Roxette's POV
Sa paglisan ni Arianne, para ba akong hinagisan ng limampung sibat ngayon dito sa aking kinararatayan. Masakit para sa akin ang pagkawala niya. Ang higit ko lang na ikinatatangis ay kung bakit ba siya pa? Pwede namang ako na lang hindi ba? Ako ba ang malas sa samahan naming magkakaklase? Sa pagkakaalam ko kasi noon ay close na close pa sila sa isa't isa noong wala pa ako.
Kamusta na kaya yung iba? Nasa mabuti kaya silang kalagayan? I hope so. Kailangan kong malaman kung sino ba talaga ang killer. Kailangan kong makawala dito para matulungan ko ang iba kong kasamahan. Pero paano?
Minsan nga naiisip kong sumuko na lang. Hayaang makaharap kung ano bang buhay ang nararapat sa akin. Kung mabubuhay ba ako o katapusan ko na. Hindi ko rin alam kung handa na nga ba ako o hindi pa. Pero kung plano talaga ni God na mawala na ako, at kung nagampanan ko nga kaya ang misyon ko rito sa lupa, siguro pwede na niya talaga akong kuhanin.
Kung aking iisipin kung paano ba ako papatayin ng killer, ayun ang hindi ko lang alam. Minsan nga para nakakatakot na makaharap siya kahit na kakilala mo siya kasi nga, alam mo sa sarili mong wala kang laban sa kaniya. Paano kaya kung ka-close ko pala siya? Yung taong hindi mo inaasahang gawin yung ganoong bagay ay magagawa niya?
Marami na akong pinaghinalaan na killer. Pero nababalutan pa rin ng agam-agam yung puso ko. Alam kong maling manghusga ng tao, pero sa sitwasyon talaga namin ngayon, hindi mo na alam kung sino ba ang dapat mong pagkatiwalaan.
Natigil ako sa aking pagmumuni-muni nang biglang magliwanag ang paligid. Kung kanina ay nababalot ito ng dilim, ngayon naman ay nakakasilaw na ang paligid. Hindi ko halos maibuka ang aking mga mata dahil matindi pa sa sikat ng araw ang tinataglay nitong liwanag.
Maya-maya pa, medyo makakamulat ka na. Pero hindi ko inaasahan na para bang nagbukas ang langit sa nakikita ko ngayon. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin nito. Isa lang ang sumagi sa aking isipan, maaaring may susundo na sa akin dahil katapusan ko.
Imbes na patuloy kong imulat ang aking mata, mas minabuti ko na lamang na pumikit. Nangangamba kasi ako na oras ko na. Kung mawawala man ako ngayon, mas nanaisin kong hindi ko masyado itong nasasaksihan. Ngunit isang boses ang talagang nagpamulat sa akin.
"Roxette, ang natitirang pag-asa." Sambit niya. Pamilyar sa akin yung boses na iyon kaya dulot ng kuryosidad, iminulat ko ang aking mga mata.
Nagulat ako sa nasasaksihan ko ngayon. Si Ethel ay muling nagbabalik at bumababa siya ngayon mula sa langit. Natututwa ako sa kaniyang pagbabalik pero dahil sa tinuran niya, mas lalo akong napa-isip kung ano ang kailangan niya sa akin.
"Anong kailangan mo sa akin? At ano ang sinasabi mong ako na lang ang natitirang pag-asa?" Naguguluhan kong tanong. Halos mapangiwi na ako dahil nangangalay na ang buo kong katawan. Isang ngiti lang ang isinukli niya sa akin.
"Bukod kay Arianne, ikaw lang ang nag-iisang taong napipisil kong maaaring pumigil sa masamang binabalak ng kapatid ko." Paliwanag niya. Halos mapawi ang lahat ng sakit na aking iniinda noong marinig ko ang katagang iyon.
"Kapatid? Kapatid mo ang killer?" Tanong ko na medyo mapang-uyam.
"Oo tama ka sa iyong narinig. Ako ay muling nagbalik dito para pigilan ang aking kapatid. Hindi na niya alam ang kaniyang ginagawa. Halos nagpabulag siya sa poot na kaniyang kinikimkim. Kung hindi niya lang nabasa ang libro ni Ate, tiyak na hindi siya magkakaganito." Pagpapaliwanag niya. Halos manlaki ang aking mata sa aking mga narinig. Tila ba hindi ako makapaniwala.
"Dahil sa poot na kinimkim noon ni Ate Helga, gumawa siya ng libro na pinamagatan niyang Alphabet of Death. Nakasulat doon kung paano niya nais patayin ang mga taong kinapopootan niya. Dulot ng depresyon, nagpakamatay siya. Pero bago siya mamatay, sinumpa niya ang libro. Magbabalik daw siya para maghiganti at tulungan ang taong gagamit nito. Ngayon, nagbalik nga siya at siya ang Black Lady." Paglalahad ni Ethel.
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...