Chapter 45

154K 3.9K 541
                                    

Dion's POV

Akala ko nung una, ang sarap magmahal lalo pa't mahal ka rin ng taong mahal mo pero pinaasa niya lang ako hanggang sa maging patapon na ang buhay ko.

Minsan na akong umibig sa maling tao at natutunan ko na ang lahat ng gusto mo ay makukuha mo, kailangan mo ring maghintay lalo na sa pagmamahal.

Sa mga oras na parang patapon na ang buhay ko, si Joan lamang ang naging sandigan ko. Siya ang dumamay sa gitna ng pagdadalamhati ko hanggang sa mapawi niya ang sakit na idinulot ng pagmamahal ko kay Abi.

Hindi ko alam kung paano ko nagustuhan si Joan. Basta, naramdaman ko na lang na masaya ako tuwing kasama ko siya hanggang siya na lagi ang laman ng isipan ko yung tipong hinahanap-hanap ba.

Si Joan ang babae na kakaiba sa lahat ng mga babae sapagkat wala siyang burloloy sa katawan, hindi niya naisipang gumamit ng kolorete, hindi maarte at higit sa lahat, komedyante.

Dahil sa angking galing sa pagpapatawa, hindi ko nararamdaman ang kalungkutan. Tanging kasiyahan lamang ang dala niya na ikinatutuwa ko naman.

Kaya nung araw na magtapat ako ng aking tunay na damdamin sa kaniya, kabado ako sapagkat hindi ako sigurado kung mahal niya rin ako. Hindi mo kasi siya mababasa, magaling magtago sa kaniyang maskara.

Laking tuwa ko ng sagutin niya ako, walang mapaglagyan ang tuwa't ligaya sa aking puso. Ako na yata ang pinakamasayang tao nung araw na iyon at halos ipagsigawan ko pa sa buong mundo na mahal ko siya.

Gayon na lamang ang aking kasiyahan ng sa wakas, mahal din ako ng taong mahal ko. Hindi na ako umiibig ng mag-isa sapagkat may nagmamahal na rin sa akin. Ipinaramdam ko talaga sa kaniya kung gaano ako kaseryoso sa kaniya. Bawat oras na magkasama kami, pinapadama ko na mahal ko siya.

Akala ko, sa pagsama namin sa barkada trip na ito, mas marami pang memories ang mabubuo namin. More bonding moments at kung anu-ano pa. Iyon pala, dito mapuputol ang aming kaligayahan.

Sa kaniyang pagkamatay, daig ko pa ang nawalan ng isang kapamilya. Lubos-lubos ang pagdadalamhati ko ng patayin ng killer na iyan si Joan. Lahat ng kaligayahan ko sa katawan ay nawala, sana ako na lang ang namatay at hindi siya.

Napakalaki naman ng galit niya sa amin at sa buong barkada. Mayroon ba kaming nagawa sa kaniya na dapat niyang ikagalit? Wala kasi siyang puso lalo na sa pagpatay sa bawat-isa sa amin. Para kaming mga insekto na basta niya lang ineexperimento.

Nung araw na hinahanap namin ang nawawalang katawan ni Joan, halos mawalan na ako ng pag-asa na makita pa ito. Hindi ko alam kung saan ito hahanapin. Napakalaki at lawak nitong isla, pero kahit na ganun, hindi pa rin ako nagpatinag.

Hanggang sa isang bodega ang aking nakita. Naamoy ko ang dugo na masangsang kaya hindi na ako nagdalawang-isip pa na tunguin ito kaagad. At tama nga ako, natagpuan ko rito ang walang buhay na si Joan.

Hindi muna ako masyadong nakikisawsaw at nangingialam sa mga pangyayaring nagaganap lalo na ang sunod-sunod na pagkamatay ng bawat-isa sa amin. Sa sobrang balisa, hinihintay ko na lang na kitilan ako ng buhay ng killer.

Madalas kong mapaginipan ang isang babaeng nakaputi na halos gabi-gabi sa aking pagtulog ay binabagabag niya ako.

"Tulong! Tulungan mo sila!"

"Tulong! Tulungan mo sila!"

"Tulong! Tulungan mo sila!" Sigaw niya sa aking panaginip.

Lagi niya akong binabagabag, ayaw niya akong tigilan hangga't hindi ako kumikilos. Ang pinagtataka ko, sino siya? Humihingi ba siya ng tulong? Hustisya ba ang nais niya? Sino ang nais niyang tulungan ko? Napakaraming tanong ang hindi ko mabigyan ng kasagutan.

Hanggang sa dinalaw na naman niya ako sa aking panaginip, may ipinakita siya sa aking silid na puro dugo na kung saan ay mukhang pamilyar sa akin. Hanggang sa ipakita niya ang bangkay roon ni Joan, ang bodega! Ano ang nais niyang gawin ko sa bodega.

Hindi ako makahinga. Para bang may sumasakal sa akin kaya nagising ako bigla. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita, hindi nga ako nagkakamali! May sumasakal sa akin! Isang babaeng nakaitim! Para bang galit na galit siya! Matindi ang poot na namamayani sa kaniyang aura!

Hindi na ako makahinga! Mauubusan na ako ng hangin. Nanghihina na ako. Hanggang sa isang babaeng nakaputi ang biglang nagpakita at pinigilan niya ang babaeng nakaitim na sumasakal sa akin. Hindi ako nagkakamali, siya yung babaeng nakaputi sa panaginip ko! At nawala na lang sila bigla sa aking harapan na parang bula.

Kinabukasan, napagtanto ko na balikan ang bodega na pumuntahan ko noon. Pagdating ko roon, nawindang ako sa aking nakita. Bihag ng killer sina Jake at Hannah.

Para akong punong natigang sa aking kinatatayuan ng aking masaksihan kung paano patayin ng killer sina Hannah at Jake. Naaawa ako sa kanila, hindi ko man lang sila natulungan para makawala sa kamay ng killer.

Heto pala ang nais iparating sa akin ng babaeng nakaputi. Ang tulungan sila! Pero hindi ko alam kung ano ang aking gagawin, sa sobrang taranta, may nasagi akong bagay na nagbigay pukaw sa killer na may nakamasid sa kaniya.

Dali-dali akong nagtatakbo palayo para makatakas. Hingal na hingal ako at hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ngayong kilala ko na kung sino ang killer, dapat ko na siyang pigilan sa kaniyang masamang balak.

Bumalik ako sa aking kwarto para mag-isip kung ano ba ang aking dapat gawin.

Maaari niya akong makilala dahil sa bodega ko noon natagpuan ang bangkay ni Joan. Malamang, nag-iisip na rin siya kung ano ba ang gagawin niya sa akin lalo na, ang paraan kung paano niya ako papatayin.

Balisa ako at pawang kinakabahan sa maaari niyang gawin sa akin. Minsan, iniisip ko kung gusto ko pa bang mabuhay o mamatay na lang at makasama sa kabilang buhay ang taong mahal ko. Naaawa rin ako sa mga kasama namin, gusto ko rin namang makatulong.

Sino kaya ang babaeng nakaputi na nagpapakita sa aking panaginip? Maaari kayang kaklase namin siya na nakakakilala sa killer? Naguguluhan ako. Pero nais ko na talagang matuldukan ang paghihirap namin kaya kailangan ko ng sabihin sa lahat kung sino ang killer.

Pero paano kung itanggi ng killer na siya talaga ang killer? Wala naman akong ebidensiya na magpapatunay na siya talaga ang killer. Pero kahit na, sa maniwala sila o hindi, sasabihin ko na talaga kung sino ang killer.

Kinagabihan, hindi ko magawang makatingin sa mata ng killer, batid kong tinitingnan niya ang bawat galaw ko kaya hindi ko masabi sa lahat na siya ang killer.

Kinabukasan, nagpatawag ng pulong si Mark sa may sala kaya nagkaroon na ako ng time para sabihin sa kanila ang aking nalalaman.

Sa sala, kaming lahat ay nagulat sa lahat ng sinabi niya sa amin. Ngayon, naglakas loob na ako na isiwalat kung sino ang killer.

"Ahm guys, may sasabihin ako sa inyo." Wika ko at napatayo ako bigla sa aking kinauupuan. Gusto ko ng tumigil siya sa pagpatay.

"Ano naman iyon Dion?" Tanong ni Mark habang nakaupo pa rin sa may sofa. Habang ang lahat ay nakatingin sa akin.

"Kilala ko na kung sino ang killer. Kailangan ng matigil ang kahibangan niya." Wika ko na higit na nababagabag dahil maaaring may binabalak na siyang masama sa akin o kaya naman ay patayin na lang siya ako bigla dito.

"Sino?" Tanong nilang lahat. Nagbutil-butil ang pawis ko na napakalamig.

"Ang killer ay si..."

"Bang!" Isang putok ng baril ang umalingawngaw at ito'y tumama sa ulo ni Dion na ngayo'y wala ng buhay.

Killer's POV

Malakas ang loob mo Dion! Akala mo ba ang maibubuking mo ang lihim ko? Hell no! Hahaha!

Nagpaplano ka palang ng hakbang, may naplano na ako! Kaya walang sinuman ang makakahadlang sa aking plano! Hahaha!

Lahat tayo ay sama-samang mamamatay dito! Walang makakaligtas sa bagsik ng Alphabet of Death! Haha!

Letter G was gone, 15 letters pa at magiging successful na ang lahat.

Be prepared!

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon