Naiwan nga sa baba ang ilan sa kanila upang linisin ang mga kalat dulot ng nangyari kanina.
"Ano guys? Sa tingin niyo ba, naghihiganti sa atin ngayon si Ethel?" Tanong ni Hannah habang winawalisan ang mga kalat sa sahig.
"Huwag naman sana, baka atakihin ako sa puso sa sobrang takot noh!" Wika ni Joan na nag-aayos naman ng mga kurtina.
"Bakit ba nakalimutan natin na death anniversary niya ngayon? Napagdasal sana natin siya." Wika naman ni Tom na nag-aayos ng mga upuan.
"Kinalimutan na kasi nating lahat iyon noon, kaso binuksan naman ng magaling na si Rox." Wika ni Grace.
"Oy Grace, wala siya kasalanan sa mga nangyayari ngayon." Pagtatanggol ni Ethan dito.
"Eh kung hindi sana siya naging usisera eh di sana magkakaganito ang lahat!" Sigaw ni Mia.
"Oh, huwag na tayong magsisihan pa. Walang may kasalanan okay?" Wika naman ni Jake na nagpupulot ng mga basag na vase.
"Wala namang may gustong mangyari ito. Nagkataon lang siguro na malakas yung ulan." Bulalas naman ni Kian na naghuhugas ng pinggan.
"Basta guys, relax lang! Magiging okay na rin ang lahat bukas!" Dugtong naman ni Adrian na nagpupunas ng lamesa.
"Yeah, keep calm and enjoy!" Singiy ni Josh na kumakain ng chichirya.
"Oh ayan na, maayos na pala ang lahat eh. Tulog na tayo! Nakakapagod hehe!" Pag-iiba ni Hannah ng usapan.
"Ok guys! Good night! Sweet dreams!" Wika ni Agatha sa mga kasama at natulog na nga ang lahat.
Si gitna ng katahimikan, alas tres ng umaga ng maalimpungatan si Mae at nauhaw kaya tinungo niya ang kusina.
"Ano ba iyan! Kung kailan madilim pa tsaka pa ako nauhaw." Wika niya sa kaniyang sarili habang nagkakamot ng ulo.
Tinungo na niya ang kusina.
Pagkarating niya roon ay uminom siya ng gatas.
"Ahhh, nakakarefresh talaga ang gatas lalo na kapag umaga!" Aniya habang naghihikab.
"Masarap ba? Eh yung kay Karlo ba, masarap?" Wika ng isa sa kaniyang mga kaklase na nakasindig sa pasilyo ng kusina.
"Haha, bakit mo naman naitanong iyan? Tsaka hindi naman kami nun no! At hindi ako gross! Ang bastos mo!" Wika ni Mae sabay sara ng refrigerator habang kinikilig-kilig pa.
"Hahaha! MU kayo right? Patagong pag-ibig nga naman oh!" Wika nito habang nakasandal naman ngayon sa may pader malapit sa lutuan.
"Paano mo nalaman? Huwag kang maingay! Secret lang natin iyon ah?" Wika ni Mae sabay lapit dito at inakbayan pa talaga.
"Huwag kang mag-alala, secret lang natin iyon. Pero tandaan mo, walang lihim na hindi nabubunyag." Wika nito sabay tanggal sa kamay ni Mae na nakaakbay sa kaniya.
"Huwag ka namang ganiyan. Parang tinatakot mo ako eh." Wika ni Mae na umasta na parang bata.
"Natatakot ka ba? Pwes, tinatakot nga kita." Wika nito sabay kuha ng kutsilyo at unti-unti siyang lumalapit kay Mae.
"Anong pumasok sa kukote ng taong ito at ngayon pa niya nagawang magbiro?" Wika ni Mae sa kaniyang isipan.
"Hindi magandang joke iyan! Please! Ibaba mo iyang kutsilyo!" Wika ni Mae na takot na takot na. Kaya paatras siya nang paatras habang palapit naman ng palapit sa kaniya ang kaklase niya.
"Goodbye Mae!" Wika nito at itinarak ang matulis na kutsilyo sa puso ni Mae at tsaka niya ito dinukot.
"Argh, ahh!" Paimpit na sigaw ni Mae na halos walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...