Roxette's POV
Nagising ako sa mga malalakas na pagpalahaw na sigaw na hindi ko alam kung saan ba nanggaling. Hindi muna ako natulog sa kwarto namin ni Mark dahil nahihiya ako sa nasaksihan niya kanina kaya heto ako, nakikisiksik sa higaan nina Ginny at Arianne.
Dahil sa likot nilang matulog na dalawa, hindi ako makatulog ng mahimbing. Para bang ako lang ang nakakarinig ng malalakas na sigaw ng isang babae at lalaki. Hindi kaya may biniktima na naman ang killer? Huwag naman sana.
Tumayo kaagad ako sa kinahihigaan ko at binagtas ang daan patungo sa kitchen upang uminom ng tubig at para hanapin kung saan nanggagaling yung sigaw. Pababa pa lamang ako sa hagdan pero nawala na kaagad yung mga sigawan kaya hindi ko na matunton kung saan nga ba ito nanggagaling.
Minabuti ko na lang na pumunta sa kusina para uminom ng tubig gayong nasira na ang aking tulog at mukhang hindi na ako inaantok. Pagkarating ko sa aking destinasyon, naging payapa na ang paligid. Nakakabingi na ang katahimikang bumabalot sa loob ng mansiyon.
"Alas-dos na pala? Ang bilis nga naman ng oras at ika-siyam na araw na namin dito sa isla." Wika ko sa aking sarili ng ako'y mapatingin sa wall clock na nagsusumigaw sa laki.
Kaagad akong kumuha ng baso at tubig na malamig sa may ref. Hindi naman ako singer para pangalagaan ng mabuti ang aking boses kaya okay lang kahit gaano pa kalamig ang tubig na aking inumin tsaka masarap kaya kung may yelo pa.
"Hhmm lamig lang! Kasarap!" Wika ko pagka-inom ng tubig at nilagay ko ang aking pinag-inuman sa may sink.
Naupo muna ako sa kusina habang nagmumuni-muni at pinagninilayan ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Isang mabigat na yabag ang aking narinig na paparating kaya napatigil ako sa aking pagmumuni. Minabuti kong magtago sa sulok ng pinto sa kusina dahil malakas ang kutob ko na may ginawa na naman yung killer.
Naghihintay ako ng yabag na papalapit kaso bigla itong nawala bigla. Para bang natunugan niyang may taong maaaring makabuko sa kaniya kaya may naisip siyang paraan para mataguan ako. Makalipas ang sampung minuto, wala pa rin kaya minabuti ko ng lumabas sa pinagtataguan ko.
"Hay, nakaligtas ako sa killer! Mabuti na lang, kung hindi, baka ako na ang sinunod niyang biktima." Buntong-hininga ko habang nakahawak sa aking dibdib.
"Maaari kayang may nabiktima na naman siya? Oh my! Isang lalaki at isang babae ang naririnig kong sumisigaw kanina! Pinatay niya na kaya ang mga ito? Pero sino?" Wika ko sa aking sarili habang binabaybay ang daan patungong hagdan. Nakakaisang hakbang pa lang ako sa hagdan ng biglang may humataw na matigas na bagay sa aking ulo kaya nawalan ako bigla ng malay.
-----
"Tulong! Tulungan niyo ako!" Wika ng isang babae na tinatangay ng malakas na agos ng tubig.
"Tulong please!" Sigaw pa ulit nito at dahil sa malakas na agos at hindi siya marunong lumanggoy ay pumailalim siya kaagad sa tubig.
Biglang naiba ang dimensyon kinalulugdan ko. Bigla akong napunta sa isang lugar na puro puti at payapa. Patay na ba ako? Nasa langit na kaya ako? Huwag naman sana. Isang babaeng nakaputi ang nagpakita sa akin bigla at kilala ko siya, siya yung white lady!
"Welcome sa mundo ng mga namayapa." Mahinahong wika niya. Ang ganda niya! Para siyang diyosa! Ngayon ko lang nakita ang mukha ni white lady at mukha siyang pamilyar sa akin pero hindi ko na matandaan kung saan ko siya nakita.
"Patay na po ba ako kaya ako nandito?" Tanong ko sa kaniya na may halong pagkamangha. Ang ganda talaga ng lugar na ito.
"Hindi ka pa patay Rox, naglakbay lang ang iyong diwa rito at ako mismo ang nagdala sayo rito kaya huwag kang mangamba, buhay ka pa." Aniya ng nakangiti. Labis ang aking kasiyahan gayong nalaman kong hindi pa ako patay.
"Eh bakit niyo naman po ako dinala rito? Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ko.
"Nais ko lang magbigay sa inyo ng babala ngunit hindi niyo ako naiintindihan kaya ako na mismo ang lumapit sa iyo dahil binabalewala lang nila ang aking babala. Ngayon, ikaw na ang magsabi sa kanila at malamang hindi kayo ligtas at walang kasiguraduhan ang inyong mga buhay kaya mag-ingat kayo." Aniya.
May nais pa sana akong sabihin at itanong sa kaniya kaso bigla na lamang siyang naglaho sa aking harapan at pakiramdam ko ay mayroong pwersang humihila sa akin pabalik.
"Uy Roxette, gumising ka!" Wika ni Arianne na yumuyugyog sa aking katawan. Pagmulat ko ng aking mga mata, pinapalibutan ako ng mga kaklase namin.
"Anong nangyari sa amin?" Tanong ko pagkatayo ko sa aking pagkakahiga sa sahig. "Ay umaga na pala?" Dugtong ko pa at ako'y naghikab.
"Ano bang ginagawa mo rito? At bakit parang dito ka natulog?" Tanong ni Ginny na may halong pag-aalala.
"Ah eh, uminom kasi ako ng tubig kagabi tapos inantok ako, hindi ko namalayan na dito pala ako nakatulog ahehe!" Pagsisinungaling ko. Nais ko sanang sabihin sa kanila ang totoo kaso napagtanto ko na huwag na muna.
"Mabuti na lang at ligtas ka! Pinag-alala mo ako!" Wika ni Ethan sabay yakap sa akin. Ewan ko ba, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at para akong kinakabahan, mahal ko na ba siya?
"Uy ang sweet! Hiyang-hiya naman kami sa paglalampungan niyo! Umagang-umaga eh!" Wika ni Mia na may halong pagkabitter.
Kumalas kaagad ako sa yakap ni Ethan at kaagad na tumayo. Nagdiretsuhan na sila sa may kusina habang patungo na rin kami roon. Medyo nasa hulihan kami ni Ethan. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. Gusto ko sanang tanggalin pero may part sa akin na nagsasabing hayaan ko na lang. May pagkasweet kasi itong si Ethan kaya hindi malayong mahulog din ako sa kaniya.
"Yuck ewwness!" Sigaw ni Tin na halos magkandasuka na sa diri ng kaniyang makita.
Nagtakbuhan kaming lahat sa kusina at tumambad sa amin ang mga lintang patay at bituka ng tao na nakasalansan sa may lamesa. Halos masuka-suka ang lahat sa aming nadatnan.
"May namatay na naman." Wika ni Agatha na nakapameywang lang at iiling-iling.
"Guys, wala na sina Nikka at Jerome. Patay na sila ng madatnan ko sila sa kanilang kwarto." Wika ni Karlo na parang binayubay sa sama ng loob.
"Letter L para kay Nikka at letter I para kay Jerome." Dugtong pa niya.
"Oh my! Why oh why! May dalawang pinatay kaagad yung killer!" Wika ni Tin na maluha-luha sa sama ng loob.
"L means Leech and I means Intestine. Iyon ang death word nila base na rin sa clue na iniwan ng killer dito sa lamesa." Wika ni Agatha.
"Boys, alam niyo na ang inyong gagawin." Dugtong pa ni Agatha at ginawa na nga ng kalalakihan kung saan dapat dalhin yung bangkay ng dalawa.
"So ang ibig sabihin, labing dalawa na lang tayong natitira dito? Ano ba ang dapat nating gawin para makasurvive?" Tanong ni Xiara na ngayo'y nanlulumo na rin.
"Wala tayong ibang maaaring gawin kung hindi ang mag-ingat at protektahan ang ating sarili upang hindi tayo malaglag sa bitag ng killer." Wika ko habang hinahagod ang likuran niya. Alam kong takot na ang bawat-isa maski na ang mga lalaki dahil any moment, maaari kaming mawala na ng lubusan sa mundong ito.
"Konting tiis na lang guys dahil malapit na tayong makaraos dito. Ilang days na lang." Wika ni Mia na hindi namin alam kung tinutuya niya lang kami ng mapanloko niyang ngiti.
"Aba, kailan ka pa naging concern aber?" Bara sa kaniya ni Ginny.
"Ewan ko sa inyo!" Wika nito ay biglang nagwalk-out.
"Anyare dun?" Tanong ni Arianne na patay malisya na lang.
"Hayaan na muna natin siya." Wika ni Agatha at tinungo na lang naming lahat ang sala upang doon na lamang mag-agahan.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
TerrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...