Chapter 36

192K 4.6K 641
                                    

Mia's POV

Maaga talaga akong gumigising tuwing umaga dahil nakasanayan ko ng exercise ang pagjojogging.

Pagkalabas ko sa kwarto ay nag-inat-inat muna ako. Napansin ko may tao sa terrace at nagkakape. Nakilala ko na si Henry pala iyon pero ng mapatingin naman ako sa baba, nakita ko si Tin na nakasalampak at mistulang nanginginig sa takot.

"Nakakita ba siya ng multo? Eh nasa harapan lang naman niya si Henry ah? Hindi kaya, si Henry ang killer?" Tanong ko sa aking isipan at minabuti ko na ngang lapitan sila.

"Good Morning Tin! Uy, okay ka lang ba? Para ka namang nakakita ng multo." Wika ko habang papalapit sa direksyon nila.

Nagtataka ako kasi balisa masyado si Tin. Ni hindi man lang umimik ng batiin ko siya. Nakalimutan kong batiin si Henry kaya ibinaling ko naman ang atensyon ko sa kaniya.

"Oh my God!" Wika ko. Hindi rin ako makakilos dito sa kintitirikan ko ngayon. Ako'y biglang napatigagal ng makita ko ang kalunos-lunos na itsura ni Henry.

Isa pa, ang mga dugong umaagos ng dahan-dahan mula sa kaniyang noo na may butas at sa kaniyang kamay kaya may bahid na rin ng dugo ang tasang hawak niya. Gayon din ang sahig na inagusan ng dugo mula sa kaniyang paa.

Una sa lahat, ayokong nakakakita ng dugo dahil nagkaroon ako ng Trauma noong bata pa ako. Kaya nagkaroon ako ngayon ng Phobia sa dugo.

Unti-unti kong nararamdaman na para bang sumisikip ang aking dibdib sa hindi ko mawari na dahilan at bigla na lamang akong tumumba sa sahig.

"Mia!" Sigaw ni Tin. Ang huli kong narinig bago ako mawalan ng malay.

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas bago ako magkaroon muli ng malay. Nagising ako na nandito sa aking kwarto na walang kasama na kahit sino.

In fact, hindi po talaga ako friendly at ang Mp5 lang ang pinaka ka-close ko sa lahat. Bestfriend kong maituturing sina Abi at Josh.

Si Josh ang una kong nakausap noong first year pa lang kami at tinuring ko na siyang kaibigan. Ngayon, nilalayuan ko muna siya dahil napagalaman ko na mayroon siyang pagtingin sa akin. Ayoko siyang masaktan dahil hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya dahil mayroon akong ibang mahal at si Mark iyon! Alam kong mas masakit ang paglayong ginagawa ko sa kaniya ni kibuin man lang siya ay hindi ko magawa. Sorry Josh dahil higit kang nasasaktan sa kagagawan ko. I hope you understand. Maibalik natin sana ang pagkakaibigan natin kapag okay na ang lahat.

Si Abi naman, siya ang nakakaalam ng lahat ng secrets ko at alam ko rin ang lahat ng sikreto niya.

Naalala ko pa noon nung pinaasa niya si Dion. Sabi niya, trip lang daw niya ito at wala siyang nararamdaman dito. Maloko rin si Abi at maraming kaututan. At dahil doon, maagang nabuntis.

Namimiss ko na nga siya dahil dito pa talaga siya pinatay sa outing namin. Ang higit na kinakaawaan ko ay yung baby sa tiyan niya na hindi man lang nakita kung gaano kaganda ang mundong ibabaw.

Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang nabantayan o naipagtanggol man lang sa kumitil ng buhay niya.

Ako, hindi pa ako handang mamatay dahil hindi ako naging magandang ehemplo dito sa mundo. Akala niyo lang na shy type ako pero kapag gabi, isa akong prostitute sa isang bar. Kailangan ko kasi talaga ng pera para makapasok ako sa school at para na rin sa pang-araw-araw naming buhay gayong wala na kaming Ama at may sakit naman si Ina.

Alam kong hindi malatarungan ang trabahong pinasok ko pero iyon lang ang naisip kong paraan upang kami ay patuloy na mamuhay. Isa akong ibong mababa ang lipad kaya tiyak na kamumuhian ako ng lahat kapag nalaman nila ang sikreto ko. Tanging si Abi lang ang nakakaalam ng lihim ko.

Sa lovelife naman, si Mark talaga ang pinapantasya ko. Handa akong ibigay ang lahat-lahat para sa kaniya. Oo, ganiyan ako kabaliw sa pag-ibig.

Si Jerome, naging Crush ko siya dahil lagi niya akong pinapasaya sa mga korni jokes niya at natutuwa ako sa tuwing naghaharutan kaming dalawa. Hanggang doon lang iyon, hindi ako na-fall sa kaniya dahil si Mark lang talaga lalo pa ngayon na wala na sila ng girlfriend niya. May pagasa pa ako sa kaniya.

Jerome's POV

Alam kong galit sa akin si Nikka dahil nakita niya kaming magkaholding hands kanina ni Grace at tama nga ang hinala ko, may gusto siya sa akin.

Sa totoo niyan, ako talaga ang may pakana ng lahat para mapagselos ko si Nikka. Nakipagholding hands ako kay Grace na ikinatuwa naman nito.

Alam kong may gusto sa akin si Grace pero the feeling is not mutual. Hanggang kaibigan lang ang maisusukli ko sa kaniya. Si Nikka talaga ang nilalaman ng puso ko.

Natuwa ako dahil nagwalk-out siyang bigla dahil nagseselos. Natauhan ako sa mga sumbat na ibinabato nila sa akin kaya minabuti ko ng sundan si Nikka sa kwarto niya.

Pagkabukas ko ng pinto, nagulat ako dahil nakatali sa kaniyang leeg ang nakabalunbon na kumot at siya'y magpapatiwakal.

"Huwag!" Sigaw ko sa may pintuan. Hindi ko man lang inisip na nasasaktan ko na pala ang taong mahal na mahal ko. At kapag nagkataon, nawawala na lang siya sa aking piling ng dahil sa aking kagagawan.

Dali-dali kong tinungo ang kaniyang kinaroroonan at tinanggal ang kumot sa kaniya leeg at inupo ko siya sa kama.

Niyakap ko siya ng mahigpit habang patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Naramdaman kong niyakap niya rin ako. Hindi ko napigilan ang emosyon ko kaya umagos na ang luha sa aking mga pisngi na kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko kasi kaya na mawala siya sa akin tapos ay hindi ko man lang nasasabi sa kaniya ang tunay kong nararamdaman.

"Sorry Nikka. Patawarin mo ako kung masyado na kitang nasasaktan. Hindi ko man lang iniisip ang magiging resulta ng pagiging Kolokoy ko. Ngayon ko lang napagtanto na maaari ka palang mawala ng dahil sa kalokohan ko at hindi ko kayang mamuhay ng wala ka. Nikka, mahal kita!" Pag-amin ko sa kaniya. Ayoko kasing mawalay sa piling niya ng hindi ko nasasabi kung ano ang nilalaman ng aking puso.

"Mahal din kita Jerome!" Wika niya habang nasa ganoon pa rin kaming puwesto.

Napatalon bigla sa tuwa ang aking puso ng kaniyang sambitin ang mga katagang matagal ko ng gustong marinig mula sa kaniyang bibig.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at siniil ko siya ng halik.

Nikka's POV

"Huwag!" Sigaw ng isang pamilyar na tinig na nakatayo malapit sa may pintuan.

Natuwa ako dahil si Jerome pala iyon pero kaakibat nito, ang sakit na kaniyang ipinaranas sa akin kanina.

Dali-dali niyang tinungo ang aking lugar at iniupo niya ako sa may kama. Niyakap niya ako ng nahigpit na para bang ayaw na niya akong pakawalan.

Ngayon ko lang naramdaman ang pagkalinga ng iyong taong mahal na matagal mo ng inaasam-asam. Ang sarap sa pakiramdam. Ang init n nagmumulat sa kaniya ang nagiging comforter ko.

Nagulat na lang ako ng maramdaman kong basa na ang aking balikat dulot ng kaniyang mga luha. Ngayon ko lang siyang nakita na lumuha ng ganito. May soft side din palang tinatago ito.

Unti-unting napapawi ang kirot at sakit na nasa aking puso matapos kong marinig ang kaniyang pag-amin sa akin. Nabuhay muli ang aking dugo na mistulang dinidiligan ang aking puso na nasawi at binigyan ng bagong pagasa.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa at inamin ko na rin sa kaniya ang aking tunay na damdamin.

Tinugon ko ang kaniyang paghalik sa akin matapos niyang sakupin ang aking labi. Through this, gusto kong iparamdam sa kaniya kung gaano ko siya kamahal.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon