Chapter 46

164K 4.1K 982
                                    

"Dion!" Sigaw ni Mark at agad na nilapitan ang kaibigang bumulagta sa sahig at wala ng buhay.

"Dion!" Sigaw naman nang iba na wari mo'y nag-aalala.

"Saan naman galing yung putok ng baril? Wala namang may hawak sa atin ah?" Tanong ni Roxette na nagpapalinga-linga sa paligid.

"Ayun yung baril!" Turo ni Arianne sa may uwang sa may ding-ding.

Ang baril ay nakatali sa may pasilyo ng ding-ding. Hindi nila lubos maisip kung paano iyon pumutok ng hindi hinahawakan ng killer. At higit sa lahat, bakit nila hindi ito napansin.

Agad silang nag-inspeksyon sa may paligid para alamin kung anong tricks ang maaaring ginamit ng killer.

"Guys! May pisi akong natagpuan dito sa may sahig." Wika ni Tom at ipinakita sa kaniyang mga kasama ito.

Inabot naman ni Ethan ang baril sa may pasilyo ng ding-ding upang inspeksyunin ito.

"Hindi naman ito malalagyan ng timer ng killer eh. Ordinaryong baril lamang ito." Aniya habang binubusisi ito.

"Patingin nga ako." Wika ni Agatha at kinuha ito kay Ethan at binusisi rin.

"Guys, tama nga ang hinala ko. Tingnan niyo ito." Wika niya at ipinakita ang gatilyo ng baril na may marka ng pisi.

"Maaaring nakatali dito ang pisi. Sa oras na hatakin ng killer yung pisi, puputok yung baril at saktong nakatayo pa si Dion kaya sa ulo niya ito mismo tumama." Paliwanag nito sa mga kasamahan.

"Eh kung gayon, sa paghatak ng killer ng pisi, maaaring magmarka ito sa kaniyang kamay right? Kaya mas maganda siguro kung inspeksyunin natin ang kamay ng bawat-isa." Suhestiyon ni Nikka.

"Agree ako sayo Niks!" Segunda ni Jerome at inakbayan ito na nagbigay kilig sa dalaga.

Ganun nga ang ginawa nila, pero sa kanilang pag-iinspeksyon, wala silang nakitang bakas ng pisi sa kamay ng kahit na sino sa kanila.

"Sayang talaga! Ayun na eh! Sasabihin na ni Dion kung sino ang killer pero naunsyami naman." Banas na wika ni Xiara at napapadyak pa sa sahig.

"It's ok Xiara, we can figure out pa rin naman kung sino ang killer eh basta trust lang don't lose hope okay?" Pangungumbinsi rito ni Tin.

"Sino ba ang malapit sa may ding-ding kanina? Diba si Mia? Kaya may chance na siya ang killer!" Paninisi rito ni Ginny habang nakaduro sa walang muwang na dalaga.

"Ako pa talaga? Aba Ginny! Ako na naman ang nakita mo! Bakit ba ang init ng dugo mo sa akin?" Inis na sambit ni Mia.

"Kasi, ikaw lang naman ang hindi katiwa-tiwala rito eh! Tsaka ikaw lang naman ang galit sa lahat!" Anito.

"Bakit? Patunayan mo nga! Wala kang pruweba! At hindi ako killer! Isa pa, sa inyong pamamahay ito kaya maaaring ikaw ang killer!" Segunda nito na ikinainit ng dugo ng dalaga.

"Kung ano ang puno, siya rin ang bunga! Dahil sa panunukso namin sayo niyan, galit na galit ka sa buong seksyon natin! Diba? At kung ako ang killer, binomba ko na lang sana kayo para sabay-sabay na." Anito at halos nangigigil na sa pagmumukha ni Mia. Nais na nga niya itong lamirutin sa sobrang pangigigil.

"Oo! Killer ang Nanay ko! Pero ang pagbibintang niyan sa akin, ang sakit! Hindi ko lubos maisip na ganiyan pala ang tingin mo sa akin! Oo aaminin ko, galit ako sa buong seksyon natin noon, pero pinatawad ko na kayong lahat!" Wika ni Mia na ngayo'y nababalot ng kapighatian. Ramdam mo ang bawat salitang kaniyang binibitiwan. At sakit, at pait ng kaniyang nakaraan ay nananariwa sa kaniya ngayon.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon