Chapter 60

156K 4.1K 306
                                    

Arianne's POV

Nababagabag talaga ako sa pagdalaw nung black lady sa aking panaginip na nagngangalang Helga pala. Ano ba ang rason ng pagpapakita niya sa akin? Naghihiganti ba siya? Pero bakit? At bakit sa akin pa niya napiling ipakita ang nakaraan niya?

Medyo malabo yung mga mukha ng mga kaklase niyang lumapastangan sa kaniya. Pero sigurado ako, may namumukhaan akong kaklase namin na isa sa mga nang-aapi sa kaniya. Malakas ang pakiramdam ko, siya nga iyon. Kilos, tindig, at paraan pa lang ng pananalita ay siyang-siya.

Isa nga ba siya sa mga dahilan para maghiganti ang killer? Ngunit, ano naman ang koneksyon ni Helga sa killer? At yung librong Alphabet of Death ni Helga, nasaan kaya? At ano ang nilalaman nito?

"Uy Arianne, napakalalim naman niyang iniisip mo. Kung nakakalunod lang iyan, tiyak na kanina pa ako namatay." Banggit ni Ginny habang nakasandal sa silong ng terrace.

"Ay pasensiya na. Ang dami ko lang talagang pinoproblema ngayon. Hehe!" Palusot ko habang nakadungaw sa terrace at dinarama ang masamyong hangin.

"Asus, palusot ka pa! Kilalang-kilala na kita noh! Huwag ka ng magmaang-maangan pa! Spill it! I-share mo naman sa akin." Pangungulit ni Ginny na ngayo'y katabi na niya.

Dapat ko bang ikuwento kay Ginny ang napaginipan ko? Kaibigan ko naman siya eh. Kaso lang, ang hirap magtiwala ngayon. Paano kung siya pala yung killer? Baka ako yung isunod niya. Huwag naman sana.

"Ginny kasi..."

"Ginny, Arianne, nandiyan lang pala kayo. Akala namin ay sinunod na kayo ng killer hehe!" Bungad ni Kian na pawis na pawis. Mukhang napagod siya sa paghahanap sa amin.

Mabuti na lang dumating si Kian. Kung hindi, hindi ako titigilan ni Ginny hangga't hindi ko sinasabi sa kaniya ang bumabagabag sa isipan ko.

"Bakit mo ba kami hinahanap? May balita na ba kay Roxette?" Tanong ni Ginny.

"Wala lang, siyempre bilang kaklase ay concern pa rin kami sa mga buhay niyo. At patungkol naman kay Roxette, wala pa rin kaming balita sa kaniya." Pahayag nito habang pinupunasan ang pawis na tumatagaktak sa kaniyang mukha.

"Ganun ba? Nakakalungkot naman." Wika ni Ginny at bigla siyang tumahimik na wari mo'y nalulungkot nga.

"Punta na lang kayo sa baba kung gusto niyo. Nandun kaming lahat at nagkukwentuhan." Pagpuputol niya sa katahimikan at dumiretso na siya sa baba.

"Ginny, mukhang ikaw ang mayroong problema. I-share mo naman." Undat ko sa kaniya at niyaya ko siyang maupo.

Ang sarap sigurong magkape, ngayon pa't malamig ang simoy ng hangin.

"Arianne, inaantok ako. Tulog muna ako pwede?" Bungad niya habang nakapangalumbaba sa may lamesa.

"Ganun ba? Oh sige, mukhang pagod ka eh. Itulog mo muna iyan." Wika ko sabay ngiti sa kaniya.

Naghikab siya at biglang dumukdok sa may lamesa. Hindi ko namalayang inaantok din ako. Kailan pa ako naging antukin? Hanggang sa pati ako ay nakatulog na rin.

"Bestfriend!"

"Bestfriend ano ba?"

"Uy bestfriend? Galit ka ba sa akin?"

"Sorry bestfriend, nagmahal lang naman ako."

"Bestfriends forever!"

"Paalam, bestfriend!"

Ethel? Bakit? May hinanakit ka pa rin ba hanggang ngayon? Hindi pa ba natatahimik ang kaluluwa mo? Patawarin mo ako, bestfriend. Wala man lang akong ginawa para mailigtas ka.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon