Mark's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto, maaga sigurong nagising si Roxette kaya wala na siya rito sa tabi ko. Yup, tama kayo ng rinig, magkatabi pa rin kami ni Rox matulog kaya masaya ako.
Habang nakahiga, hindi ko maiwasan pagnilay-nilayan ang mga nangyari sa amin dito.
Ika-pitong araw na namin dito pero sampu na sa aking mga kaibigan/kaklase ang pinatay ng killer. Hanggang ngayon, wala pa rin kaming magawa para mahuli ang killer. Hindi namin alam kung paano siya iiwasan. Para kaming mga ipis na basta-basta na lang niyang ginaganun. Mga wala kaming laban kaya nadadaig niya kami. Ano ang kaniyang dahilan para patayin kami?
Hustisya ang aming hinihiling para sa mga kaklase/kaibigan namin na pinaslang niya na. Hindi makatarungan ang ginagawa niya sa amin. Kailangan niyang pagbayaran ang lahat-lahat.
Si Mae, tahimik iyan pero maloko pala. Hindi ko man lang siya nakabonding ni minsan na kaming dalawa lang but still, naaawa ako sa kaniya lalo na sa pagdukot ng killer sa puso niya.
Si Adrian, ang pasimuno ng lahat ng kalokohan kaya laging napspagalitan ang seksiyon namin ngunit, enjoy pa rin kahit ganun. Masaklap din ang ginawa ng killer sa kaniya. Sinunog siya, mabuti na lang at hindi siya ginawang abo.
Si Abi, magiging ganap na ina pa naman siya pero naudlot iyon ng kitilin ng killer ang kaniyang buhay. Naaawa ako sa baby na wala pang muwang sa kaniyang sinapupunan. Hindi niya tuloy nakita kung gaano kaganda ang mundong ibabaw. Palaisipan pa rin sa akin kung ang gumahasa sa kaniya at ang killer ay iisa.
Si Ramil, isa sa mga katoto ko. Mahirap ding unawain ang isang iyan. Magaling magtago ng emosyon. May pagkabipolar din minsan. Hindi ako naniniwalang kaya niyang magpatiwakal ng basta-basta. Tiyak na ang killer ang may gawa noon sa kaniya.
Si Joan, ang pinakamadaldal na babaeng nakilala. Siya ang signal. Ang lahat ng tsismis at balita ay alam. Ang bff ng mahal ko na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin naaamin sa kaniya ang tunay kong nararamdaman. Ang brutal ng pagkamatay niya. Ihain daw ba sa hapag-kainan ang utak nito, nakakabaligtad tuloy ng sikmura.
Si Henry, ang talino niya ay walang kapantay. Ang panlaban ng aming seksiyon pagdating sa akademiks. Para siya ipinako sa krus sa pagbutas ng killer sa kaniyang noo, paa at kamay. Ang sakit nun!
Si Grace, ang pbb teens sa amin. Kunwari pang mabait pero ipapakita niya rin pala ang totoo niyang ugali. Marami ring naiinis sa kaniya dahil madalas siyang maglider-lideran at pinapangunahan niya kaming lahat. Akala ko noon, siya ang killer pero hindi pala. Nakakadiri lang at dinukot ng killer ang mata nito at bilang sorpresa, sa refrigerator pa talaga nilagay, kasarwa lang.
Si Josh, ang tinig ng kalalakihan. Ang pambato namin sa kantahan in male category. Ang hirap lang ng sitwasyon niya. Friendzoned, awts! Ang lalamunan pa talaga niya ang pinuntirya ng killer. Sayang ang kaniyang boses.
Si Jake, isa rin iyan sa pinakamalapit sa akin. Aloof type pero mapagkakatiwalaan mo pagdating sa paglilihim ng iyong sikreto. Bestfriend na rin ang turing ko sa kaniya kaya aaminin ko, napaiyak ako nang mamatay siya lalo na ng makita ko ang kalunos-lunos niyang sinapit sa kamay ng killer.
Si Hannah, ang makamandag niyang ganda ang pumupukaw sa lahat. Naging Crush ko rin iyan. Palangiti at palatawa. Kahit galit na, nakangiti pa rin, para nanunuya lang. Sunog ang kaniyang mukha na binuhusan ng killer ng asido.
Labing-anim na lang kaming natitira. I hope makasurvive ang bawat-isa, sana matapos na ito. Mahuli na sana namin ang killer ng matapos na ang kahibangan niya. Psycho kaya siya kaya niya ginagawa ang mga ganoong bagay?
Sa aking pag-iisip, napagtanto kong may binubuo nga pala akong mga salita na maaaring gustong iparating ng killer sa amin.
Kung si Henry ay letter D, si Grace ay letter E, si Josh ay letter T, si Jake ay letter H, at si Hannah ay letter A, ang mga letter na ibinigay ng killer ay DETHA.
Kung ating aayusin ang mga letra, maaari akong makabuo ng salitang...
DEATH!
Naku, kamatayan! Nais niya ngang patayin kaming lahat. Kung ang mga letra noon ay OFRSU, ang ibig sabihin nito ay FOR US! Ang mensaheng nais iparating ng killer sa amin ay...
DEATH FOR US!
Kamatayan para sa ating lahat. No! Mukhang wala kaming takas talaga sa kaniya. Mukhang mali talaga ang galit ng killer pero bakit? At bakit for us? Ano ito, kasama rin siyang mamamatay? Naguluhan tuloy ako lalo!
Napabalikwas ako sa kama ng mapagtanto ko iyon. Dali-dali akong pumunta sa baba para ipaalam sa iba ang isang munting palaisipan na aking nalaman.
"Guys! Magtipon muna tayong lahat sa may sala at may ibabalita ako sa inyo." Sigaw ko habang bumababa sa hagdan.
Ilang sandali lang, nakumpleto na rin kami.
"Bakit mo naman kami tinipon Papa Mark? Kilala mo na ba kung sino ang killer?" Tanong ni Mia na may kasamang pagyapos sa akin.
"Mia, tigilan mo nga ako. Wala akong balak makipaglampungan sayo." Ani ko at tumigil ito. Napatingin ako sa dako kung saan nakaupo ang aking mahal. Masama ang tingin niya sa akin. Hay, nagseselos kaya siya?
"Go spill it Mark!" Wika ni Agatha na parang mainit yata ang ulo.
"Ok ok, ganito kasi iyon guys. Napag-alaman ko na may mensahe pala ang killer kaya sinusulat niya ang letter sa noo ng kaniyang pinapaslang." Paliwanag ko.
"Anong mensahe ang nabuo mo?" Tanong ni Ethan sabay akbay kay Rox. Argh! Nagseselos ako!
"Ang nabuo ko ay DEATH FOR US." Ani ko sabay yuko. Para akong manlulumo sa pagsandig ni Rox sa balikat ni Ethan. Kailan pa sila naging ganito?
"Oh no! I don't want to mamatay ng maaga! I have a dream na dapat ko munang matupad." Pagmamaktol ni Tin.
"Mukhang seryoso nga ang killer. Gusto niya tayong patayin tayong lahay at kapag patay na tayo, tsaka niya papatayin ang kaniyang sarili." Ani ni Jerome na nakapalupot ang kanang kamay sa kaniyang nobya.
Nakakainggit tuloy sila. Sana, may pagtingin din sa akin si Roxette.
"Shocks!" Ang tanging nasambit ni Arianne at umiyak.
"Ang galing mo pare! Biruin mo, naisip mo pa iyan? Hehe." Biro ni Kian na ngayon lang ulit nabuhayan ng loob matapos mamatay ni Hannah.
"Guys, hindi lang dobleng ingat ang dapat nating gawin. We need to take care of ourselves as long as kaya natin." Ani ni Nikka na masaya sa piling ng taong mahal niya.
"Ibig sabihin, hindi siya titigil hangga't hindi niya tayo napapatay lahat." Wika ni Roxette sabay walk-out.
"Sis, dito ka na muna. Baka ikaw ang isunod ng killer kapag humiwalay ka sa amin." Ani ni Ginny na along-alo si Arianne na patuloy pa rin sa pagtangis.
"Okay." Aniya at naglakad ito pabalik sa dati niyang puwesto.
"Seven days pa tayong mamamalagi dito at dapat maging wais kayo kung makaharap niyo man ang killer." Wika ni Agatha na iniisip pa rin ang pagkamat ng kaniyang tinuring na kaibigan. Si Hannah lang kasi ang ka-close niya talaga sa mga babae.
"At dahil walang signal magtiis tayo. Hindi tayo makakahingi ng tulong sa iba." Dugtong pa niya.
"Ahm guys, may sasabihin ako sa inyo." Wika ni Dion na napatayo bigla sa kaniyang kinauupuan.
"Ano naman iyon Dion?" Tanong ko habang nakaupo pa rin sa sofa.
"Kilala ko na ang killer. Kailangan ng matigil ang kahibangan niya." Aniya na higit na nababagabag dahil maaaring may binabalak na masama sa kaniya yung killer o kaya naman ay patayin na lang siya bigla nito.
"Sino?" Tanong naming lahat.
Killer's POV
Mabuti na lang at may utak din pala itong si Mark at naisip niyang buo-in ang mga letrang nais kong iparating sa kanila. Kasi kung hindi, may plan B ako para ipaalam sa kanila iyon.
Hindi ako titigil hangga't hindi natatapos ang Alphabet of Death. Mas maganda siguro kung patayin ko kayo kaagad ng sunod-sunod! Haha!
I knew it! Alam kong alam mo na Dion ang sikreto ko na ako ang killer kaya ginawa ko na dapat gawin para harapin mo ang iyong kamatayan! Haha!
Hindi ako papayag na matalo niyo! I will never give up! Haha! You need to face your death guys! Haha!
BINABASA MO ANG
Alphabet of Death (Published)
HorrorAlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang iyong pinangangalagaan? Mag-ingat ka dahil ang letrang pinanghahawakan mo ay ang magiging sanhi ng k...