Chapter 34

200K 4.7K 1.2K
                                    

Malamig ang simoy ng hangin. Halos lukubin na nito ang init na nagmumula sa ating katawan. Dahil dito, hindi na nakapagtimpi ni nakatiis pa si Tin at dumiretso na siya sa Kusina upang magtimpla ng kape.

"It's so cold naman yata ngayon? Unlike kahapon na very hot! What happen sa tag-init? Hay!" Wika niya habang nagtitimpla ng kape sa baba.

"Sadyang napuspos ng init ang aking tiyan ah! I feel na refresh na ulit ako." Aniya at dumiretso paakyat ng hagdan.

"You shoot me down, but I won't fall.. I am the titanium!" Kanta pa niya habang dahan-dahang inihahakbang ang kaniyang mga paa papaakyat habang tangan-tangan ang tasa na naglalaman ng kape sa kaniyang kaliwang kamay.

"Oh! Is that Henry? Ang early niya pala gumising?" Wika niya sa kaniyang sarili ng mapadako ang kaniyang tingin sa lalaking nakaupo sa may terrace habang tangan-tangan nito ang isang tasa. Minabuti niyang lapitan ito upang makipagkuwentuhan.

Naglakad siya papuntang terrace habang diretsong naglalakad. Hindi man lang siya nagpalinga-linga. Nang makarating siya rito, humawak siya sa may railings nito at dinama ang bawat pagdampi ng hangin sa kaniyang balat habang siya'y nakapikit.

"Alam mo ba Henry, hanga talaga ako sa angking katalinuhan mo. Akalain mo iyon? Halos maperfect mo yung Final Exam natin sa Integral Calculus! Unlike me, muntik pa akong bumagsak!" Pagsasalaysay niya habang nasa ganoon pa ring puwesto.

"Isa pa, maraming tao ang naiinis sa akin dahil ang arte ko raw magsalita. Social Climber daw ako na papansin like that." Dagdag pa niya at idinilat na niya ang kaniyang mata habang nakatingin pa rin sa langit. Hindi pa rin siya sumusulyap sa binata.

"At dahil doon, konti lang ang aking maituturing na kaibigan at ang buong seksyon lang natin iyon. Alam mo naman, sa panahon ngayon na marami ng plastik na nagkalat sa paligid kaya ingat-ingat din. Haha!" Aniya at humagalpak pa ng tawa. Napansin niyang hindi man lang kumikibo ang binata kaya naisip niyang hindi ito interesado sa ikinukwento niya kaya naisipan niyang magtanong na lang.

"Ikaw? Magkuwento ka naman about sayo." Wika niya at dahan-dahang nilingon ang binata.

Nagulat siya at tila nandilat bigla ang kaniyang mata at napanganga siya bigla sa kaniyang nakita. Siya'y tila naumid at bigla na lang niyang nabitawan ang hawak niyang tasa kaya nalaglag ito sa sahig at nabasag.

Wari mong mahirap talaga ang pinagdaanan ng binata lalo na sa kalunos-lunos niyang pagkamatay.

Napatakip na lang bigla ang dalaga sa kaniyang bibig at napaupo sa sahig. Ramdam niyang patay na ang binata sapagkat dumadaloy ang dugo mula sa butas sa kaniyang noo pababa sa pisngi nito. Nakita niya rin ang kamay nito na butas sa gitna sa mismong palad na wari mong ipinako ito sa Krus. Dilat na dilat din ang mga mata nito na nakatitig sa kaniya.

Napaurong at napasandal na lamang siya sa may railings habang nanginginig sa takot. Nais niyang sumigaw kaso parang may pumipigil sa kaniya.

"Good Morning Tin!" Bati ni Mia pagkalabas nito sa kaniyang silid at nag-inat-inat pa. Napansin nitong balisa si Tin kaya minabuti na niyang lapitan ito.

"Uy Tin! Okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo ah!" Wika nito habang naglalakad papalapit sa dalaga.

"Oh my God!" Wika ni Mia ng makita ang walang buhay na si Henry na nakaupo. Napahawak siya sa kaniyang dibdib na parang biglang kumirot at bigla na lamang siya bumagsak sa sahig at nawalan ng malay.

"Mia!" Sigaw ni Tin at nilapitan niya ito at humingin ng tulong.

"Tulong!" Sigaw niya at isa-isang nagdatingan ang kaniyang kasamahan.

Alphabet of Death (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon