Chapter 47

174K 4.1K 962
                                    

Tom's POV

Mabilis lumipas ng oras. Ika-walong araw na namin dito sa isla nila Ginny at labing-isa na sa mga kasama namin ang namamatay. I hope, matapos na ito.

Marami ng nangyari na hindi na namin maaaring maisaayos pa. Para ngang talo na talaga kami sa larong ito. Hindi namin kung ano ba ang aming dapat na gawin. Halos nakakawala ng pag-asa lalo na kung kayo ang nasa sitwasyon namin. Para bang anytime ay maaari kang mag-panic.

Sino bang matinong tao ang gugustuhing mapunta sa ganitong sitwasyon? Parang noon lang, sa movie ko lang napapanood ang mga ganitong pangyayari pero ngayon, kami na tauhan na nanganganib ang buhay lalo pa't nasa bingit na kami ng kamatayan.

Naglalakad ako ngayon sa may pampang habang patuloy na nagmumuni-muni. Nakita ko si Kian na nakaupo sa isang malaking bato habang inihahagis ang mga maliliit na bato sa kaniyang tabi doon sa dagat.

Unti-unti akong naglakad papalapit sa kaniya. Ilang pulgada na lang ang layo namin sa isa't isa ngayon. Hindi ako makapaniwala na siya'y umiiyak.

Si Kian kasi ang pinakamaton sa klase namin. Ni hindi mo siya kakikitaan ng kahinaan. Sa tindig niya pa lang ay matatakot ka na. Oo, mayabang at presko ang magiging impresyon mo sa kaniya sa una. May pagkabully din kasi iyan kaso in a nice way namin parang harot at hindi ka naman masasaktan.

"Bakit ngayon pa Hannah? Balak ko pa naman na ipakilala ka sa parents ko kaso bigla mo naman akong iniwan." Aniya habang siya'y nakayuko at nakasubsob ang kaniyang mukha sa kaniyang tuhod habang patuloy na inihahagis ang mga batong maliliit sa may dagat.

Ngayon ko lang siya nakitaan na ganung emosyon. Iba nga naman talaga ang naidudulot ng pag-ibig.

Naglakad-lakad pa ako at sa may bandang silong ng malaking puno, nakita ko sina Jerome at Nikka na naghaharutan habang nakaupo sa may duyan.

"Ano ba Jerome! Huwag diyan! May kiliti nga kasi ako diyan! Hihi!" Ani ni Nikka na nakikiliti sa pagyakap ni Jerome sa kaniyang beywang.

"Enjoy lang natin ito! Malay natin, baka isa sa atin ang isunod kaagad ng killer." Paglalambing ni Jerome rito.

"Huwag naman sana." Aniya at nagharutan pa sila na parang walang tao sa paligid.

Hindi ko lubos maisip na silang dalawa ang magkakatuluyan. Ang dating aso't pusa na laging nagbabangayan ay na-inlove sa isa't isa.

Pinagpatuloy ko ang pagtahak sa pampang at natagpuan ko sina Mark, Aaron, Xiara at Tin na masayang nagtatampisaw sa tubig. Talaga nga namang sinusulit na nila ang bawat oras na buhay pa sila.

Napalingon ako sa aking bandang kanan at nakita ko si Agatha na nakahiga sa buhangin at dinarama ang init ng araw sa kaniyang katawan. Sun bathing? Nakashades pa talaga at higit sa lahat, ang lakas ng loob niyang mag two piece.

Natawa na lang ako. Sa may bandang kanan naman ni Agatha, nandoon si Karlo na busy sa pagkalkal ng cellphone na hawak niya. Pinapatuyo niya ito sa ilalim ng araw habang hindi magkandaugaga.

Napailing na lang ako sa kalokohan nito. Binagtas ko na ang daan patungo sa loob ng bahay. Pagpasok ko sa may gate, aba! Nagmamasipag si Mia! Kailan ba ito naging mahilig sa mga halaman at ngayo'y dinidiligan pa niya? Feeling ko tuloy, biglang naging weird ang mga tao rito.

Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa loob ng mansyon. Pagkapasok ko palang, bumungad na sa akin ang bango ng niluluto ni Roxette. Amoy asado! Sarap! Si Ginny ay abala naman sa pag-aayos ng mga gagamitin namin mamaya sa lamesa habang si Arianne naman ay naghuhugas pa ng mga pinggan.

Naglakad ako patungo sa hagdan. Napansin ko si Ethan na nakaupo lang sa sala at nanonood mag-isa. Kailan pa siya naging loner? Sa pagkakaalam ko, gusto niyang laging may kasama dahil takot siyang mag-isa dahil pakiramdam niya, siya na lang ang tao sa mundo.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon