Chapter 30

217K 5.1K 1.1K
                                    

Roxette's POV

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makausap ng matino sina Ginny at Arianne kaya napagpasyahan kong kausapin na lang ang Bestfriend kong si Joan.

Nakakamiss din ang pagkakaryuan naming dalawa. Halos yata sa lahat ng bagay ay nagkakasundo kami eh. Partners in Crime yata kami niyan. Ang pinagkaiba lang namin ay hindi ako Chismosa na kagaya niya! Hehe!

Bilib din ako sa kaniya dahil kahit na marami siyang problema, hindi ito ang nagiging dahilan para sumuko sa buhay. Nginigitian lang niyan ang problema kahit hirap na hirap na siya.

Ang paborito nga niyang linya eh "Kaya iyan!" Ang word na iyan ang nagpapalakas sa kaniyang loob para harapin ang mga problemang kinakaharap niya. Kaya sa tuwing nawawalan ako ng pag-asa, sasabihin niyang "Kaya iyan!" Kaya mas lalong lumalakas ang aking paniniwala na magagawa ko ang isang bagay kahit na mahirap.

Pinuntahan ko ang kwarto nila ni Nikka ngunit sabi nito ay wala ito doon. Kaya tinungo ko naman ang kwarto ni Dion at Aaron.

"Tok! Tok! Tok! Dion, nandiyan ba si Joan?" Ani ko.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang boyfriend ng aking kaibigan.

"Wala siya rito Rox eh. Baka nandiyan lang iyon sa tabi-tabi. Alam mo namang parang kiti-kiti iyon eh. Kung saan-saan nagsususuot." Wika niya.

"Ah okay sige salamat! Hihintayin ko na lang siya dito sa may sala hehe." Ani ko at tinungo ang sala.

At dahil nauhaw ako, dumiretso na muna ako sa may Kitchen para uminom ng tubig.

Pagkakuha ko ng baso ay hinawakan ko ito at binuksan yung ref para kumuha ng tubig. Hindi ko alam pero parang biglang dumulas ang aking kamay kaya nabitawan ko ang basong hawak ko at nabasag ito.

"Naku Rox, masama ibig sabihin niyan! Baka mayroong namatay na malapit sayo." Wika ni Nikka habang naghuhugas ng aming pinagkainan kanina.

"Ano ka ba Nikka! Hindi totoo yung mga pamahiin na iyan!" Wika ko habang winawalis ang bubog sa sahig. Aaminin ko, kinabahan ako sa kaniyang tinuran pero sana, huwag naman.

Nang makainom na ako eh dumiretso na ako sa sala at nanood. Sa aking paghihintay, hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

"Ahhhh!" May narinig akong sigaw sa may kusina kaya nagising akong bigla. Mayroon na naman kayang nangyaring hindi maganda?

Tinungo ko ang Kitchen at nagkakagulo silang lahat. May nangyayari na namang hindi maganda. Possible kayang may namatay na naman?

"Anong nangyari dito guys?" Tanong ko. Tumingin silang lahat sa akin pero ang pumukaw ng atensiyon ko ay si Mia na nakayapos sa aking minamahal.

Why o why? Nagseselos ba ako dahil nakita kong nakayakap si Mia kay Mark na para bang takot na takot? Oo nga! Nagseselos nga ako!

Lalapitan ko na sana sina Mia at Mark ng mapukaw ang atensiyon ko bigla ng bagay sa may lamesa. Hindi ko kasi suot ang salamin ko ngayon kaya hindi ko maaninaw ang bagay na iyon kaya ng maisuot ko ang aking salamin, napahinto ako sa aking paglalakad.

Isang utak ng tao ang nakalagay sa pinggan na para bang inihahain ito sa amin. Bigla akong kinabahan dahil hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon si Joan.

Biglang pumasok sa isipan ko at pilit na inaalala ang letrang pinanghahawakan niya.

"Oh no! Letter U! Hindi ito totoo! Hindi maaari!" Wika ko at biglang nawalan ng gana ang aking tuhod kaya napaluhod na lamang ako sa aking pwesto ngayon.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon