Chapter 42

170K 4.2K 774
                                    

Hannah's POV

Ang sarap pala talaga magkaroon ng maraming kaibigan. Yung tipong lagi lang silang nandiyan sa iyong tabi para pasiyahin ka tuwing may problema ka, sandigan mo at kabalikat mo.

Hindi ko iyon naramdaman noong high school pa lamang ako. Lagi nga nila akong nilalayuan noon dahil maarte raw ako porket rich kid.

Kahit na mayaman kami, hindi pa rin ako masaya dahil kulang ako sa pagkalinga ng aking mga magulang. Lagi kasi silang busy sa trabaho nila kaya si Yaya Paloma ang nagsilbing pangalawang magulang ko.

Nakuntento na ako noon kahit mag-isa ako lagi tuwing lunch namin, vacant, para akong black sheep.

Aaminin ko, kahit na maldita ako eh may bait pa rin naman ako sa katawan. Hindi naman ako masamang tao.

Pinagsisisihan ko nga ang mga nagawa ko ngayong Kolehiyo dahil sinulot ko ang boyfriend ng kaklase ko na itinuring ko na ring kaibigan.

Ewan ko ba, pagdating sa love, wala akong pakialam sa nararamdaman ng ibang tao. As long as masaya ako, ade go! At dahil doon, nakasakit ako ng damdamin ng iba.

Gusto kong magsorry sa kaniya sa kasalanang nagawa ko noon pero inuunahan ako ng takot. Takot na harapin siya ng kami lang dalawa. Takot na magkasakitan kami. At higit sa lahat, magkasira kami na ngayon ay sirang-sira na.

Hindi ako nag-isip noong mga panahong iyon. Nagpabulag ako sa bugso ng aking damdamin. I hope soon, mapatawad niya na ako.

Masaya kami dahil nakasurvive kaming lahat kahapon. Walang namatay sa amin kaya ipinagdiwang namin iyon.

Ika-anim na araw na namin dito ngayon. Walong araw pa ng pagtitiis at pakikibaka na makaligtas ka at makakauwi na kami sa kaniya-kaniya naming tahanan.

Balak ko ngang one of this days, mag heart to heart talk ako sa kaniya para humingi ng kapatawaran sa aking nagawang kasalanan. Alam kong hindi niya ako mapapatawad pero hindi ako susuko hangga't hindi kami nagkakaayos.

Habang naglalakad ako sa labas, nakasalubong ko si Jake.

Ang bait-bait nga ni Jake eh. Sa sobrang bait, siya ang laging nagpaparaya. Hindi kagaya ko, selfish.

Nang magpaalam na ako sa kaniya, hindi ko napansin na may patibong palang nagbabadya sa aking daraanan. Ayun, nabitin ako patiwarik. Salamat kay Jake at tinulungan niya ako kaso nawalan ako ng malay.

Nagising ako sa pagpalahaw ni Jake ng sigaw. Gustuhin ko man siyang tulungan sa pagpapahirap sa kaniya ng killer, hindi ko magawa. Talaga ngang hanggang dito na lang ang buhay namin.

Naiyak na lamang ako ng tuluyan na niyang wakasan ang buhay ni Jake. I'm so hopeless now. Wala na akong makitang pag-asa para mabuhay pa.

"Alam kong gising ka na kaya ikaw na ang susunod! Haha!" Wika niya habang papalapit sa akin.

Tinanggal niya ang busal sa aking bibig. Mas lalo akong naiyak dahil sasapitin ko na kung ano ang sinapit ni Jake.

"Are you ready to die?" Tanong niya. Alam kong masama ang loob niya sa akin dahil sa nagawa ko sa kaniya.

"Sorry! Patawarin mo ako sa pang-aagaw ko kay Kian. Sana mapatawad mo man lang ako bago mo ako patayin." Wika ko habang patuloy ako sa paghikbi.

Sa ngayon, takot at pangamba ang aking nararamdaman. Takot na mamatay at nangangamba ako na mamatay ng hindi pa rin niya ako napapatawad.

"Sa tingin mo ba ay ganun-ganun na lang iyon ah? Alam mo ba kung gaano kasakit maagawan ng mahal mo?" Wika niya habang umiiyak. Ramdam ko ang hinanakit at pighati sa bawat salitang kaniyang binibitawan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon