Chapter 54

170K 4K 648
                                    

Tin's POV

Ang tanga-tanga ko! Kung kailan huli na ang lahat ay doon ko lang napagtanto na mahal ko na siya! I can't believe na nakaya kong magpaasa ng tao and I hurt him dahil sa hindi ko pagpapahalaga sa kaniya.

I'm such a stupid girl playing the feelings of other people na wala namang kinalaman sa sinangkot kong gulo. Sorry Aaron, oo noong una ay wala akong feelings sayo at iyon ay dahil mahal ko si Jake.

Naiinis lang ako kay Jake dahil napakamanhid niya! Ginawa ko na ang lahat para mapansin niya ako but, I failed! Binalewala lang niya ang lahat ng iyon. At dahil doon, naisipan kong humanap ng boyfriend. And I got Aaron. I feel guilt sa tuwing magkasama kami dahil iniisip kong siya si Jake.

As the time goes by, mas nagiging close na kami ni Aaron at nagiging magkalayo na kami ng aking bestfriend. Ang saklap naman ng pinagdaraanan ko sa pag-ibig sapagkat hindi ako mahal ng taong mahal ko. Ewan ko ba sa kaniya kung torpe siya o manhid! Oh hanggang bestfriend lang talaga ang pagtingin niya sa akin? Hay, I'm confused na talaga sa panahon na iyon so I decided na layuan siya at ibaling ang aking atensyon kay Aaron.

Aaron is a sweet guy at napakacaring. Ang dami niyang effort na nais gawin ngunit binabalewala ko lang. Ako na siguro ang babaeng may pinakamagulong damdamin.

Dumating yung time na kapag kasama ko si Aaron ay nag-eenjoy ako at ayoko ng malayo pa sa tabi niya sa tuwing magkasama kami pero sa tuwing mag-isa naman ako, si Jake ang hinahanap-hanap ko. Basta, ang tanga-tanga ko. Isa akong malaking question mark na hindi mo maiintindihan.

Pagdating dito sa isla, unti-unting nagbago ang lahat dahil si Aaron na rin ang laging laman ng isipan ko. Kaibigan na lang talaga ang turing ko kay Jake.

Ngunit simula noong nagimbal kaming lahat sa pagpatay ng killer sa amin isa-isa, naging malayo ako kay Aaron at sa ibang tao ako sumasama dahil iniisip kung paano kapag ako na ang sunod? Paano na ang family ko? Ang pangarap ko? Kaya nagnilay-nilay ako noong mga panahon na iyon.

Nang mamatay si Jake, hindi ko napigilang sumabog ang aking emosyon. That time, I felt uncomfortable. Lalo na sa kalunos-lunos na sinapit ni Jake. Sawing-sawi ako nung mga panahong iyon, halos gusto ko ng magwala pero pinigilan ko ang sarili ko sapagkat nandoon si Aaron. Iniisip ko rin ang nararamdaman niya that time.

Bakas sa kaniyang mga mata ang matinding kalungkutan na para bang pinabayaan siya. Gusto ko ring yakapin si Aaron noon dahil alam kong nasasaktan siya deep inside. Hindi naman siya manhid para hindi niya maintindihan ang mga kinikilos ko.

Noong gabing iyon, hindi lang ako umiiyak dahil sa pagkamatay ni Jake dahil pakiramdam ko ay unti-unti ko ring pinapatay si Aaron deep inside. Then, I realized na mahal ko na nga si Aaron at hindi ko kakayanin kapag siya ang pinatay ng killer.

Ngunit huli na ang lahat, ngayong patay na si Aaron, hindi ko man lang naiparamdam sa kaniya kung ano ang tunay kong nararamdaman ngayon. Sising-sisi ako. Wala akong ibang magawa kung hindi ang humagulgol sa pag-iyak. I am weak pagdating sa mga taong malapit sa akin.

Mas lalo akong naiyak dahil kahit na madalas ko siyang balebawain ay ako pa rin talaga ang laman ng puso niya. Naantig ako sa sorpresa niyang cake para sa akin. Siguro kung buhay siya ngayon, baka niyaya ko na siyang magpakasal sa sobrang saya at pagmamahal na wagas na kahit sinuman ay walang makakapantay.

Nais ko na ring wakasan sana ang aking buhay dahil guilty ako. Namatay si Aaron nang dahil sa akin. Pero, pilit akong pinipigilan ng aking mga kasamahan na hindi sagot ang pagpapatiwakal para pagbayaran mo ang iyong kasalanan.

"Tin." Wika ng isang tinig na umaalingawngaw sa loob ng aking silid. Napakapit ako ng mahigpit sa kutson ng kama dahil nagmimistula echo ito na bumabalandra sa bawat pasilyo ng ding-ding.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon