malamang ang itatanong ko ay kung bakit niya ginagawa ito. At kung time ko na nga, ade tanggapin. Sayang nga lang kasi hindi ako makakapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay lalo na sa pamilya ko. Ikaw ba pare? Ano ang gagawin mo?" Paliwanag ko.

Walo na ang namamatay sa amin pero hindi pa rin namin alam kung sino ang killer. Para nga kaming mga baboy na nakakulong. Kakatayin na lang kapag time na namin. Hindi nga makatarungan ang naging pagkamatay ng bawat-isa eh. Hustisya ang kailagan nila.

"Wala, ngingitian ko lang siya. Tatanggapin kung ano man ang ipapataw niyang kamatayan sa akin kasi, wala ng nagmamahal sa akin. Yung pamilya ko, itinakwil ako sa pagiging siraulo ko. Yung girlfriend ko, patay na. At doon din ang patutunguhan ng mga kaibigan ko so patay kung patay hehe." Pahayag niya.

Alam kong hindi siya masaya kahit na tumatawa siya sa harapan ko ngayon. Alam kong mamimiss niya rin ang pamilya niya at nagkukunwari lang siya. Siga siya sa klase pero hindi ibig sabihin noon ay wala na siyang puso.

"Gabi na! Kayong dalawa, matulog na kayo! Baka kayo pa ang maisunod ng killer." Wika ni Hannah na pababa ng hagdan.

"Sige, sandali na lang ito. Huwag ka ng mag-alala, kaya namin ang aming sarili." Wika ni Karlo.

"Okay." Sambit ni Hannah.

"Nga pala pare, sana gumana yung memory card ni Ramil na naglalaman ng sagot kung sino nga ba yung killer." Wika ni Karlo ng pabulong. "Sikreto lang iyon pare ah?" Dagdag pa niya.

Talaga? Sana nga gumana para mapatigil na namin siya sa pagpatay. Dapat maunahan na namin siya bago pa niya kami maunahan.

Kinabukasan, masaya kaming kumakain sa hapag-kainan ng umagahan sapagkat walang namatay sa amin. Pero bakas pa rin sa mata ng iba ang ibayong kalungkutan.

Napapansin ko na mukhang balisa sina Arianne, Roxette, Ginny, Ethan, Kian at Mark. Para bang may bumabagabag sa kanila na hindi nila maikuwento sa amin. Alam na kaya nila kng sino ang killer?

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon