Chapter 62

148K 3.9K 559
                                    

Lumipas ang mga oras ngunit hindi pa rin bumababa si Arianne.

"Ginny, akala ko ba pupuntahan mo siya? Bakit hanggang ngayon eh hindi pa siya bumababa?" Untag dito ni Karlo.

"Ginising ko na siya kanina eh. Baka nakatulog ulit?" Paliwanag ni Ginny habang nakaupo silang pito sa may sopa.

"Check nga natin. Baka mamaya hindi na iyon magising haha!" Biro ni Kian at naglakad na sila patungo sa kinaroroonan ni Arianne.

Tila ba napatigagal silang lahat ng matatagpuan nila si Arianne na nakahandusay sa sahig at wala na ring buhay. Nagpanic si Ginny at naghuhumadaling tinakbo ang labi ng kaibigan.

"Arianne gumising ka! Hindi ka pa pwedeng mamatay!" Yugyog ni Ginny sa bangkay ng kaibigan. Halos tapik-tapikin na rin niya ang pisngi nito pero wala na talaga. Sumalangit na siya.

Sa paglapit ng kaniyang mga kaklase, isang malutong na sampal ang natanggap niya mula kay Agatha. Nagdulot ito para malugmok siya sa sahig.

"Bakit mo ginawa sa kaniya iyon Agatha?" Pagpigil dito ni Xiara. Wari mo'y nababalutan ng galit itong si Agatha.

"Hindi pa ba sapat ang ebidensya guys? Bumubula ang bibig ni Arianne so ibig sabihin ay nilason siya! Si Ginny lang naman ang may dalang inumin noong umakyat siya! Ang baso sa may lamesa ang ebidensya!" Pagduduldulan dito ni Agatha. Tanging pagsusumamo lang ang ginawa ni Ginny at tinatanggap ang bawat masasakit na paratang sa kaniya.

"Hindi lang naman si Ginny ang umalis kanina ah! Xiara, Agatha at Kian! Kayo! Umalis din kayo hindi ba?" Pagtatanggol ni Karlo sa dalaga. Yakap-yakap niya ito ngayon.

"Oo umalis nga ako! Nagpunta ako sa may comfort room! Tanungin niyo man si Mark! Tsaka hindi naman umakyat sa taas kaya hindi niyo ako maaaring paratangan." Pagtatanggol ni Kian sa sarili.

"Magkasama kami ni Xiara na umakyat sa taas patungo sa aming silid kaya hindi niyo kami maaari ring paratangan. Tsaka nauna kaming nakababa ni Xiara kaysa kay Ginny!" Pahayag ni Agatha na nagngingitngit sa galit.

"Oo nga Ginny, ang tagal mong bumaba. May iba ka pa bang pinuntahan?" Mahinahong tanong ni Ethan.

"Oo! Tinungo ko muna ang aming silid para kuhanin ang isang importanteng bagay." Paliwanag ni Ginny habang pinupunasan ang kaniyang luha.

"Importanteng bagay? Ano naman iyon?" Paninita ni Agatha habang siya'y nakapameywang sa harapan ng dalaga.

"Itong kwintas na suot ko ngayon." Turo niya sa suot niyang kwintas na may nakalagay na (xGinnyx).

"Napakahalaga sa akin ng kwintas na ito. Lalo na yung taong nagbigay sa akin nito. Nakakalungkot lang dahil nagkasira kami dahil sa mga chismis sa paligid. Sana nga eh mapatawad na niya ako at magkabati na kami ulit." Turan niya. Hindi niya naiwasang huwag maiyak lalo pa't naalala na naman niya yung taong nagbigay sa kaniya nung kwintas na iyon.

"Kahit na ano pa man iyan, mas makakabuti kung ikukulong muna natin si Ginny sa kwarto nila ni Arianne. Hindi natin sila papalabasin. Ikakandado natin ito para hindi siya makalabas." Suhestiyon ni Agatha.

"Hindi makatarungan iyan! Paano kung hindi naman pala talaga siya ang killer?" Pagpigil dito ni Karlo.

"Kung hindi nga talaga siya, ade papalabasin na natin siya." Mataray na sambit ng dalaga.

"Wala kang karapatan na magdesisyon ng ganiyan! Pamamahay nila ito!" Pagsupla rito ni Karlo.

Talaga nga namang tumitindi ang tensyon sa pagitan nina Agatha at Karlo. Habang si Ginny ay nagdaramdam pa rin. Tanging pag-awat lang ang kayang gawin ng apat.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon